Chapter 34

615 15 6
                                    

Miss

I can't help but smile on what he said. Buti nalang biglang nabawi ko ang aking ngiti at 'di tuluyang nagpatinag sa totoong nararamdaman. Ang kaninang ngiti ay napalitan na ng seryosong pagtikhim. Kahit panay ang pintig ng aking puso ay nakayanan ko pa ring tumbasan ang kanyang mga titig. He's forehead creased a little while looking at my reaction.

"Let's go?' Aniya.

He waited for me to stand first at sumunod na siya sa aking likuran. Halos gusto ko lang yumuko nang napansin ko ang mga matang nakatuon sa amin. Sa sobrang tangkad naman kasi ng aking kasama, siguradong makakalingon ka talaga. May tikas pa ng katawan na 'di mo pwedeng kaligtaan. Even he's just in his t-shirt, he can still catch attention from those who were wearing tuxedos and stilettos.

"Adam!" Bati sa kanya ng isang matangkad na lalaki. Kakapasok lang ito sa restaurant and the guy smiled to the man at my back. The guy was still in his corporate attire. May babaeng kakapasok lang din at nang napatingin sa aming gawi ay napangisi ito. She's in her black puffed sleeve with revealing neckline. Nahiya ata ang cleavage ko sa kanya.

"When did you arrived?" the woman asked, hindi na ako nakinig sa kanilang usapan at dahan-dahan ng humakbang patungo sa kanyang sasakyan. Mga ilang sandali naramdaman ko na ang bulto ni Yegor sa aking likuran. Napalunok ako at tumayo na ng maayos. I composed myself again.

Alam ata ng puso kong palapit na siya dahil panay ang bilis ng pintig nito. Parang nakipagkarera. Parang sasalang sa oral recitation na hindi ka handa.

Tila tumila na ang ulan kaya dumiretso na kami sa kanyang sasakyan. Dali-dali kong sinuot ang seatbelt at kinuha ang cellphone sa aking bag upang tingnan ang mensahe ng ina.

Should I tell mama about him?

Gusto kong i-kwento kay mama pero kapag siguro ako'y makauwi sa amin, mas mainam kung masabi ko ito ng personal sa kanya.

I just replied to my mother that I am on my way. Nagabihan dahil umulan. Tinago ko agad ang aking cellphone pagkatapos at piniling matulog.

Kahit 'di naman ako inaantok pinili ko nalang ipikit ang aking mga mata. Masyadong pagod na aking puso dahil kanina pa ito nakipagkarerahan.

Napabalikwas ako nang napagtanto na hindi ko nasabi sa kanya kung saan ako uuwi o sana sumakay nalang ako ng taxi pauwi. Baka akala niya na hindi na ako doon nakatira. My eyes widened when I saw a familiar gate.

Napalunok ako, maybe he assumes that after those years I am still in this house.

"Thank you," sabi ko at dali-dali ng bumaba sa sa sasakyan.

"Thia, kumain ka na?" Ani Maline. Nakita ko ang pag-awang ang kanyang bibig habang ang mga mata niya ay hindi mapirmi. Napatingin siya sa akin, pabalik sa aking likuran at ngayon ay seryosong nakatuon sa akin.

"Oh My! Artista ba 'yan ang kasama mo, Thia?" Aniya.

Napalingon ako sa aking likuran at napataas ang aking kilay nang nakitang nakatayo lang si Yegor sa may pintuan.

"Ako pa rin 'to Maline. Kumusta?

"Buti magkasama na kayo, Adam. Kumain na kayo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Auntie Mela. Lumapit ako sa kanyang gawi at nagmano. Ganoon rin ang ginawa ni Adam. Napatingin lang ako sa kanyang ginawa. He smiled to auntie Mela, para bang hindi nagkita ng matagal. Ako lang ata itong hindi kumportable sa kanyang presensya.

Who would know that our path will cross again?

Pagkatapos kong sagutin ang mga tanong ni Auntie Mela at Maline ay nagpaalam na ako sa dalawa at umakyat na sa taas. Na-miss ko tuloy si baby Ree, sigurado akong nakatulog na 'yun. I just glance at their room at pumasok na sa kwarto ko.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon