Still
Nakakangiti, nakikipagkulitan sa mga kaibigan hanggang sa ako na naman mag-isa sa lugar kung saan natatanging kulitan at asaran ang laging nakaukit sa aking isipan.
Sa bawat sulok ng bahay naalala ko ang mga ngiti niya, mga pasimpleng banat at ang mga walang humpay na pag-usok ng kanyang ilong tuwing nagsusuot ako ng shorts. Hindi ko mapigilang ngumisi sa naisip pero magsimula na namang sumikip ang aking dibdib. Luhang nagbabadya ay 'di ko na mapigilan.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng sobra sa pagkawala mo, Yegor. In the first place isa ka lang estranghero na sumulpot sa buhay ko na walang ginawa na asarin at alagaan ako... Pero bakit sabi mo babalik ka?
Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili kong hindi ka na babalik. Alam ng puso ko na baka magtatagpo ulit ang mga landas natin.
I know you will be good husband, Yegor... to your wife... because you are a good friend and companion to me.
"Thia, ikaw na! Sigaw ni Maline nang dumaan siya sa aking kwarto.
"Ok, salamat!"
Bumaba na ako para maka-half bath na at maka night skin care routine na rin. I may be simple but I always make sure to look clean and fresh, lalong-lalo ng nakakatanda ang stress. Pagkatapos sa aking ritual ay umakyat na ako ulit sa kwarto. Tahimik ang sala namin ngayon dahil Friday night at nag-night out sina Karen at Lynne. Naiwan kami ni Maline.
I open my cabinet to look for loose shirt and short and there I saw his black bag pack. I didn't open his bag or touched any of his things. Hinayaan ko lang ito sa cabinet.
Pagkatapos kong magbihis ay napagdesisyonan kong buksan ang kanyang bag. Naiinis ako dahil nagsimula na naman ang kirot ng aking puso.
Akala ko ba sumabay na ang mga luha ko sa pag-hilamos ko kanina. Para bang hindi nauubos ang luha ko.
These feelings are all foreign to me. And handling new emotions are difficult.
Dahan-dahan kong binuksan ang zipper ng kanyang bag, I only saw his notebook that I gave him and meron doong forms. Tiningnan ko ito at nakita ko na hindi lamang scholarship form ang nandoon meron ding biodata.
So it means he will apply for a scholarship kahit mayaman naman sila? At biodata? Magtatatrabaho siya?
This is him, hindi siya nagsasabi sa kanyang mga plano.
Sa kalagitnaan ng ang aking pagtatagpi-tagpi ng mga pangyayari ay tumunog ang aking cell phone na nakalatag lamang sa aking higaan. Umupo ako doon at kinuha ito. Unkown number flashed on my screen. Binuksan ko ang mensahe. Sa simula palang ng mensahe alam ko na kung ano ito.
Adam,
This is from Mocha Avenue you can start your work tomorrow. Thank you and see you!
Halos mabitawan ko na ang aking cell phone dahil sa sobrang panginginig ng kamay.
Ang mga bagay na nalaman ko ngayon ay nagpapakita lang na he just want to stay but then he has no choice but to be back home.
At ikakasal na siya...
This might not be the first time to tell myself that I should move on with my life... without him in it... but I want to remind myself again.
Nakakalungkot lang isipin na wala na siya na wala na mang-aasar at magpapangiti sa akin.
"Akin na nga," si Luoie, kinuha niya ang bitbit kong libro.
"Ako na Louie, kaya ko naman yan eh." pagmamaktol ko sa kanya.
"Mukha kasing mabitawan mo na," sabi niya. He look at me as if anytime, I would collapse again.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...