Move
"Yegor! Gumising ka na dali! Ang haba ng pila ngayon!"
Nauunawaan ko naman na pagod siya. Kahapon lang kami nakabalik mula sa amin. Pero, kailangan naming pumunta ng maaga dahil may consultation pa before the enrollment. Naiisip ko pa ang haba ng pila napapagod na ako.
Naiirita ako nang hindi man lang siya nagising sa malakas kong sigaw at pagyugyog ko sa kanya.
As if he's not interested to go to school anymore. Something played on my mind but I don't want to acknowledge it. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.
"Yegs... hindi na ako natutuwa.." sabi ko nang unti-unti ng naubos ang aking pasensya sa kanya.
I am done fixing myself. Tapos na rin akong kumain. Nakasuot ako ng simpleng white top, tattered pants at paborito kong puting keds. Napatuyo ko na ang mahaba kong buhok at hinayaan ko lang itong nakalugay. I step out in the boarding house with a heavy heart.
Sumakay na rin ako ng jeep ng mag-isa, dapat na ba akong masanay sa buhay na ako nalang?
"Congratulations, Thia! Nasa DL ka!" Masayang salubong sa akin ni Jaz. Napangisi ako sa balitang batid ng kaibigan.
"Ikaw pala?" biglaang utas ko.
"Yes... Si Jana, Adam at si Luca rin..." halos nangingisay ito sa kilig nang nabanggit ang pangalan ng crush niya.
"Bilib talaga ako sa talino ni Adam, I haven't seen him reading notes o kahit libro sa Accounting. Pero, look at him nauna pa sa listahan," asik ni Jana nang nakita niya kami ni Jaz, habang naghihintay na humupa ang mga mag-aaral sa bulletin board.
I want to see it myself. I want to see his name in the Dean's List. May anong kirot na namang namumuo sa puso ko. Naalala ko naman ang babae at bata na tumawag sa kanya 'nong nasa Cebu kami.
Hindi ako nagkalakas ng loob na tanungin siya ukol doon kasi 'di ko alam kung ano ba ang gusto kong marinig mula sa kanya... Ang katotohanan ba? O takot ako baka kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig niya?
So I keep it to myself.
He is still a stranger to me... kahit sobra naming lapit sa isat-isa pero 'di ko pa rin kabisado ang pagkatao niya.
Finally, humupa na ang mag-aaral sa kung saan nakadidikit ang DL. Tiningnan ko ang pangalan ko at kay Yegor. Mas malaki lang siya ng kaunting puntos. Kung sa aming dalawa siya ang innate na matalino at ako naman itong nagpupursigi. I have to. Kailangan kong mag-aaral ng mabuti dahil scholarship at sa pangarap ko.
Dali-dali akong nagtipa ng mensahe kay mama upang ibalita sa kanya ang achievement namin ni Yegor. 'Di ko namalayang naapangiti ako habang ginagawa ito.
"Nababagot na talaga ako sa mansion buti nalang napagdesisyonan ni mama na magbakasyon kami sa Boracay," ani Jaz. Nakapila kami para sa consultation. Dito namin malalaman kung anong subjects ang pwede naming kukunin this sem.
"Ako naman, ang layo sa kabihasnan. Grabeeeh te! Walang signal talaga!" Ani Jana.
"Ikaw anong kwentong sembreak mo?" Si Jana ulit.
"Umuwi ako nga Cebu..." sabi ko habang 'di ko mapigilang ngumiti.
"Tapos? Kasama si Adam?" Ani Jaz.
Kita-kita ko ang pagngisi ng dalawa habang hinihintay ang sagot ko.
Tumango lamang ako at nagpatianod sa kanilang panunukso. Unti-unting napawi ang ngiti nang biglang nagsalita si Jaz.
"Oo nga pala, saan si Adam?"
"Ewan ko sa kanya. Magpapakita lang 'yun."
Hindi ko matingnan sa mga mata ang kaibigan. Kaya inabala ko nalang ang sarili sa pagbabasa ng schedule namin para sa 2nd sem.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...