Prologue

3.2K 33 2
                                    


"Calanthia, anak, alam mo naman ang kaibahan sa tama at mali 'di ba?" Paulit-ulit na tanong ni mama, mula sa bahay, sa taxi, hanggang nakatungtong na kami sa airport.

"Ma, she can't be a Salutatorian for nothing," asik ng kapatid kong si Chuchi. Siya lang naman ang may talentong barahin si mama.

"Ma, huwag kayong mag-alala sa akin, ok? Aalagaan ko ang sarili ko, 'di magpapagutom, 'di makipagbarkada sa lalaking may earrings at higit sa lahat magdadasal," nakangiting saad ko sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay at kinuha ang bitbit niyang paper bag. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. I will surely miss her sweet sermons everytime.

"Perfect! Paulit-ulit na kasi ma, nakakaumay. You know!" ani Chuchi at nakipag high-five pa sa akin.

Nakakunot ang noo ni mama habang nakatitig sa dalawang magaganda niyang biyaya.

"Kayo talagang magkapatid. Hindi ninyo sineseryoso ang mga sinasabi ko, all I want..."

"All you want is the best for us. Hay naku, Mudra! Male-late na si ateng sa kanyang flight dahil sa walang humpay mong habilin," napahilot siya sa kanyang sentido at napapikit pa sa kanyang mata. May pagka-artista talaga ang kapatid ko.

"Mamimiss ka namin. 'Wag kalimutang tumawag kay mama, ha?" nangingilid na ang kanyang luha habang pilit na ngumiti sa akin.

"Yes, Ma!" nakangiting saad ko sa kanya, kahit pinipiga na rin ang puso kong nakikita silang nalulungkot. But, I have to be strong, this is not just about my fight. This is for the three of us.

"At... anak, 'yung pribadong parte ng katawan 'di dapat pinapahawakan, hah?" namilog ang mata ko at ang mukha ko'y nag-iinit sa kanyang sinabi.

"Gosh! ma, mababaliw ako sa iyo," napalingon ako sa mga dumadaang tao sa aming likuran. Buti nalang nagmamadali ang lahat. Kung hindi baka piliin ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.

Alam kong mahirap kay mama na mawalay sa akin. Ganoon rin ako, dinadaan ko nalang sa ngiti at asar kay Chuchi ang totoong nararamdaman. Ito kasi ang unang beses na mawalay ako sa dalawa, kaya medyo may kadramahan pang kailangang atupagin.

"Bye, ma and Chuchi," sabay kaway ko sa kanila.

Bitbit ang aking bagahe at ang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Dumating ako sa Manila na nakaukit ang sayang nadarama. Hindi alintana ang takot at lungkot dahil alam kong may naghihintay na magandang kinabukasan para sa akin, para sa amin ng aking pamilya.

Pagdating ko sa Sealtiel University, dumiretso na agad ako sa dorm.

"Good afternoon po, ako nga pala si Calanthia Arabejo, ma'am. Anong number po ang room ko at maghiram po sana ako ng susi," medyo naninibago pa ako sa salitang tagalog, local dialect kasi ang nakasanayan ko.

"Nakapag-reserve ka ba, Mis. Arabejo?" at nakukunot noong nakatutok sa monitor ng computer.

"Sorry... wala na kaming vacant. No'ng nagpa-reserve ka ay wala ng bakante at wala naman kasing nag-back out."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Hindi ko agad na proseso ang bagong impormasyon na pumasok sa utak ko.

I thought everything was settled? Saan na ako titira ngayon? Wala kaming kamag-anak dito sa Manila... Gosh!

"Ma'am, pwede niyo ba akong tulungan kung saan ako pwedeng mag-rent? 'Yung malapit lang dito at mura lang?" pinakalma ko ang sarili at kinumbinsi na may mahanap akong paupahan.

"Naku! Pag malapit dito sa SU lahat may kamahalan."

Napayuko nalang ako at hinubad ang nakasabit na sling bag sa aking balikat at nilagay ito sa aking maleta. I-tetext ko pa sana si mama nang nagsalita ang babae na kausap ko kanina.

"Ms., pauwi na rin ako, kung gusto mo tuturuan kita sa boarding house ng aking tiyahin, isang sakayan lang ng jeep."

Biglang nabuhayan ang aking dugo. Pansamantala nalang muna. Kung may bakante na sa dorm, pwede namang mag-apply ako ulit. Ang importante may matirahan ako habang wala pang bakante.

"Ma'am, ako na po," inagaw ko sa kanya ang aking maleta. Sobra naman kung tutulong pa siya sa aking mga bagahe.

"Naku! 'wag mo na akong tawaging ma'am, estudyante rin ako rito. Service Scholar. You can call me ate Stella."

"Wow! Parehas pala tayo, ate Stella, ako rin scholar."

Nagkwentuhan lang kami ni ate Stella palabas ng campus at patungong sakayan ng jeep. Binigyan niya pa ako ng mga tips paano maka-survive sa college life. May kampo pala ang ina ko dito. Napakagat nalang ako sa aking labi nang naalala ko si mama. I'm going to text her pag naayos na ang aking tirahan. Ayaw ko siyang mag-alala sa akin.

Pagsakay namin ng jeep doon ko na napagtanto na nasa Manila na pala ako, dapat ay alerto sa paligid. Halos lahat nagmamadali. Siksikan sa jeep at nasubsob na ang pagmumukha ko sa aking katabi. Ang harsh naman, 'di pa marunong mag-sorry.

Sa wakas, nakahinga na ako ng maayos nang nakababa na kami sa jeep ni ate Stella.

Medyo naubos na ang lakas ko sa byahe. May halong pagod ang bawat pag martsa ko patungong boarding house.

"Calanthia, diyan sa berdeng gate ang boarding house ng aking auntie. Hindi na kita pwedeng samahan sa loob dahil bukas pa ako makauwi kung magkikita kami ng auntie ko. Diyan lang sa kabilang kanto ang bahay namin. Puntahan mo nalang ako pag may kailangan ka, ok?" sabay tapik sa aking balikat.

"This is too much ate, thank you so much. Kung wala ka, 'di ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon. "

"Pwede ka namang lumapit sa student council kung ganoon," at napangiti ito. Maganda na nga, matulungin pa.

"Basta maraming salamat, ate..."

Napabuntong hininga muna ako at hinigpitan ang hawak sa aking maleta bago nagsalita sa harap ng kulay mint green na gate.

"Tao po, magandang hapon!"

Napalunok ako nang bumungad ang isang babaeng nasa mid-forties na ang edad.

"Yes?"

"Gusto ko po sanang magtanong kung may bakante pa kayo? Kaibigan po ako ni ate Stella at ni-recommend niya ako rito."

"Buti ni-recommend ng maldita ang aking negosyo!" siya ang typical na landlady sa TV na napapanood ko. 'Yung tipong one month advance at one month deposit agad ang nasa isip.

"2,500, one month advance and one month deposit," aniya, habang nakataas ang kanyang kilay, mukhang nababasa niya ang nasa isip ko.

Kung ganoon, magtitipid nalang ako sa pagkain dahil sa allowance ko muna kukunin ang pang advance ko.

"Per room ang renta, pwede kang may kasama para may kahati ka pa sa bayad, kung nagtitipid ka. Isa lang ang kama ng bawat kwarto, pero kasya sa dalawang tao. Hindi ako strikto kung lalaki ang kasama mo, basta 'di lang maka-disturbo sa ibang boarders."

Ang bait naman pala ng auntie​ ni ate Stella, walang masyadong bawal. Pero, ok na akong mag-isa sa kwarto. Malalasap ko pa ang salitang privacy.

"Auntie ako lang..." 'di ko na natapos ang dapat kong sabihin nang may lalaking nagsalita sa aking likuran. Isang garalgal na boses ang nagpatindig ng aking balahibo sa batok.

"Ayos! pwedeng sa iyo muna ako makitira," ilang segundo rin ang nagdaan bago ako nakalingon sa may-ari ng boses. Hindi ko pa masyadong makita ang mukha niya, kailangan ko pang tumingala, ang tangkad naman kasi ng nilalang na ito. May suot pang gray na bonnet na halos natatabunan ang kakaibang kulay ng mata niya.

Napaawang ang labi ko nang hinakbang niya ang aming distansya at inagaw  ang hawak kong maleta. Naglalakad siya patungong bahay na parang natural lang at wala siyang na agrabyado.

"Hoy! Sino ka?" buong lakas na sigaw ko.

"Your bedmate!" he shouted back.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon