Hazel
Congratulations Graduates!"
Finally... I am officially unemployed!
I hugged my friends and classmates, hindi ko mapigilang maiyak! I will surely miss them...
Bago kami pumunta sa aming mga magulang we took pictures of us. Si Louie, Seb, Jana, Jaz at ako. Pagkakaibigang 'di inaasahang mabuo. Pagkakaibigang subok ng panahon. Pagkakaibigang sisikapin naming hindi maglaho.
And we strike a pose while kissing our medals.
I feel like there's an urged of hugging Louie, kasi pakiramdam ko ang dami niyang naging ambag sa kung anong naabot ko. He's always there, supporting and understanding me. Kahit sa pagkakataong hindi ko nauunawaan ang aking sarili. He was there...
When he opted to answer the question kahapon, I respected his decision. Alam kong iniiwasan niya lang ang walang humpay na tuksohan ng aming mga kaklase. But deep within me, I want to hear from him that I am his friend, close friend or even bestfriend. Mas kampante ako.
"Huwag ng umiyak... magkikita naman tayo araw-araw," sabi niya and I felt his hugging me back.
"Thank you, Tey..." He said. Kahit sa sobrang ingay nga audituriom narinig at nararamdaman ko kung gaano ito ka totoo.
"Congrats, ateng and kuya Louie!" Nakangising bati ni Chuchi.
She gave me a bouquet of pink tulips at napakindat.
Yinakap ako ng maarte kong kapatid at bumulong pa... "From your secret admirer, secret nga ba?" Aniya, at humalakhak pa ito.
Gaga lang ang nasambit ko sa kanya.
Pakiramdam ko lahat ng aking mga ngipin ay nakabandara na nang naaninag ko ang napakaganda kong ina.
She's wearing a black dress at nakaponytail ang kanyang natural na buhok. She has only a pair of silver earrings. My mom is the epitome of simplicity. She's naturally beautiful kaya kahit anong ayos lutaw pa rin ang kanyang kagandahan.
She joined pageants 'nung kapanahonan niya. Sa lahat ng hindi namin namana sa ina ay ang kanyang katangkaran. Nagmana kami sa aming ama.
"Congratulations, Anak! I am so proud of you!" Niyakap ako ng ina at tumugon ako sa yakap. Mas hinigpitan ko pa. I cried again. Hindi naman ako naging emotional 'nung high school graduation but this time, it's different. I feel like I accomplished something bigger.
Naniniwala ako na sa likod ng tagumpay ng isang tao ay may mga taong naniniwala at sumusuporta sa kanya.
I am blessed that I have my family and friends. I know papa is now happy seeing us today. It's been a decade since he was shot.
And from that time, I dream to become a lawyer.
Now I am slowly going to that dream.
"Picture ate!"
And Chuchi captured a photo of me and Louie. Nakahawak ako sa bouquet at aking diploma. Si Louie naman ay tinagilid ang pagkahawak ng diploma at nakaakbay siya sa akin. We're both smiling in the camera.
Walang humpay ang pasasalamat ni mama kay Louie at ganoon rin ang kanyang ina 'nung pumunta kami sa kanilang gawi. Ngumiti lang ang kanyang ama sa akin at ang kapatid niya na lalaki ay tumango.
I know that they are not close with each other but I am happy that they are present in the most special day of their son. Masaya ako para sa kaibigan.
Nagpaalam na ako kay Louie para sumama na kina Mama at Chuchi. Nag-offer pa siyang ihatid na kami sa patutunguhan pero ayaw kong magambala pa ang family time nila kaya I refused his offer. Buti nalang naunawaan naman.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...