Fired
"Maline, ang sarap ng luto niyo. Salamat sa inyo." Nakangiting saad ko.
"Hindi ka sa akin dapat magpasalamat, Thia. Credits to your boyfriend." Aniya at naki-high five pa sa lalaking nasa aking likuran. Palaging buntot ng buntot!
I stiffened a bit when I felt him tightening his grip on my stomach.
"Gusto na kitang i-solo..." he whispered.
"Ano ba 'yan Adam, hangang ngayon ang clingy mo pa rin..." Nakangising saad ni Jana na may halong panunukso. At siya ang naging remote operator kung ano-anong mga kanta ang kanilang kakantahin.
It seems they were enjoying it.
"Eh, kung si Kuya Adam naman. Why not 'di ba?" Ani Chuchi.
Pinalakihan ko siya ng mata pero 'di nadala dahil patuloy ang pagputak niya.
Sa gitna ng mga ngiting nakapinta sa aking mukha 'di maalis sa aking isipan ang pag-alis ni Louie. Ang maletang bitbit niya. Ang malulungkot niyang mga mata, ang imaheng laging naglalaro sa aking isipan. I hope he will achieve what he really want in life and to find the person who will love and accept him.
Jaz texted me that she can't be with us today since they have something important to fix. Next week will be their wedding day. At kahit anuman ang rason na sabihin ni Seb alam ko pa rin kung ano ang totoong dahilan.
Kahit gusto kong tumulong sa pagligpit 'di ko 'to magagawa dahil sa lalaking panay dikit sa akin. 'Di niya talaga ako pinakakawalan. Para bang nasasayang ang oras na hindi niya ako nahahawakan.
'Yegs, I want to help." Unti-unti kong tinanggal ang kanyang kamay na nakapalupot sa akin. At nakangiting nakabaling sa kanya. Everyone is sitting on the sofas pero kami ay nakatayo lamang sa likod nito.
"Don't worry about anything, baby."
Napataas ang aking kilay at pinasadahan siya ng tingin. Dahil napatingala ako upang masuklian ang mga titig niya.
"Ginamit mo naman ang iyong kayamanan, Yegor!"
"All for you," nakangising saad niya. Para bang walang pakialam na galit na ako dahil sa kanyang pinangagawa. Though, I am thankful for the birthday celebration, pero sobra naman. Namataan ko na ang mga papasok na empleyado ng catering.
"Ting, I'll answer this." Sabay pakita ng kanyang cellphone.
Dad calling...
Tumango lang ako.
Dinaluhan ko ang mga kaibigan sa sofa. Umusog kaunti si Leigh upang magkasya kami. Abala na sila sa pagpili ng mga kanta. Napatingin ako sa gawi ni Jana na nakaupo sa mas malapit sa TV.
Gaano niya man pinapakita na ok at masaya siya pero ang mga ngiting 'yun ay hindi umaabot sa kanyang mga mata.
"Thia, ikaw pala 'yung first love ng CEO natin." Ani Clarisse.
Napansin ko ang pagbilog ng kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig.
"And this would answer my fucking question! Bakit naging interasado ang aking pinsan sa whereabouts ko lately. Alam niya kung saan ako, nandoon si Thia. Pambansang spy pala ang baklang 'yun!" Ani Clarisse.
Napahalakhak si Leigh at ganoon din si Jana.
"Make chicka na!" Ani Leigh.
"Grabeh, ang mga mosang nagsilabasan." Natatawang saad ni Kian. At tinanggap na ang microphone.
Hindi ko mapigilang pumalakpak pagkatapos ng kanyang kanta dahil sobrang galing pala nito.
Tapos ng kumanta ang lahat maliban sa akin pero walang Yegor na bumalik. Napalingon ako sa pintuan perong walang kapreng niluwa doon.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...