Keep
"Nak, may mga pagkain sa lamesa. Bumaba ka lang kung gusto mong kumain, ha?"
"Opo, ma..."
Ito lagi ang senaryo sa bahay simula nung umuwi ako sa amin. Mama will always remind me to eat. Kumakain lang ako kung kumakalam ang aking sikmura. Minsan mas pinipili kong malipasan ng gutom.
Am I being unjust to myself? Why I am not treating myself well?
Maingat akong bumangon at napaupo sa harap ng vanity mirror. I just want to look at my reflection and remind myself to get up and go on. Dark circles around my eyes, black heads and dull skin ang siyang naging ebidensya kung gaano ako naging pabaya sa aking sarili sa loob ng limang araw.
Gustong-gusto kong magmukmok, umiyak, magalit, sumigaw at magmura, para kung magdesisyon man akong bumangon muli, wala na ang sakit... Kaya ko na.
Tamad akong napatingin sa aking pintuan nang may sumubok na buksan ito.
Napabuntong-hininga ako, this might be Chi or mama. Ganitong-ganito sila to make sure that I am still alive. Yes, I am barely breathing. I am still breathing.
"Ma, I am fine. Baba lang ako mamaya..." tamad akong bumaling sa tao na nasa labas ng pintuan.
Bumalik na ako sa kama at hinayaan ko naman ang sariling ibaon ang mukha sa unan.
"Thia..."
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yan.
Wait... Why he's here?
'Di ko na pinansin ang bawat tunog ng paggalaw ng door knob. I didn't lock my door. 'Yan ang habilin ni mama. Nagsisi ako kung bakit 'di 'to isinarado kahit ngayon lang.
"Calanthia..." his soft voice echoed.
Napasinghap ako at pilit na pinipikit ang aking mga mata.
After many attempts of calling my name, unti-unti ng bumukas ang pintuan. Nakapalupot ang buong katawan ko sa kumot at nakatalikod upang 'di mapansin na ako'y nagtulog-tulogan lang.
I am good at pretending to be asleep.
"Kumain ka..." mahinang tugon niya. But it's enough for me to hear his voice.
Ang kapal lang? Matapos kong maghintay sa text at tawag niya. Ngayon siya magpakita?
Ang bigat ng puso ko. Para bang may pumipiga nito. I cannot breath properly lalong-lalo nang naramdaman ko ang pag-alog ng aking kama sa pag-upo niya.
Ayaw kong makita niya akong ganito. Baka akalain niyang mahal na mahal ko siya!
Wala na dapat siyang pakialam dahil wala na kami!
"I know you are not sleeping, baby..."
Gusto ko siyang sukmatan na ang kapal ng mukha mong gago ka! But what happened to my mouth? May glue ba ito? Dahil nawalan ako ng kakayahang magsalita.
"Kumain ka muna at mag-usap tayo..." mahinang tugon niya. Para bang nag-iingat siya sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Sanay akong walang filter ang bibig niya but this time he's been gentle with words.
"Umalis ka na..." finally, may salitang lumabas sa bibig ko.
"Aalis lang ako kung kumain ka na..."
"Anong paki mo?" Ang lakas ng loob kong magsalita dahil hanggang ngayon nakatago pa rin ako sa kumot. I cannot face him.
"May pakialam ako sa girlfriend ko, Thia." Aniya. May diin na naman ang girlfriend na salita. Ang kapal lang talaga!
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...