Chapter 13

1.1K 22 2
                                    

Forever

"That's my jersey!" Nangigigil kong asik sa kanya.

"Bagay ba, Ting?" Aniya, habang 'di pinapansin ang pag-aalburoto ko. Sinuot niya ang aking jersey top na may malaking St. Ignatius at apelyido ko sa likod. We wore that during our palaro, sad to say hanggang parade ko lang .'yan nasuot dahil 'di naman ako manlalaro. Ang laki nga 'yan sa akin e, sinadya ko nalang para  pambahay. Pero, sa kapre saktong-sakto sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakaawang na pala ang aking  bibig hanggang binato niya ako ng t-shirt sa mukha. Ang amoy ng fab-con ay agad na nanunot sa aking ilong. Lumaki ata ang butas ng ilong ko nang naaninag ang apelyido niya. This is his PE T-shirt.

"Suotin mo yan, can you pair that with a leggings? Seryosong saad niya habang naghahanap ng kung ano sa aparador.

"I don't like wearing leggings when I have a visitor, paki-abot nalang ng short," kaswal na saad ko. Kahit ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan ngayon.

"No! Madaming lalaki doon," aniya. Ngayon ay nakaharap na siya sa akin na naka basketball attire. He paired my blue jersey top with his white jersey shorts. Damn! May kakaibang dating talaga ang lalaking naka-jersey. Paano nalang kaya sa court na?

"Saan pala tayo pupunta, Yegor? At ba't kailangan ko pang suotin ang PE t-shirt mo? I have mine!"

"Ang ikli ng PE t-shirt mo and you gonna cheer me," aniya, habang pinasadahan ako ng tingin.

"Whatever! labas na nang makapagbihis na ako," at tinulak ko siya palabas ng kwarto. Dali-dali kong sinirado ang pintuan at 'di ko na mapigilang gumiling sa kama dahil sa kilig. He'll play  basketball today?

Ilang minuto pa ang nakalipas ay umalingawngaw na ang katok sa pinto. "Ting, bilisan mo diyan! Naghihintay na sila sa atin,"

"E, 'di pumunta ka ng mag-isa!" Maarteng tugon ko.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin. Pwede na kahit wala akong suot sa baba dahil sa laki ng t-shirt niya. Pero, dahil ayaw ko ng masira ang moment na ito ay sinuot ko nalang ang hinanda niyang leggings and paired it with my white keds.

Paglabas ko sa silid, bumungad sa akin ang nakangusong si Yegor. Unti-unting sumilay ang ngiti ng kanyang mga mata nang dumapo ito sa suot ko.

"Very good…" aniya.

Ang kagalakan sa aking puso ay 'di  ko maitago. Ewan ko ba bakit nagdidiwang ang puso ko habang patungo kami kina kuya Gomer.

"Oh, Gomer, nandito na pala ang star player natin oh," sabi 'nong isang lalaki na halos ka edad lang namin nang nasilayan kami palapit sa kanilang gawi.

Mukhang kami nalang ni Yegor ang hinihintay ng black pick-up na nakaparada sa gilid ng kalsada nila kuya Gomer. Halos nagsisiksikan na ang mga lalaki sa likod ng pick-up. Some were wearing their jersey uniforms too.

"Adam, sa likod nalang tayong mga lalaki," ani kuya Gomer at nakipagkamayan pa kay Yegor.

Dumapo agad ang mga mata niya sa akin na puno ng pag-alala. Na para bang nagdadalawang isip siya na sumakay sa likod dahil hindi ako kasama.

"Hoy, Adam, sa likod ka na. Maghiwalay naman kayo ng kumander mo," nakangiting saad ng babae na nakapwesto na sa loob ng sasakyan na may batang nakakandong sa kanyang bisig.

Pinandilatan ko nalang siya ng mata at 'di ko na kailangang magsalita alam kong naiintidihan niya ang gusto kong mangyari. Tumango ito at mabilis ng umakyat sa likod ng pick-up.

Pinagkasya ko na ang aking sarili sa passengers seat. Kasama ko ang asawa ni Kuya Gomer, ang kapatid niya at ang dalawang babae na may boyfriend daw sa likod.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon