Chapter 38

605 12 0
                                    

Banana Boat

Umalingaw-ngaw ang tunog ng aking cellphone sa buong silid.

"Thia, sagutin mo na, please. Inaantok pa ako..." Si Jana. Ramdam ko ang paggalaw niya at napaungol pa ito.

Dahan-dahan kong kinapa ang aking cellphone na nasa katabing table lamang ng kama.

Walang ganang nilagay ko ito sa aking taenga habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Good morning, Thia. Dad, just called, I need to be in the office right now."

"Hah?" hindi ko pa masydong na proseso ang kanyang sinabi dahil pakiramdam ko parte pa ito ng aking panaginip.

"Kakagising mo lang?"

"hmmm..." Mukhang wala pang salitang lumabas sa aking bibig.

"I am still driving. See you, later!" Aniya.

"Ok. Ingat..." Pagbaba ko ng cellphone ay unti-unti ko ng napagtanto ang sinabi ng kaibigan.

Umuwi si Louie? Nakainom pa 'yun ah!

May namumuong kaunting konsensya sa aking puso dahil hindi ko natugunan ng maayos ang kanyang mga sinasabi. Dahan-dahan akong bumangon at umupo muna sa kama habang nagtipa ng text para sa kay Louie.

Me: Sorry, kakagising ko lang. Ingat sa pagdrive.

Napatawag na rin ako kay mama. .

"Ate!!!!!!"

Muntik na akong mabingi sa sigaw ng aking kapatid mula sa kabilang linya. Ano kaya ang pinaglihi ni mama sa kanya ba't ba ang hilig niyang sumigaw? At may boses pang napakatulis.

"Ang ingay mo..." mahinang sambit ko. Napahilot pa ako sa aking sentido dahil parang sumakit ata ang ulo ko sa sigaw niya.

"Nagluluto si mama, sabi niya make chicka raw about your love life." Aniya.

Napailing nalang ako sa kakulitan ng kapatid. Alam kong gawa-gawa niya lang ito. Dahil naririnig ko sa background si mama. How I missed these two.

"Chi, parang ang liit lang ng mundo namin..."

Nakahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko there's no right time to tell how you feel. Sadyang may pagkakataon lang na gusto na gusto mo maging bukas sa totoong nararamdaman. Nakakagaan pala ng puso.

"Si Kuya Adam? Nagkita na kayo? Oh-my!" Sunod-sunod na tanong niya. Kahit 'di ko man nakikita ang kausap alam kong napatabon siya sa kanyang bibig habang napaawang ito. Sabayan pa ng paglaki ng kanyang mga mata. Ganyan ka artista ang aking kapatid. But she's really our bundle of joy in the family.

"May asawa na siya ate, 'di ba?"

Napabuntong-hininga ako sa kanyang tanong, as much as I wanted to answer it. Naaninag ko na ang nakangising si Jasmine na kakapasok sa kwarto namin.

"Chi, I'll call later."

"Ok, ateng, enjoy!"

"Girls, the breakfast is ready." Ani Jasmine at siya ay ready na rin. Nakablow-dry na ang kanyang mahabang buhok at nakasuot na siya ng puting tube dress. Nakalagay na rin ng kaunting make-up sa mukha at may mga accessories na sa kanyang katawan na mas lalong nagpadepina sa kanyang taglay na ganda.

No wonder siya ang unang magpakasal sa amin.

"Good morning!" Bati ko sa kaibigan.Kitang-kita sa kanyang mukha ang sayang nararamdaman. . Para bang walang ibang iinisip kung hindi magsaya lang sa araw na ito.

"Jaz, maligo muna ako." Paalam ko sa kanya.

Kinuha ko ang aking bag sa cabinet upang kunin ang aking mga essentials. Nanunuot sa aking balat ang kanyang mga titig.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon