Chapter 46

633 11 0
                                    

Bedmate

Pagkatapos ng aking pag-iisa, siya pa rin ang natatanging tao na nagpapabilis ng pintig ng puso ko. I really wanted to asked why he is here but I stoped myself from doing it. Mabilis ang kanyang bawat hakbang patungong CEO's office. Naaninag ko kung paano huminto ang lahat sa kanilang ginagawa upang tumayo at bumati sa kanya.

Parang kilala siya ng lahat, ako lang itong nakatunganga habang pinagamasdan ang kanyang pagdaan. Nakasuot siya ng itim na long sleeve na nakatupi hanggang sa kanyang siko at gray slacks with his brown leather shoes. He looks as handsome as always. Gusto kong sabunotan ang sarili dahil hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kanyang hitsura.

Ang liit lang talaga ng mundo. Maybe he's visiting our CEO.

Afternoon came, nagsiuwian na ang lahat 'di ko pa siya nakitang lumabas sa opisina, maybe noong abala ako sa katutok ng laptop umalis na siya.

"Thia, nakita mo 'yung pumasok kanina?" Si Bella habang palabas na kami ng opisina. Para bang may nakadagan sa aking puso nang tinanong niya iyon.

I just look at her with confused eyes. Ayaw kong mahalata, baka naman ma sesante ako bigla-bigla. I cannot be fired twice. Parang wala na talaga akong silbi niyan.

"Si Sir Adam 'yun, our CEO, the real CEO."

My eyes widened.

What?

I really just wanted to question God about it, na bakit ba kailangan pang pagtagpuin ang aming mga landas kung sa huli masasaktan at masasaktan lang naman kami.

"Akala ko si Sir Philip ang may-ari." Sabi ko. I tried to sound natural.

"Akala ko rin nung una. Katiwala lang si Sir Philip, actually. May family company sila but he's not in good terms to his father. Maybe our company is just his fall back. Na meron siyang mapupuntahan. Ang galing niya, 'di ba?" Ani Bella. Manghang-mangha kay Adam.

Kaya pala hindi siya takot na tatanggalan ng posisyon at karapatan ng kanyang ama, hindi pala talaga siya mawawalan. He has his own. Napahanga ako kung ganoon. But still I don't wan't him to be disowned by his family. I still made the right choice.

"Thia, gusto mong sumabay sa akin? Ihahatid kita." Si Bella.

"Huwag na, Bel, mag-grocery pa ako."

"No! I insist. Pupunta rin ako ng mall." Aniya.

I smiled at her at nagpatianod sa kanyang gusto.

Simula nung bumalik ako sa Manila, I always make sure to do things alone. I don't want to depend with others. Sa tingin ko masyado akong naging dependent noon. Nandiyan lagi si Louie at mga kaibigan ko that's why I really enjoyed being with myself now.

Nagpasalamat na ako kay Bel nang dumating na kami sa basement ng mall, kikitain niya ang kanyang boyfriend at ako naman ay diretso na sa grocery department. I bought my essentials. I am back to caring my skin again, my hair and of course naging kilay is life na. Pinahaba ko lang aking buhok at hinayaan ang artificial curls.

"Oh my God! Thia!" Napalingon ako at napangiti nang naaninag ko si Leigh at Clarisse.

Dali-dali nilang kinain ang distansyang namagitan sa amin at yinakap ako.

"We missed you, Thia! Kumusta ka na?" Si Leigh.

"I am pretty fine, I am doing great." Nakangiting saad ko.

"We see it! Ang blooming mo girl." Ani Clarisse. Ang kanyang mga mata ay naglalakbay sa aking kabuoan. Para bang sinusuri niya ang pagbabago sa aking pagkatao.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon