Chapter 48

615 12 0
                                    

In a Relationship

"We're here to visit you, couz!" sabi ng isang pinsan ni Sir Philip. 

"You can visit me in the office or in my condo," seryosong saad ni Adam. 

Ngayon ko lang napagtanto na ang mga lalaking nasa aking harapan ay 'yung mga kasabayan ni Yegor nung gabing tinawag ko siya. And Sir Philip was there too. Maybe I am not good in remembering faces. They have strong and deep eyes, very masculine and tall but their facial features were soft.

Tila hindi ko na maihakbang ang aking mga paa dahil ramdam ko ang pangangatog nito. Mas gustohin ko ng magpalamon sa lupa lalo na nang nagtama ang mga mata namin ni Yegor.

"Mauna na po ako..." I bowed down my head and turn my back to them. Halos tinakbo ko ang pagitan namin nila Bella. Ang mga mapunuri nilang mga mata ang sumalubong sa akin.

"Ang gwapo talaga ng magpinsan na 'yan, nuh?" si Adele. Ang mga mata niya ay abalang nagmamasid sa mga magpinsan. 

"Bumibisita ba sila sa opisina noon?" tanong ko. Biglang nanalaytay ata sa aking balat ang pagiging interesado  sa buhay ng ibang tao.

"Minsan noon 'yung nagsisimula pa ang kompanya. They are CEO's too in their companies," ani Adele. 

"So it means, si Sir Philip at Sir Adam ay magpinsan rin?" Si Bella. Hindi na nasagot ang kanyang tanong dahil sa banat ni Ador.

"Girls, while you are into CEO? Nandito naman kaming mga ordinaryong empleyado at handang maging CEO sa mumunting tahanan natin."

"Ador, kindly back off," natatawang asik ni Adele.

Hanggang sa dibdib ko ang tubig at pinili kong tumalikod mula sa mga matang nakatuon lang sa aming gawi. Nasisiyahan ang lahat sa paglalangoy hanggang napagpasyahan ng umahon at kumain na ng pananghalian.

The resort prepared a boodle fight for us. Pumanhik kami sa isang malapad na mesa kung saan nalatag ang mahabang dahon ng saging at puno ng pagkain. Maayos ang pagkalagay nito kaya maeenganyo kang kumain ng marami.

Ador handed me a towel.

"Thank you," sabi ko at tinanggap ito.

"Basa rin kami Ador. Bakit hindi kami nakatanggap ng tuwalya?" ani Adele.

"Makapal naman ang balat mo tiyak hindi ka lalamigin," pangbabara ni Ador sa kanya.

"Let's eat!" Ms. Gwen announced. Siya ang nagsisilbing ina sa aming kumpanya. She has really the heart to serve to her fellow employees. Sa likod ng sopistikada niyang awra ay isang babae na may busilak na puso.

Katabi ko sa Bella at Adele . Tahimik lang ang bawat subo ko. Napakasarap ng naglalakihang hipon at inihaw na isda at karneng baboy. Magaganahan kang kumain kapag marami kang kasabay. I am not a fan of boodle fight but all of my companions were hygienic at hindi nakakadiring kasabay sa ganitong paraan ng salo-salo.

"Saan sila Sir Adam?" tanong ng isa naming babaeng kasama. 

Muntik na akong mabilaukan. Inabutan agad ako ng bottled water ni Ador.

"Kahit anong gagawain mo wala ka pa ring pag-asa," wala sa sariling asik ni Adele.

Pagkatapos naming kumain ay nagsitulongan na kami sa pagliligpit at nagpahinga muna sa mga sun lounger. Sinuot ko ang aking aviator at hindi namalayan na ako'y naka-idlip.

"Thia, kanina ka pa natutulog, uh?" Ani Bella.

"Napagod lang," at ningitian siya.

We spend the whole afternoon playing group games, sumakay rin kami sa banana boat pero sa pagkakataong ito kasama ko ang  grupo. It was indeed a happy moment. Remembering him on those moment again. Buong hapon ay hindi ko napansin ang kanyang presensya siguro abala siya sa kanyang mga pinsan. I am happy to know that he's good with his family. Kumusta na kaya sila ng kanyang ama? Why should I care? 

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon