Chapter 19

896 26 4
                                    

Iwan

Hindi matanggal ang paninitig ko sa aking kapatid na ngayo'y walang hiyang kumakausap kay Yegor. May komunikasyon ba sila na 'di ko nalalaman? Pati ang mama para bang masaya siya sa kanyang nakikita.

Buti nalang may naramdaman akong kamay na nakapalupot sa aking likuran at naibalik ang  ngiti sa aking labi. Isang mainit na yakap na galing sa aking pinakamatalik na kaibigan.

"Thia,  I miss you kahit nakakainis ka! Naglilihim kana sa akin…" ani Mina na may halong pagtatampo at sabik ang boses niya. Napangiti akong hinarap siya habang hawak ang kanyang mga brasong nakapalupot parin sa  akin.

"Ish... Gaga! Walang akong nililihim, nuh!" Sabay nguso ko sa kanya,  kahit alam ko naman talaga ang tinutukoy niya.

Napabalikwas ako sa pagkayakap nang narinig ang isang pagtikhim sa aking likuran. Ang pagbilis ng pintig ng aking puso ang siyang naging hudyat na si Yegor nga iyon. Isang pagtaas lang ng kilay ang ginawad ko sa kanya. Pinigilan ko ang pagkibot ng aking bibig dahil alam ko kung ano ang lalabas dito. Nakatitig lang ang kapre sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi pwede dahil may makarinig. Buti nga at nagkaroon na rin ng filter ang bibig niya o baka may scotch tape talaga at nawalan na siya ng kakayahang magsalita. Buti nga sa kanya!

"Children let's eat," ani mama na nasa kusina na at abala sa paglalagay ng pinggan sa lamesa. Nilingon ko ang kaibigan na parang na estatwa na rin sa aking likuran. Ganito ba talaga ang epekto ni Yegor sa karamihan? Nakakawala ng huwisyo.

I composed myself,  at iginiya na ang kaibigan patungong kusina. Ikukwento ko lang kay Mina ang lahat ukol sa amin ni Yegor. Naiisip ko pa lang ang maging reaksyon ng kaibigan ay nasasabik na ako sa aking isipan.

Naging abala ang  aking mga kaibigan sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa unibersidad na kanilang pinapasukan habang ang katabi ko naman ay abala sa pagguhit ng mga letra sa aking paa. Kahit anong titig ko sa aking kiliran ay 'di parin niya ako naiintindihan. Magkahalong kiliti at guilt ang aking nadarama. Para bang mukha akong nakikinig   pero hindi naman talaga. Nakangiti pero 'di naman umaabot sa mata.

Nang hindi ko na talaga matiis ang pangungulit ni Yegor ay dahan-dahan kong binitawan ang tinidor sa aking pinggan at unti-unting inabot ang kanyang kamay pero biglang nasakop ng kumag ang aking mga kamay sa ilalim ng lamesa. Isang 'di inaasahang halakhak ang kanyang pinakawalan. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya at sa takot na malaman ng lahat ang kabalastugan ni Yegor.

Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay sabay-sabay ng nagpaalam ang mga kaibigan.

Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming apat. Si mama at Chuchi na nakaupong nakaharap sa amin ni Yegor. Para bang gusto kong tawagin ulit ang mga kaibigan. Nakatutok lang si mama sa amin pababa sa aming mga kamay. At doon ko na napagtanto ang kamay naming magkahawak.

"Kuya di naman mawawala si ate kaya pwede bang bitiwan mo na ang kamay niya. Nakakarindi na eh," maarteng tugon ng kapatid ko  na mas lalong nagpainit sa aking pisngi.

"Sabihin mo lang, Chi na nagseselos ka lang sa ate mo. 'Di ba sabi ko sa'yo na papuntahin mo siya dito." pang-aasar na asik ni mama sa aking kapatid.

"Ma!" protesta ni Chuchi kay mama na nagpangisi lalo kay mama. Kahit may kulubot na konti ang banda ng kanyang mga mata lutaw parin ang kagandahan ng aming ina.

Isang halakhakan ang bumalot sa aming apat. Kahit ngayon nasa harapan ko na si mama 'di ko kayang basahin ang kanyang isipan, kung bakit hinayaan niya kami ng kapatid sa mga bagay ukol sa mga lalaki kung dati ay sobrang OA niya.

"Thia, kumuha ka nalang ng extrang unan sa kwarto ko. Hinakot na ng kapatid mo ang mga naiwan mong unan." ani mama.

"Yes! tabi tayo… " bulong ng  kumag sa aking taenga. Isang malakas na tampal sa kanyang braso ang natamo niya galing sa akin. At huli ko ng napagtanto ang ibig sabihin ni mama, kaya pala napakasaya ng kumag.

Nagpaalam na si mama at Chuchi na mauna ng matulog dahil may pasok pa sila bukas. Nang akma kong iwan si Yegor at sumama na kina mama ay nasagip na ng kapre ang aking beywang. Bumagsak ang aking maliit na katawan sa kanyang mga bisig at para bang nawalan lang ako ng lakas na kumuwala sa kanyang bisig at hayaan siyang sakupin ang aking pagkatao.

"Baby…" bulong niya na lalong nagpahina sa aking mga tuhod at nagpabilis ng pintig sa aking puso.

"Yegs…" malambing kong sambit at 'di ko alam na meron pala akong ganong boses.

"hmmm…"

"Sa kwarto ka matutulog at doon ako kay mama. Na-miss ko siya," pinal kong asik sa kanya.  Totoo naman talagang na-miss ko ang aking ina pero mas may malalim pa akong rason bakit mas gustohin ko munang katabi si mama kumpara sa kanya.

Tahimik man ang kanyang tugon alam kong naiintindihan niya ako.

Ilang minutong katahimikan hinatid ko na rin ang kapre sa aking kwarto at agad-agad akong tumalikod nang nakapasok na siya doon. Nagpakawala muna ako ng malakas na buntong hininga patungo sa kwarto ni mama.

Dumiretso nalang ako sa closet ng ina upang makahanap ng pampalit. Hindi pwedeng magsasama kami ni Yegor sa kwarto baka 'di na ako makalabas doon. Alam ko na talaga ang diskarte ng kumag na iyon.

Napangiti nalang ako sa aking naiisip habang pinagmasdan ang damit ni mama na suot ko.

"Mama…" tawag ko sa kanya habang sinisiksik ang sarili sa kanyang likuran. Alam kong gising pa siya kaya't minabuti ko ng itanong sa kanya ang matagal ng naglalaro sa aking isipan. Ba't ang dali niyang nagtiwala kay Yegor? Ba't ganito siya kaluwag pagdating sa lalaki sa buhay ng mga anak niya?

"Ma, ba't ganon, ang gaan ng loob mo kay Adam?"

Akala ko'y mas kakabahan ako kung 'di sasagot si Mama pero halos 'di ko na masundan ang aking hininga sa mahinang boses na lumabas sa kanyang bibig.

Humarap si mama sa akin at doon ko napagtanto ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Nak, 'di ito madali sa akin na hayaan kayong may minamahal na, lalo't ikaw magkasama talaga kayo sa bahay, pero napagtanto ko kung kayo ay pagbawalan, baka lalo lang kayong magrebelde. Pero… dahil din yan may tiwala si Mama sa inyo... at nararamdaman ko na may mabuting puso ni Adam." She kissed me on my forehead. Ramdam ko talaga ang pagmamahal ng ina sa akin.

Niyakap ko ng mahigpit ang aking ina at bumulong sa kanyang taenga. "Hinding-hindi kita bibiguin, mama."

Para bang natanggalan ako ng karayom sa aking puso nang narinig ang salitang  gusto kong marinig sa aking ina.

Sa sobrang gaan ng aking pakiramdam ay namulat nalang ako sa kaluskos sa kusina. Dali-dali kong kinapa si mama  sa aking tabi pero wala na ito. Sigurado akong siya itong nasa kusina.

Tinali ang mahaba kong buhok, dahan-dahan akong bumaba sa kusina, pero ang mga mata ko'y naglakbay muna sa aking kwarto. 'Di ko mapigilang ngumisi ng mag-isa, sigurado't tulog pa ang kapre ngayon.

"Adam, salamat sa pag-aalaga sa panganay ko, 'di 'yan sanay mag-isa," na-estatwa ako sa aking narinig, boses iyon ng aking ina. Kumuwala ako ng malakas na buntong hininga at minabuti ng mag-pretend na wala akong narinig.

Napangsinghap ako sa amoy ng tocino na bumabalot sa kusina. Napalingon ang dalawa sa akin habang ang kamay ay abala sa kanilang ginagawa. Si mama ang ay may hawak na plato at si Yegor naman ay abala sa pagprito.

"Good morning, ba… ting!" Bati ng kapre sa akin nang nagtama ang aming mga mata. Pintaasan ko lang siya ng kilay at dumalo na sa aking ina. Hinalikan ko sa pisngi si mama at kinuha na sa kanya ang hawak na pinggan.

"Kami na po dito sa kusina, ma. Maligo na po, kayo." tumango ang aking ina at hinayaan na kami ni Yegor sa kusina.

"Nakatulog ka ng maayos kagabi? Kahit 'di tayo magkatabi?" Napanguso ang ito at para talagang bata kung umasta. Pakiramdam ko'y lumiit ang aming kusina dahil sa kanyang tangkad at lalong lumiit ang aking pakiramdam dahil sa salitang lumabas sa bibig niya.

He immediately turned off the stove and he spread his arms widely. Para bang nagtatawag ng yakap. 'Di na ako nakaprotesta pa nang nasakop na ang maliit kong beywang ni Yegor. Bumilis ang pintig ng puso ko at hinayaan ko ang aking mga kamay na pumulupot sa kanyang beywang. I miss him too. Yung parang 'di kami magkasama ng ilang taon kung makaasta.

"Ting, 'di na ako makatulog nang wala ka sa tabi ko." pabulong na utas ni Yegor na lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon