Chapter 12

1K 24 6
                                    

Yet

Ang sarap pagmasdan ng lalaking mahimbing na natutulog sa aking harapan. Nakatagilid ito at yakap-yakap niya ang unan na ginawa naming boundary. Bawal ang lumagpas sa kanyang teritoryo at kung sino man ang lumabag ay maaring sa sahig na matutulog.

Sa liit ng kama at sa laki ng katawan ni Yegor, tiyak  ako ang lugi sa batas na ako mismo ang gumawa.  Ang lalaking 'to kung makayakap sa akin daig pa ang batang natatakot iiwan ng nanay niya. Ginagawa niya akong bilanggo sa mga yakap tuwing nasa isang kama kami, kaya naisipan kong gumawa ng batas. But, what other people said, the rule maker are the rule breaker.

Sa nagdaan na mga araw may sarili ng utak ang puso ko. Para bang sa bawat oras, minuto na magkasama kami ni Yegor mas lalong lumalim ang kung anong nakikita ko sa kanya. The fast heartbeat and the butterflies in my stomach is not because of any physical attraction, but I think it's beyond that. Dapat habang maaga pa'y aagapan ang maaring unos na dulot ng padalos-dalos na mga desisyon dahil sa panibagong emosyon.

Tinanggal ko agad ang paa kong nakapahinga sa kanyang binti. Baka magising pa siya at aasarin na naman akong rule breaker. I often broke my own rule. 'Di ko kasi namamalayan na ako mismo ang sumisiksik sa aking sarili sa kanya tuwing mahimbing ang tulog ko.

Nag stretching muna ako bago magluto. Habang nasa ere ang aking kamay at nakabend pa aking paa, narinig ko ang nanginging na boses ng kapre. Nakatalikod man ako sa kanya pero ramdam ko ang takot sa boses niya.

"Ting... "

"Ano?" Inikot ko ang aking beywang upang maharap siya at napataas  sa aking isang kilay. His eyes directly went to my soul. Para bang hinihimay-himay niya ang kalooban ko. Ang kaibahan ngayon, pinapayagan siya ng puso kong basahin ang laman nito.

"You're bleeding… shit!" napakamot siya sa kanyang ulo. At unti-unting bumangon sa kama. And there I saw my blood stained in our white bed sheet. Shit! Di ko na inindang tingnan ang aking puwitan at dali-daling inabot ang aking tuwalya at pinalupot ito sa aking beywang.

"Yegor! Bilhan mo ako ng napkin sa tindahan, dali! Whisper with wings night use isang pack." sabay abot ko ng isang daan sa kanya. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata habang inaabot ang pera.

"Hoy! Yegor! I have my monthly period​, ok? Normal lang ito sa babae na dumudugo. Hindi pa ako mamatay," sabay pinandilatan ko siya ng mata.

Napanguso siya at mabilis na ginulo ang aking buhok.

"Akala ko na may nangyari sa atin na  'di natin alam dahil tulog tayo." at humagalpak ito ng tawa.

"Yegor!" inis na tawag ko sa kanya pero agad na itong nakalabas sa silid. Ang dami talagang kabalastugan sa katawan ang lalaki 'yun. Ang ngiti na kanina ko pang pinigilan ay akin ng pinakawalan. Daig ko pa ang baliw na ngumingiting mag-isa.

Dala ang gamit panligo lumabas na ako sa aking kwarto at diretsong pumasok sa banyo. Ilang minuto lang ay narinig ko ang kanyang katok. Binalot ko ang sarili sa aking tuwalya at unti-unting binuksan ang pintuan ng banyo. Nakatago ang aking katawan sa pintuan habang inaabot ang napkin. Perfect talaga ang kumag. Saktong-sakto ang binili niya.

"Salamat…" sabi ko at sinarado na ang pintuan. Dahil Sabado ngayon 'di ko mapagilang bagalan ang pagligo. Pakiramdam ko kapag may pasok ay pinagkakaitan ko ang sarili sa maayos na paligo.

Pagkatapos kong maligo umakyat na agad ako sa silid. Tahimik at walang bakas ng kumag. Nasagip ang mata ko ang bagong palit na kobre kama. Napatingin agad ako sa laundry basket na wala na ring laman. I'm sure nasa baba na naman ang kumag at naglalaba. Ewan ko bakit ba sa lahat ng gawaing bahay, paglalaba ang 'di ko masyadong  gustong gawin na gustong-gusto naman ni Yegor, kaya't hinahayaan ko nalang siya. But I make sure to wash my own underwear.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon