Chapter 4

1.4K 23 2
                                    

Hot

Pag-akyat ko sa aming silid nilapag ko agad ang bedsheet sa sahig.  At doon nilatag ang aking mga gamit. I opened my laptop and sit comfortably on the floor. I exhaled all the negativities, then started to type the 3 pages essay.

Akala ko'y pagpapakilala lang ang unang araw. Pero, simula na pala ng totoong kalbaryo. 'Di lang sa English may assignment kami, pati  na rin sa ibang subjects.

Since, I am so engrossed with what I am doing. 'Di ko namalayan na nakapasok na pala ang kapre. Ang aking kamay ay abala sa pagtipa, ang mga mata ko naman ay may sariling utak. Napansin ko lang ang sarili na nakatitig sa lalaking naghuhubad ng damit sa aking harapan. Sinuot niya ang puting sando na walang kahirap-hirap. It was perfectly suited to his fully chiseled muscles.

"Salamat nito, ha?" aniya, habang tinatanggal ang pang-ibabang saplot. Babae ba talaga ako sa paningin niya? Ba't ang dali niya lang maghubad sa harap ko? Inabot niya ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng aparador at pinalupot ito sa kanyang baywang.

"Kay auntie Mela ka magpasalamat. By the way, that's my towel. And please, I am a girl, respect me at least..."

Napansin ko ang pagtaas ng kanyang kilay. Pinalikahan ko siya ng mata nang naramdaman ko ang paninitig niya sa aking dibdib. Napatingin agad ako sa puting loose v-neck na suot,  dapat lantad na ang aking kaluluwa, pero wala kang makikita. It's invisible in the eyes.

"Hoy! What are you looking at?" Nag-uusok na naman ang aking ilong sa galit. At mga peste sa aking tiyan ay nagsiliparan na. Wala na akong hawak sa kadiliman na dala nila.

"I am just checking if you're really a girl," aniya,  habang 'di pa rin tinatantan ang aking dibdib. Kita-kita ko ang pagkawala niya ng ngisi. And, with that, nalaglag ang aking panga sa ganda ng ngiti niya.

Pero, 'di niya ako madali sa ngiting mapagmintas. Binato ko na  si piglet sa kanyang mukha. Napailag naman ito. Pinulot niya si piglet na walang kahirap-hirap at nilapag ito sa kama.  Parang wala lang sa kanya ang aking pag-aalburuto ngayon. Sarap talaga bigwasan.

"Kainis ka talaga!" buong lakas na sigaw ko. Napakamot pa ako sa aking ulo at napatabon sa aking mukha. Gosh! I'm so stress with this guy.

"Gusto mo hubarin ko nalang ito?" akmang huhubarin niya ay napasigaw na ako.

"Huwag!" at pinadilatan ko siya ng mata. Mapupunit man ang aking bibig sa sigaw, 'di pa rin matitibag ang kawalang pakialam  sa mundo ng isang Yegor.

"Respeto naman sa nag-aaral," someone  knock in our door.

"Sorry... po," napalunok ako nang napagtanto ang may-ari ng boses. Someone not familiar and her voice was like a middle-aged woman.

"Nakakainis ka... baba!" Mahina pero padiin kong sabi.  Nakasalubong ang aking kilay at ang paa ko'y handa na siyang tadyakan. Nakakainis!

"Saan ka pa makahanap ng machong bedmate?" aniya, at humagalpak ito ng tawa. Pati sa pagbaba sa hagdanan umalingawngaw pa rin ang kanyang tawa.

Sarap talaga tirisin ng lalaking iyon.

Binaling ko nalang ang buong atensyon sa pagtipa. Pero 'di kalaunan, nakaramdam na naman ako ng kaunting init. Init ng ulo. Nakabandara naman kasi ang lalaking nakatuwalya lang. May mga butil pa ng tubig na naglalakbay sa kanyang katawan.

Napaawang ang aking bibig nang tumama ang paningin ko sa hawakan ng aparador. May nakasabit doon na itim na boxer shorts at ang electric fan ay doon nakatuon.

"Ano yan?"

Shit! I asked the obvious. I rested my back on the wall and close my eyes. I am too tired to argue with him.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon