Stalker
" Ting, masakit ang likod ko," pagmamaktol ng kapre habang nag-aayos na ako ng kanyang higaan.
"Tapos kung masakit? Aanohin kita?" napakagat ako sa paraan ng aking pagtatanong, naghahamon na may halong ngiti sa labi. Nakakatawa naman kasi ang nakasimangot na kapre.
"Masahe-in mo kaya ako. Ang bigat-bigat niyo kanina. Nabalian ata ako ng buto, e," parang batang reklamo niya.
"Hala doon ka kay auntie Mela magpamasahe kasi siya naman ang pinakamabigat sa amin," sabi ko habang nakapamaywang sa harapan niya.
"Isusumbong kita..." nakangiting saad niya habang dahan-dahan ng humiga sa kama.
Aba! Ang drama talaga ng lalaking 'to. Gusto lang naman makatulog sa kama at gamitin pang rason na masakit ang likod niya.
"Talikod dali!" sabi ko habang inabot 'yung first aid box na pinadala ni mama. Napangiti ako nang may ointment na panhilot at saka Salonpas. Kinuha ko ito at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama kung saan nakadapa na ang kumag. Natatanging kulay asul na jersey shorts lang ang kanyang suot kaya ang mata ko'y 'di naman mapirmi kung saan dapat ituon ang paningin. I am forever be distracted with his perfectly chiseled body.
Unti-unti kong dinaplisan ng ointment ang likod niya. Sanay akong magmasahe kay mama kaya 'di na sana bago ito sa akin. Pero, sadyang nanginginig ang aking kamay sa bawat lapat ng palad ko sa malapad niyang likod.
"Idiin mo pa, Ting," reklamo niya.
Mas diniin ko bawat haplos ng aking palad.
"Shit! Ang sarap!" aniya.
"Peste! Ang ingay mo, hindi ko ito itutuloy kung mag-ingay ka pa diyan!" napalakas na ang boses ko sa sobrang pagkainis. Baka akalain ng kapit-kwarto namin na may ginagawa kaming 'di mabuti dito sa loob dahil tunog nasasarapan siya.
"Ituloy mo please..."
"Dito masakit?" Tanong ko habang dinidiin ang parte ng pwedeng lagyan ng Salonpas.
"Opo..." mahinang tugon niya. Mukhang nakatulog na ang kapre at ngayon ay nakatihaya na siya. Ang mata ko nama'y namamasyal sa magandang hubog ng kanyang dibdib. Bago pa maging mahalay ang utak ko, dahan-dahan kong hinaplos ang hibla ng buhok na nakatabon sa kanyang mukha...
Sino ka Yegor? Bakit mas pinili mong nahihirapan ka kung gayon mayaman naman pala kayo?
Nilagyan ko siya ng kumot at hinaplos ulit ang kanyang buhok. Ang gwapo talaga ng kumag kapag tulog kaya't ito ang pinakapiboritong parte ko sa kanya. Tuwing tulog. Napangiti nalang ako at akmang tatayo nang biglang hinawakan niya ang palapulsohan ko.
"Tabi na tayong matulog..." halos pabulong na saad niya. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Halata tuloy ang mahaba niyang pilikmata. Napabuntong hininga ako bago nakahanap ng tamang salita.
"Sa sahig na ako. Ikaw naman dito sa kama." Pero, bago ko pa mabitawan ang kanyang kamay. Nahila na niya ako at nahagip na ng kanyang bisig. Dali-dali akong tumalikod at napabuntong hininga. What was that? Ang bilis ng pintig ng puso ko. At dahan-dahang naramdaman ang pagpalupot niya ng kumot sa aking katawan. At bago pa ako mawala sa aking ulirat, isang bisig ang nakadagan sa manipis kong katawan.
Kinabukasan, nagising ako nang may nakapalupot sa aking baywang. Gusto kong buhusan ng tubig ang sarili nang napagtantong ako rin ay nakayakap sa kanya. Ang aking paa ay nakadantay sa kanyang puwitan. Gosh! Kaunting kibot lang ng aming labi ay tiyak na maglapat na ito.
"Yegor, gising na!" at dali-dali akong bumalikwas sa pinaka-awkward na posisyon ng buhay ko.
"Linggo naman ngayon..." aniya. Nakapikit pa ang isang mata habang ang isa ay kinukusot niya. Damn! Ba't he woke up like this ang hitsura niya? May mga hibla ng buhok ang nakatabon sa mukha niya pero magkakasala na naman ako kung sasabihin kong 'di siya gwapo. Lahat ng anggulo siguro ay sumisigaw ng parehas na pang-uri.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...