Chapter 35

677 14 1
                                    

Pretty

Umalingawngaw ang tunog ng aking alarm clock kung kaya't ako'y napabalikwas. I spent minutes to thank God for the gift of life, family and friends at 'di ko alam bakit naglalaro siya sa aking isipan habang ako'y nakikipag-usap sa Panginoon. Nang napatingin ako sa kanyang gawi ay maayos na ang kanyang unan at walang bakas na ng kapre roon.

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Inayos ko muna ang aking higaan at tiningnan ang mga mensahe sa aking cellphone.

Nagtipa ako ng reply sa goodnight and good morning message ni Louie, Jaz, mama at ni Chuchi. Nilagay ang cellphone sa aking bag at kumuha ng tuwalya upang makaligo na. Buti nalang hindi na ako nilalamig. I don't want to go to the office without taking a bath though.

Napatingin ako sa 'di pamilyar na paper sa bag sa aking lamesa at unti-unti ng iniwan ang aking silid habang nakanguso.

"Good Morning, Tata!" Si Karen sa pambatang boses habang ginigiya niya ang kamay ni baby Ree upang makakaway sa aking gawi.

Napangisi ako at mabilisang humakbang sa sala kung saan ang mag-ina.

"Maganda gising natin, girl, huh?" Halata ang ngiting nakaukit sa kanyang labi habang nakataas ang isa niyang kilay. Ang kamay niya ay abala sa paghawak ng kanyang makulit na anak.

"Good morning, our baby Ree!" Bati ko sa bata at kinuha ito sa kanyang ina. Hindi pa rin ako tinatantan ng titig nito at hindi ko nalang siya pinansin.

Hindi ako nagtagal sa kanilang gawi dahil kailangan ko ng maligo. Naamoy ko na ang pang-agahang ulam. Swerte ko lang dito dahil pinaghahandaan na kami ni Auntie Mela tuwing umaga at kung gabi naman depende kung sino ang makauwi ng una o bibili nalang sa labas. But, I make sure that I share for groceries and house bills. 'Di na rin kami pinapabayad ng rental fee.

Napakurap-kurap pa talaga ako upang siguraduhin na hindi bulto ni Auntie Mela ang aking nasisilayan na nagluluto sa kusina. 'He's still wearing my shirt and his boxers. 'Di ata nahihiya ang lalaking 'to na mga babae ang nakakasalamuha niya dito sa bahay. Maliban lang kay baby Ree wala na kaming kasamang lalaki dito.

Pero ang isang 'to walang pakialam kahit kailan! Hindi mo maikailang mapansin ang kanyang lalong pagtangkad at paglaki ng kanyang katawan. His muscles in the arms are so damn obvious. Meron na siyang ganyan noon pero mas lalo ata talagang  nadepina ngayon.

We had an encounter in the gym so obviously we shared the same goal.

"Pwede nating punasan ang laway na tumutulo." Ani Maline habang pababa sa hagdanan. Nakapajama pa ito at naka white spaghetti strap. Ang mahaba niyang buhok ay halatang 'di pa na nadaanan ng suklay.

"Good Morning, girls!" Bati ni Yegor at napatingin sa akin.

"Maliligo ka na?" He's asking the obvious.

"Ba't 'di ka pa umuwi? Akala ko ba makitulog ka lang dito?" My brows starting to arched while trying to equal his stare.

Napangisi lang ito at pinatay ang stove. Napangiwi ako sa kanyang ginawa.

"Makikain at makiligo na rin," aniya. Sumalida na naman ang kanyang maliit na dimples. Ang kanyang mukhang maamo ay unti-unti ng nag-mature but I cannot find any evidence of hair on his face.

"Thia, matagal mo ng hinintay si Adam. Ngayong nandito na, inaabog mo?" Si karen.

"Gaga!" Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat na sa aking mukha dahil sa matinding pag-init nito.

"I'll take a bath na! I'll be late!" Sabi ko at dali-daling humakbang sa comfort room. Napabuntong-hininga ako pagkasarado sa pintuan. Hindi ko na pinansin ang naririnig na mga banat mula sa labas. 

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon