Chapter 1

2.2K 30 1
                                    

Kumander

"Pangalawang silid sa ikalawang palapag ang sa inyo. May common bathroom sa kusina at sa likod ng bahay. Libre na ang tubig at kuryente, may mga extra rice cooker sa kusina kung gusto mong magluto."

Ang swerte ko naman na dito ako napunta, mukhang mabait naman ang aming landlady at nakakamangha ang mga prebilihiyo na binibigay niya sa kanyang mga boarders.

"Salamat po, auntie, heto nga pala ang aking bayad," sabay abot sa limang libo sa kanya.

Pagkatapos ng kaunting orientation, marahan na akong pumasok sa dalawang palapag na bahay. Halatang kakapintura palang dahil sa linis at kintab nito. Mint green ang kulay ng pintura. May mga muwebles at jars na nakalagay sa gilid ng malaking flat screen TV. Hindi mo akalain na isa itong bahay paupahan dahil sa linis at ayos nito.

Napangiti ako nang umangat ang tingin ng mga babae na nakaupo sa sofa sa akin. They were all staring at me as if I am a culprit of a crime. Kitang-kita ko ang pagbilog ng kanilang mga mata at sa gilid nito ay tila ba'y nakatingin sa ikalawang palapag ng bahay.

"Hi, I'm Thia, the new boarder here. Nice to meet you all," sabi ko ng nakangiti, kahit papano ay nabasag naman ang yelo sa paligid na ako ata ang may dala.

"I'm Karen, this is Lynne, Zia and Maline," at isa-isa silang nakikamayan sa akin. Tantiya ko'y college student din sila tulad ko.

"Sige ha, pasok muna ako sa kwarto," sabi ko.

They all nodded at me at ang mata nila ay diretsong nakatuon sa pasilyo ng ikalawang palapag. Naaninag ko ang bulto ng lalaking 'di ko alam ba't biglang sumulpot at sinabing bedmate ko siya.

Kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan baka nagkamali lang siya o baka naman may masama siyang balak sa akin? Oh My Gee! Sabi pa naman ni mama na 'di mo matukoy ang taong may masamang balak sa'yo. Wala naman siguro, hinayaan niyang makita sa lahat ng mga tao dito sa bahay ang mukha niya, kaya't malabo siya sa isang rapist na nasa isip ko.

Nanunuot ang paninitig ng aking mga kasamahan dito sa bahay nang unti-unti kong nilakbay ang dalawang palapag. Ang kintab ng sahig halos makita ko na ang repleksyon ng aking mukha. Mukhang kailangan ko ng magpahinga.

"Huy! Ikaw!" sabay turo ko sa lalaking nakahalukipkip sa gilid ng aking pintuan. Pwede ka ng bumaba at salamat nga pala sa pagdala sa aking maleta," hinablot ko ang fifty pesos bill sa aking pitaka at inabot ito sa kanya.

"Do I look like a laborer to you?" aniya. Ay, wow! mas may accent pa siya sa akin tuwing nag-eenglish. 

"Whatever! Pwede ka ng bumaba," at nilagpasan ko siya. Muntik ko ng mabangga ang kanyang katawan, nakaharang naman kasi sa pintuan.

Napaupo ako sa kama na sakto lamang sa isang tao na katulad kong malikot matulog. Kakapalit lang ng kobre kama dahil nanunuot pa sa aking ilong ang amoy ng fabric con. Bagong lagay din ang kulay pink ma kurtina at may isang aparador, isang study table at isang upuan na gawa sa kahoy. So it's just enough for one person. Kakarating ko lang pero sobrang namangha ako sa ganda ng aking napasukan na bahay. Ang layo sa aking naisip na puno ng vandal ang kwarto at walang saktong gamit.

Napataas ang aking kilay nang pumasok sa loob ang lalaking lumaklak ng Cherifer. He's like a rookie in a basketball team. Ang kutis niya ay sumisigaw na laking air-condition. 'Yung tipong 'di naiitan. At kahit may pawis siya mabango pa rin. May ilong pang matangos, labi na malambot, mukhang kay amo at higit sa lahat ang mata niya ay may ibang kulay. Kanina, dahil sa sinag ng araw parang may pagka dark brown, ngayon, napagtanto ko na kulay hazel brown ito.

Napaawang ang labi ko nang ningitian niya ako. May dimple siya at may diamond earring na nakakasilaw sa mata. His angelic face is not suited for an earring. Walang angas sa mukha niya, kung hindi maamo at malambot ito. Pero, mukhang 'di malambot ang ugali at nakakainis. 'Di nakakaintindi na pwede na siyang umalis.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon