Move on
"Thia, ok ka lang?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinatanong ng aking mga kaibigan at kaklase sa araw na ito. Natatanging ngiti lamang ang aking isinusukli sa kanila. Alam ko ang mga ngiti na 'yon ay hindi abot sa aking mga mata kaya para bang may pag-alinlangan silang paniwalaan ako.
It's our first day of school today for the second semester and definitely my first day in school without his presence. It's been four days since he left that note but until now I didn't received any news about him.
Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman, takot na baka may nangyaring masama sa kanya pero mas nangingibabaw ang katotohanan na baka bumalik na siya sa kanila. Amidst confusion I still pray and hope that he's fine.
Inaamin ko 'nong una halos isusumbong ko na siya sa pulis dahil sa sobrang inis ko sa kanya hanggang sa nasanay na akong nandiyan siya. Nasanay lang ako.
"Pwedeng bang umupo muna tayo," mahinang sambit ko sa mga kaibigan. Ramdam ko ang sobrang pagod mula sa paglalakad. Galing kami sa second floor para sa aming ikatlong klase sa araw na ito. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng lakas ng aking mga paa kahit sa paghakbang lamang. Naaninag ko na ang study Kiosk kung saan pwede kaming umupo pero natatanging sigaw nalang ni Jaz ang narinig ko...
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata dahil sa matinding sakit ng ulo. Bumungad sa akin ang puting kisame na may halong kulay asul ang mga gilid nito.
Where am I?
"Aray..." sabi ko nang dahan-dahan kong igalaw ang kaliwang kamay. May nakakabit na dextrose dito. Agad na lumapit si Jaz at Jana sa aking gawi. Tamad akong bumaling sa mga kaibigan at pilit na pinoproseso ang nangyari. Lalo lamang sumasakit ang ulo ko habang binabalikan ang mga pangyayari.
"Finally you are awake, Thia!" Ani Jaz, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-alala.
"Naku! Thia, you made us worry! May sakit ka pala at hindi ka man lang nag pahospital," sambit ni Jana.
"Girls, please calm down. 'Di nakakatulong kay Thia 'yan." Ani Louie na unti-unti na ring pumanhik sa aming gawi, nilagay niya ang kanyang cell phone sa kanyang dark blue jeans at ginawaran ako ng ngiti. Nilalaro niya ang buhok ni Jana at Jaz na nagpagalit sa dalawa.
"I hate you!" Si Jana
Sinapak siya ng dalawa at napailag lang ito habang nakangiti.
Nahinto ang kulitan ng tatlo nang nagsalita si Seb habang may binabasa sa kanyang cell phone.
"Gago! Next CEO pala to si Adam at ikakasal na siya. Kaya pala hindi na nag-enrol sa second sem."
"Im sorry..." he's embarrassed on what he did dahil naramdaman niya ang buong tensyon sa silid. At ang mga mata ay nakatutok lamang sa kanya.
"Sorry again!" Nag hands-up pa siya. At mukhang nahiya at nagsisi sa ginawa.
We didn't talk about Adam, kahit tanongin ako tungkol sa kanya. Ngayon lang dahil kay Seb. Hindi ko alam kung may alam ba sila o sadyang nirerespeto lang nila ang katahimikan ko. I don't want to talk about it too.
Unti-unting sumikip ang dibdib at pilit kong huminga ng malalim. I composed myself and speak in a calm way kahit sobrang sakit na.
"Ikakasal na si Adam, Seb? Sabi ko.
Napabaling ang atensyon ng lahat sa akin. Hinawakan pa ni Jaz ang aking kamay at pinisil ito. Hinahanap ang aking mga mata.
"I'm fine , Jaz. Don't worry. Salamat sa pagdala ninyo sa akin didto," mahinang tugon ko.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...