Chapter 9

1.1K 25 6
                                    

Rich

"Ate, pinasabi ni mama, ipaghiwalay mo ang decolor sa puti tapos dapat pag blouse 'di na gamitan ng brush, " napakusot ako sa aking mata at panay hikab ko pa dahil kagigising ko lang, ang bunganga na ng kapatid ang naging alarm ko.

"Pakisabi kay mama marunong akong maglaba, ok?" at unti-unti  ng bumalikwas sa kama. As usual, 'di ko na naubutan ang kumag sa kanyang higaan.

Nilagay ko lang ang cellphone sa aking taenga habang tinatali ang aking buhok. Muntik ng malaglag ang cellphone nang nasagip ng mga mata ko ang laundry basket. Wala na itong laman ni isa. Napakurap-kurap ako para ikumpirma kung totoo ba ang aking nakikita o na malikmata lang. Kahit anong titig ko walang pagkakaiba. Wala na talagang laman ang basket, kagabi pa lang ay umaapaw na ito sa aming mga damit and worst my brassieres were there.

"Ate, may kausap pa ba ako?" pagmamaktol ng kapatid ko sa kabilang linya.

"Chi, tatawag ako mamaya, may titingnan lang ako sa baba," natarantang saad ko. Napakamot pa ako sa aking ulo at lumagpas na ng bintana ang aking paningin.

"Ang gwapo mong rommie, nuh?" natitiyak kong nakangisi ngayon ang aking kapatid. Sa tono ng boses niya halatang nang aasar ito. Wala na akong oras pa para patulan pa siya. I said goodbye to her immediately para 'di na pumalag ang loka-loka.

Napabilis ang aking paghakbang patungong likuran ng bahay kung saan pwedeng maglaba at magsampay. Wala namang ibang kumuha ng maruruming damit kundi ang kapre lang.

And there in the broad day light. Namayagpag ang aking mga damit at makukulay na bra sa sampayan. Hindi ko alam kung mamangha ba ako sa ayos at linis ng mga labada, o maiinis ako kung bakit nilabhan niya ang aking mga damit.

Ang kanyang pulang cotton shorts ang natatanging suot sa kalagitnaan ng sinag ng araw. Ba't big deal pa sa akin ang hitsura niya na walang damit na pang-itaas e ganyan naman siya palagi? Hindi pa ata ako sanay o hindi ako masasanay kahit kailan.

Malayang siyang gumalaw at kahit sa pagsampay lang nakakamangha pa rin ang kanyang tindig. Kung ako niyan kailangan ko ng patongan para maabot ito. Pero siya walang ka effort-effort. Abot kamay niya  ang sampayan.

"Hindi mo ba ako tutulangan dito, Ting?" napaharap ito sa akin habang pinipiga ang damit. Nakakaagaw pansin ang buhok niyang magulo, natatabunan kaunti ang ibang kulay niyang mata. Ang malambot na labi ay kumikinang kasabay ng kanyang mga ngiti.

Heto na naman siya. Nang-aasar  sa kanyang mga titig at tinig.

I hate it but I found it cute. Imbes na magalit ako ay 'di ko mapigilang mapangiti. Pero, syempre sisimangot nalang ako para matakpan kahit papano ang ngiting 'di naman maitago.

"Hoy! Yegor, sinong nag-utos sa iyo na labhan ang mga damit ko?" nakapamaywang pa ako at nag-iinit ang pisngi ko nang dumapo ang mata ko ulit sa aking bra at kanyang boxers  na magkasama sa isang hanger na may mga clips.

Parang wala na akong privacy sa lalaking ito. I should growled in anger right now but his tiger eyes sent shivers down my spine.

"You should at least say thank you, right? Than, yelling me in this wonderful morning," sabay kindat sa akin.

Tsk.

"Adam, magpasama sana ako sa palengke sa'yo ngayon, mukhang busy ka pa," ani Auntie Mela habang naglalakad patungo sa aming gawi, bitbit ang kanyang basket at pamaypay.

Napalunok ako nang nakatingin sa akin si Yegor, na para bang naghihingi ng permiso sa akin.

Damn! He can decide on his own.

"Sige, auntie sasama kami sa iyo," sabay ngiti ko sa kanya. She tapped my shoulder and she whispered.

"Bagay kayo..."

 
Gosh! Pakiramdam ko'y nag-iinit ang mukha ko sa kalagitnaan ng sinag ng araw pero 'di dahil sa sinag kundi sa simpleng tukso na 'di naman totoo.

"Sama kami auntie!" sigaw ni Karen at Maline. Napalingon ako sa dalawang kasamahan na handang-handa ng sumama. Mukhang ako nalang at si Yegor ang hindi pa.

Dahil sa palengke lang naman kami, nagbihis lang ako ng T-shirt at short shorts, nag toothbrush, hilamos pagkatapos lumabas na ng bahay.

Naabutan kong nagsiksikan na si Maline at Karen sa tricycle, e kasi naman isang upuan ay inokupa  ni Auntie Mela kaya't pinagkasya ng dalawa ang sarili sa maliit na upuan sa harapan.

"Tapos ka ng magbihis, really?" anong ng kumag nang umupo na ako sa tabi niya. I don't have the choice but to be with him at the back.

"Sa palengke lang naman tayo pupunta, anong gusto mo, mag-gown ako, Yegor?" as usual my high pitch is on at ang kilay ay nakaangat. My usual facial expression when he started an irritating conversation with me.   

"Baka nakalimutan mong mag-short?" ngayon nakatingin na siya sa aking binti habang pinapaandar na ang tricycle.

"Gago! mabangga tayo, Yegor! Mata sa daan!"

Napahalakhak lang ito at binaling na ang mata sa daan. Akala niya'y nanalo na naman siya sa kanyang pang-aasar sa akin dahil umuusok na naman ang aking ilong sa inis.

Pero mas lalong umuusok ang ilong ko nang sinasadya niyang gumamit ng brake na 'di naman kailangan. Tuloy napasubsob ang mukha ko sa kanyang likod.

"Yegor, sobra ka na ha, mahulog ako rito!" pagmamaktol ko habang inaayos ang pagkaupo. 'Di ko kasi maabot  ang hawakan sa may atip ng sidecar kaya't sa gilid ako ng upuan kumakapit.

"E, 'di humawak ka!" Aniya.

Namilog ang mata ko nang inabot niya ang aking kamay at pinalupot ito sa kanyang beywang. Pakiramdam ko'y namumula ang aking pisngi kaya't binaon ko nalang ang mukha ko sa kanyang likod.

"Paraparaan..."  parinig ni Karen na nagpahagikhik kay Maline at auntie Mela.

Pagdating namin sa palengke, nakuha agad ang atensyon ko sa mga preskong prutas at ganoon rin ata sina Auntie Mela dahil diretso ang gawi nila roon.

"Group of men are looking on your legs." narining kong bulalas ni Yegor mula sa aking likuran.

"Hindi ka pa ba tapos sa issue ng short ko, Yegor?" Napataas ang aking kilay habang pinasadahan ko siya ng tingin. Suot parin ang kanyang red cotton short and white shirt, patawarin  nawa'y nasagip ng aking mga mata kung anong nasa loob ng short niya. Gosh! Kaya't madali ko siyang tinalikuran at nagmamartsa patungo sa nakahilerang mga prutas.

Pagkatapos naming pumili ng mga prutas. Nakisabay nalang ako kina Maline at Karen.  Masaya kaming pumipili ng mga preskong gulay. Ilang minuto na rin na 'di ko nakita ang kumag. Saan naman kaya iyon nagsusuot?

Nagpaalam muna ako sa dalawa upang hanapin ang kumag para tanongin kung ano ang mga dapat naming bilhin.

Napangiti ako nang natagpuan ko siyang may kausap. Isang babae na suot ang pangmayamang uniform ng kasamabahay at isang lalaki na may suot na pang mayamang uniform ng driver. Kahit nakatalikod si Yegor alam kong siya iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Napaawang ang labi ko nang narinig ang utas ng babae.

"Sir Adam, kailan kayo uuwi? Hindi mo ba na miss ang luto ko?" ang malungkot niyang mata ay nakatuon lamang sa kausap.

Halos 'di ako makagalaw at nanatiling nakaawang lang labi ko sa narinig. Sir ang tawag niya kay Yegor?  Isa lang ang ibig sabihin nito... He's rich.

"Baka matagalan pa..." ani Yegor.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon