Chapter 20

946 18 4
                                    

Paalam

I can’t help but stare to the man who’s sleeping on my lap. Ang mga mata niya’y nakapikit tuloy tanaw na tanaw ko ang mahaba niyang pilik  mata. Ang malalambot na labi na kiniinisan ko tuwing gising siya pero ang sarap  pagmasdan.

Napahawak ako sa aking dibdib sa kakaibang kirot na biglang  nadarama, kirot dahil sa takot na baka anong oras biglang maglaho ang kasiyahang batid na kasama siya. Hindi naman siguro ganito kami habang buhay 'di ba? May pamilya siya, napakayamang pamilya. Alam kong ‘di nila hahayaang mapariwara ang kanilang anak.

Nabaling ang aking atensyon nang tumunog ang aking cell phone na nakalatag lamang sa mesa, dahan-dahan ko itong inabot upang 'di ko magising ang kumag. Napakurap-kurap ako sa mensaheng natanggap galing kay mama, ipapahatid niya ang kanyang salamin sa paaralan. At kung ganoon dapat ko munang gisingin ang mahimbing na natutulog.

“Yegs, gising muna, may inuutos si mama…” napakagat ako sa aking  labi dahil sa sobrang lambing ng aking boses. Tuloy nakaramdam ako ng kaunting hiya. Pakiramdam ko namumula na aking pisngi lalo na’t biglang bumangon si Yegor at napatitig sa akin, mga titig na may pagsusuri at paninigurado.

“Ting?” He asked. At bigla niya lang akong yinakap. Yakap na sobrang higpit na halos 'di na ako makahinga.

“Yegs! Ano ba 'di ako makakahinga!” Nahihirapan akong lumaban sa lakas niya.

Unti-unti kong nararamdaman ang espasyo na kinakailangan ko ngayon nang dahan-dahan siyang kumiwalas sa pagkayakap. Pero ang kamay niyang naiwan pa rin sa aking beywang. At mga titig niya’y ‘di parin ako tinatantanan.

“Nanaginip ka?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Tumango lamang ito at niyakap ako ulit.

“Maligo muna tayo bago pupunta sa eskwelahan.” Tumango lang ito at ginulo ang aking buhok.

“Yegor!” sigaw ko at mabilis nakapanhik ang kumag patungo sa kwarto ko.

“Ting nakatalikod ka?” Tanong ni Yegor habang naka-angkas ako sa likuran ng motor. Pinagamit ni mama ang motor namin upang mabilis daw kaming dumating sa eskwelahan.

“May naka-angkas bang nakatalikod, Yegor?” Maldita kong sagot sa kanya. Nakataas ang aking kilay at nakabusangot naman ang aking labi. Mukhang mang-aasar naman ang lalaking 'to.

“I can't feel anything on my back,”  bigla ko siyang sinapak dahil alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig… na wala akong dibdib. Nakakainis talaga!

Humahalakhak ito at nagpaharurot. Napayakap ako sa sobrang bilis ng takbo niya. Para-paaran kahit kailan Adam Makarius Yegor.

“Good morning, Thia, kailan ka lang dumating?” Nakangiting bati ni kuya guard nang pumasok kami sa gate.

“Good morning din po kuya,  kahapon lang po, pwede kay mama?”

“Sige pasok ka…” napansin ko agad na pagbabago  at 'di mapintang mukha ni kuya nang nakatitig lamang sa lalaking nasa aking likuran.

Hindi ko nalang pinansin ang 'di mapangalanang reaksyon ni kuya guard sa aking kasama. Heto naman kasi si Yegor, napakatangkad at ang mukha ay napakaamo, ‘di talaga pwedeng pagligtaan ang kanyang presensya.

Napahinto ako sa paglalakad nang may narinig na malakas na usapan sa isang opisina patungo sa opisina ni mama. Para bang wala silang pakialam kung may makarinig sa kanila.

"Ang unfair naman talaga, kung ang empleyado ay may  immoral na ginagawa, tanggal agad sa trabaho pero mismo ang principal kinukunsinti lamang ang anak na naglilive-in sa Manila..." 'di ko na narinig ang buong usapan dahil hinila na ako ni Yegor.

Live in? yan ba ang akala nila? Pilit kong kumbinsihin ang sarili na wala lang 'yun pero 'di ko mapigilang mapaluha.

"Don't cry, Calanthia… please." mahinang bulong ni Yegor.

Mas lalong sumisikip ang aking dibdib nang nararamdaman ko ang mga matang nakatutok sa amin lalong lalo na sa kamay naming magkahawak. Gusto kong kumiwalas sa hawak niya pero mas hinihigpitan niya ito tuwing sinusubukan ko.

"Ma!" Napayakap agad ako sa aking ina nang nakita siya sa kanyang opisina.

"Anak? Anong nangyari sa mata mo?" Unti-unting kumiwalas si mama at napatitig sa aking mga mata.

"Wala lang 'to ma," inabot ko agad sa kanya ang kanyang salamin.

"Salamat sa inyong dalawa. Thia, ipasyal mo naman si Adam sa siyudad, manood kayo ng sine," may kinuha si mama sa kanyang bag at inabot ito sa akin. Isang libong piso.

Gusto ko ng humagulhol sa pinakitang kabaitan ni mama, pero pilit ko itong pinipigilan.  Walang ka alam-alam ang aking  ina na siya pala ay pinag-uusapan ng kanyang mga kasamahan. Namumuo ang konsensya sa aking dibdib. Walang ibang ginawa ang aking ina kundi suportahan kaming magkakapatid na kahit maaring 'di na ito nakakabuti sa kanya, basta ba't masaya kami.

Pagkatapos naming nagpalaam sa aking ina tahimik kaming nakalabas sa gate ng paaralan. Tahimik ring sinuot ni Yegor ang helmet sa aking ulo. Hanggang dumating kami sa isang tahimik na cofee shop. Walang kibuan at imikan.

Dali-dali kong iniwas ang aking mga mata nang inabot niya sa akin ang iced caramel macchiato. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko'y di ko na masabayan kaya't pilit kong nilalakbay ang aking mga mata sa ibang direksyon. Direksyon na maaring 'di  kami magtatagpo. Nabasag lamang ang aming katahimikan nang nagsimula na siyang magsalita.

"Live in and living together are two different thing... " 'Di pa rin ako kumikibo. Dahil alam kong bibigay na aking mga luha kung magsasalita pa ako.

"Calanthia…"

"Huwag mo akong tawagin sa aking pangalan…" ngayo'y ang mga mata ko'y kumakausap na sa kanya na naapektohan na  ako.

"Baby, instead?" Nakataas kilay niyang utas habang nasisilayan ko ang pag-arko ng kanyang labi.

"Huwag kang magbiro dahil hindi na nakakatuwa!" Halos pasigaw kong sagot sa kanya.

"I am not too…" kalmado pa rin ang boses niya.

"Huwag mo akong biruin, Yegor kung sana hindi kana lang du…"

"Hindi nalang ako dumating sa buhay mo? 'Yan ba ang isusukmat mo sa akin, Calanthia? 'Di mo ba naiisip kung bakit 'di parin ako uumuwi sa amin?" Nanunuot sa aking balat  ang bawat bigat ng mga salitang binitawan ni Yegor. Kahit na 'di parin ako bumigay.

"You have the choice, 'di kita pinipigilan, Yegor!"

Tumango lang ito at napakagat sa kanyang labi. At tinalikuran ako. Napatabon ako sa aking mukha sa sobrang 'di makayanang emosyon. 'Di alintana ang mga matang nakatitig sa akin ako'y tumayo sa aking kinaauupuan.

"Akala ko walang tao!" Nakangising asik ni Chuchi nang dumating siya sa aming bahay. Maghapon kaming walang kibuan ni Yegor. Nakaupo lamang ako sa sofa at siya naman ay tahimik sa kusina.

Blankong nakatitig lamang ako sa aking kapatid hanggang dinaanan lamang ako patungo kay Yegor.

"Kuya, may paliga sa basketball si kapitan at sinulat ko na ang iyong pangalan. Kaya wala kanang magagawa, kuya." ani Chuchi.

Tanaw na tanaw ko ang pagkunot sa kanyang noo at napatingin sa aking gawi, dali-dali ko ring nabaling ang aking atensyon sa librong hawak.

"Mag-paalam muna ako sa ate mo," malamig niyang tugon.

"Ay! LQ!" Ani Chuchi na may halong pang-aasar.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon