Chapter 18

1K 25 8
                                    

Home

Pinagmasdan kong mahimbing na natutulog si Yegor sa aking tabi, tanaw ang ganda ng magkahalong asul at puti na ulap. He looks so peaceful, nakaawang kaunti ang bibig niya habang nakahilig ang ulo sa aking balikat.

“Ting…” he said huskily. Napaupo ako nang maayos nang dahan-dahang nagsitayuan ang balahibo sa aking batok. Hanggang ngayon ‘di parin ata ako sanay sa mga sensasyon na naiudulot ni Yegor sa akin. It’s always a brand new and foreign to me.

Marahan niyang iniwan ang aking balikat habang ‘di parin binubuksan ang mga mata. Hinaayaan ko ang aking sarili na umurong kaunti  para ako naman ang makahilig sa kanyang balikat.

Nararamdaman ko ang pagyugyog ng kanyang balikat habang ang kamay naman ay abala sa aking buhok. Gusto kong takpan ang aking mukha sa kahihiyan pero siya naman itong tagasakop ng aking buhok kaya’t lantad ang aking mukha sa aming katabi sa upuan dito sa eroplano.

“Masaya ka ba na kasama ako?”  Aniya. Napakagat ako sa aking labi sa  ‘di inaasahang salitang lumabas sa kanyang bibig. Sa buong byahe namin ‘yan lang ba ang nasa isip niya?

Gusto ko mang magsinungaling  na hindi pero nasagip ng aking mga mata ang kanyang mga labi na ngayo’y nakatikom. Para bang pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na makapasagsalita ng mga bagay na ‘di na dapat. 

Inangat ko ang aking mukha upang mahanap ang kanyang mga mata. I want to clarify things and make some reminders to him.  Kahit ‘di ko pa alam kung ano ang motibo ng mama ko kung bakit pinasama niya si Yegor sa akin.  Ang alam ko, she’s the most conservative woman in the universe.

Nasagip ng mga mata ko ang kanyang taenga at ‘di ko mapigilang ngumisi habang pinagmasdan ito.

“You want to remove this?” Sabay hawak niya sa kanyang diamond earring.

“No… no…” nauutal kong utas. Hindi niya kailangan magpa-impress kay mama dahil magkaibigan lang naman kami. I bit my lower lip to the thought that we don’t have a label.

Hindi pa naman ako nakaranas ng relasyon alam ko at nararamdaman ko na higit pa sa kaibigan ang aming turingan. O baka lang dahil sa palagiang pagsasama naging normal na sa kanya ang lahat. Normal at walang halong espesyal.

Hindi ko na pinahintulutan ang sariling tanggapin pa ang mga negatibong saloobin baka mauwi naman kami sa argumento. Buti nalang nasilayan ko na ang pagsalubong ng  kanyang  kilay at dahan-dahan ng sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Damn! Ang kahinaan ni Calanthia ang ngiting mapang-asar ni Yegor.

“You look tense…” aniya. Kaunting pagkibot lang ng kanyang labi ay tiyak na matamaan na ang aking ilong, nakatingala ako  habang siya naman ay nakayuko. Damn! His height again.

“Youth nowadays tend to forget that they are in the public…” pabulong na utas ng aming katabi. Bingi na siguro ang hindi nakarinig at manhid na ang hindi apektado, kaya’t dali-dali akong kumuwala sa kanyang balikat at hinilig ang ulo sa backrest ng upuan.

I closed my eyes and wanted to cover my face, pakiramdam ko’y namumula na aking pisngi sa kahihiyan. But when I look at Yegor, natanaw ko lang ang pagkagat niya sa kanyang labi habang nakatingin sa labas ng bintana.

Sabi ni mama diretso na daw kami sa bahay at ‘di na daw kami susunduin sa airport tutal kasama ko naman daw  si Yegor at ‘di na ako mahihirapan pa sa bagahe. Sa paraan ng pananalita ni mama para bang natural lang sa kanya ang lahat, na ok lang sa kanya na may kasama akong lalaki sa pag-uwi. 

Tuloy nanibago ako sa transpormasyon ng aking ina. She used to worry a lot, kahit sa simpleng bagay binibigyan niya 'yan ng kahulugan pero ngayon para bang sumasabay na siya sa agos ng panahon. Dapat ba akong maging masaya o matakot? Dahil baka mabigo ko lang siya.

“Malayo pa, Ting?” Ani Yegor sa kalagitnaan ng traffic. I felt his hand intertwined mine. Napatingin ako sa aming mga kamay. A friend never do this. But, then there’s always an exception, us…

Unti-unti kong binitawan ang kanyang kamay at pinandilatan ko siya ng mata. I want to tell him na hindi naghahawak ng kamay ang kaibigan pero dahil ‘di ko naman maisatinig ang gusto kong sabihin, I opened another topic.

“Yegs, magpakabait ka pagdating natin sa bahay namin, huh?  Lagyan ng filter ang iyong mga sasabihin. Isipin mo muna bago ito ipapahayag. Kilala kita at kilala ko rin ang mga tao sa bahay namin, they are conservative, Yegor… at higit sa lahat...” napatingin ako sa aming mga kamay na nakasiklop. We’ll never hold hands, hug and…” at siya na ang nagpatuloy sa aking sasabihin.

“Di tayo pwedeng matulog nang magkatabi?” Napataas ang kanyang kilay at ang kanyang mga mata’y napupuno lamang ng pang-aasar. Ang kanyang labi ay halatang nagpigil.

Tumango lang ako.

“You’ll miss me, baby… o baka ikaw pa ang gagapang sa akin sa gabi tuwing tulog na ang mama mo,” at ngayon 'di na napigilang humahalakhak ng kapre.

Ang naggawa ko nalang ay ang pagtampal sa kanyang dibdib. At ganoon lang kadaling sinakop niya ang maliit kong beywang at pinalupot  ang kanyang braso sa aking katawan.

Shit. Kitang-kita ko ang mga mata ng driver sa rearview mirror kaya’t gusto ko ng kumuwalas agad pero dahil mas lalong hinigpitan ni Yegor ang pagkayakap nang napagtanto niya kung saan nakatuon ang aking mga mata.

“I’ll be good promise… pero, mamaya na, sabay haplos niya sa aking tiyan.”

“Shit…”

“Shhhhhhh… baby....” then he chuckled in my ears.

Buti nalang humupa na ang traffic at ilang minuto lang ay nalanghap ko na ang hangin ng aking hometown. Ganito pala ang feeling kapag matagal mo ng 'di masilayan ang inyong lugar at sa pag-uwi ang saya na walang kapantay.

Lalong lumapad ang ngiti ko nang nasilayan ang ancestral house ng aming lola. Ang kakaibang saya at kaba ay nagkahalo na sa aking dibdib. Dahan-dahan kong tinulak ang gate dahil mukhang bukas naman ito at ang tao ay nasa loob lang.

Sa sobrang sabik kong makapasok sa pintuan muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako. Natatawa akong nilingon ang kumag na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin habang bitbit ang aming bagahe. Kahit papano nagamit naman ang naglakihang muscles niya kung ganoon.

“Mama nandito na kami!” sabay bukas ko sa aming pintuan. Namilog ang aking mga mata nang nasilayan ang aking mga kaibigan, gumawa pa sila ng banner para sa akin. May nakasulat na Welcome home, Calanthia.”

“Welcome CALANTHIA…” sabay-sabay nilang sigaw pero kita-kitang  ko ang paghina ng kanilang boses at ang dahan-dahang pag-awang ng kanilang bibig habang ang mga mata ay nakapako lamang sa aking likuran. Napalingon muna ako kay Yegor na ngayon ay mukhang namamangha sa nakikita at mabilis kong tinakbo ang distansya ng mga kaibigan.

"Kami ata ang na-surprise," ani Chummy habang nasa bisig ko. I really miss them, 'di ko inakala ang presensya ng aking mga kaibigan. Ginala ko ang paningin sa kusina at doon ko nakita si mama na abala sa kusina.

"Ma..." sabay yakap ko sa kanyang likuran.

Hinarap ako ni mama at hinagkan ang aking noo. "Si Adam?" Habang ang mga mata ay naglalakbay na sa aming living room. Binalik niya ang kanyang atensyon sa akin at mas lalong yinakap.

"Pakilala muna si Mama." habang nakangiti.

Tinungo namin ang sala habang nakayakap parin ako kay mama. Bumalikwas lamang ako sa pagkayakap at dinaluhan ang kumag na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa may pintuan.

"Guys and Mama, this is Adam..." sabi ko habang nag-iisip kung ano ang idudugtong pa.

Nakita ko ang pag-ngisi ni mama pero hetong mga kaibigan ko'y nakataas lamang ng kilay.

"Your?" Singit ni Chummy ang babaeng di marunong tumahimik.

"Her Bo..."

Bahagyang siniko ko ang kumag sa posibleng lalabas sa kanyang bibig.

"My classmate!" Sabi ko.

"Asus! Showbiz..." si Mina.
Biglang naagaw ang atensyon namin nang bumukas ang pintuan, niluwa doon ang nakangising si Chuchi. At ang babae binaliwala lang aking presensenysa  at diretsang nakipag-highfive kay Yegor.

"Welcome to our family, brother," napatingin  agad ako kay mama na ngayo'y nakakibit-balikat lang sa inasta ng kapatid.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon