Chapter 7

1.3K 26 2
                                    

Kaya Pala

Halos buong Math period namin ay nakakunot ang aking noo. Kung pwede lang 'di na kukurap para masaulo lahat ang bagong formulas na dini-discuss ng aming Math professor. Ang bilis naman kasing magsalita at ang malubha pa'y kinakain niya ang bawat salita. Gosh! I am not good in Math but not bad neither.

Napataas ang aking kilay nang may inabot ang kapre sa aking arm chair. Sinilip ko lang ang kanyang sulat kamay habang ang atensyon ay nakatuon pa rin sa harapan.

Can you relax? You look constipated. I'll teach you later when we get home, ok?

At nireplayan ko lang siya ng pinakapaboritong letra ni mama sa text na K.

Nilingon ko siya sa aking tabi nang nakataas din ang kilay at ang labi ay halatang nagpipigil sa pagtawa. Para bang magaan lang ang buhay sa kanya at dinadaan niya sa biro ang lahat. Inarapan ko siya at dali-daling hinampas sa kanyang dibdib ng notebook at patay malisyang binalik ang atensyon sa nagsasalita sa harapan.

"Gutom na ata si Sir pati ang salita kinakain na. Kainis!" Pagmamaktol ni Jasmine habang inaayos ang kanyang mga gamit pagkatapos ng aming klase.

Napangisi nalang ako sa aking kaibigan habang hihintay siya. Nagsilabasan na rin ang aming mga kaklase at naiwan nalang kaming tatlo sa aming classroom.

"Ang gwapo talaga ni Luca nuh?" kinkilig na asik ni Jasmine nang naglalakad na kami sa corridor.

"Sinong Luca?" wala sa sariling tanong ko. 'Di ko namalayan napalakas na pala ang aking boses at napalingon na ang ibang estudyante na kakalabas pa lang din sa kanilang classroom.

Nararamdaman ko ang mahigpit na pagkahawak ni Jaz sa aking braso at awtomatikong napatigil kami sa paglalakad.

"Can you lower down your voice? Siya na 'yan oh," she almost whispered. At ang mata niya ay nakatuon sa lalaking nakatingin na rin sa aming gawi. He's wearing a white shirt, blue jeans and a white sneakers. His duffel bag clung on his broad shoulders while his accounting book on his hand.

"Hey, pretty girls!" nakangiting saad niya.

Napalingon pa ako sa aking likuran para i-kumpirma kung kami ba talaga ang kinakausap niya. Gusto ko lang maging tapat sa aking sarili na sabihin ang totoong nakikita ng aking mga mata. Ang gwapo niya. Ang ganda ng ngiti at ang ngipin walang mantas at maputi.

Nanatiling nakatayo lang kami habang nakatuon ang atensyon sa lalaking nakangising palapit sa amin.

"I'm Luca, BSA-1 and you are?" pakiramdam ko'y ako ang kanyang tinatanong dahil ang mata niya ay nakatuon sa akin. Muntik ko ng maibuka ang aking bibig nang nagsalita ng aking kaibigan.

"Jasmine and this is my friend, Thia and her boyfriend, we are BSA-1 too... sayang 'di tayo ka- block..." it was sweeter than her usual tone. Sa gilid ng aking mga mata naaninag ko ang pagkagat ng labi ni Jaz. She really like this guy, uh?

Napalunok ako nang nakita ang paglipat ng tingin ni Luca sa aming likuran. Damn! Bakit ba akala ng aming mga classmates na may relasyon kami ng lalaking ito na halata naman na wala.

"See you around?" nakangising saad ni Luca.

Hindi pa kami nakasagot nang nagsalita na ang kapre na nasa likuran namin.

"I am hungry!" pagkatapos kung gutom ka? Ang epal talaga ng lalaking ito.

"Nasa akin ba ang pagkain? Kung kumain ka na kanina pa sana'y tumahimik na ang mga bituka mo!" Pagmamaktol ko sa kawalan na 'di siya tintingnan. Lalo lang atang uusok ang ilong ko sa inis kung makita pa ang kanyang reaksyon.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon