Chapter 15

1.1K 31 7
                                    

Spoiled

"What are you doing?" Nakakunot noong tanong ko kay Yegor nang pinalupot niya ang kanyang braso sa aking balikat habang inalalayan ako sa pagsulat sa aking papel.

"I'm helping you out to solve this problem," sabay nguso niya sa libro na pinasugatan ng aming professor.

"I'm not paralyzed, Yegor. I can write on my own," padiin kong asta sa kanya. I hope he's aware that we're in the library and PDA is strictly prohibited.

Simula 'nong niyakap at nagpayakap ako sa isla, naging libangan na ng kapre ang paghawak sa aking mga kamay at pagyakap sa akin. 'Di ko alam kung parte pa ba ito ng kanyang pang-aasar sa akin o sadyang trip niya lang talaga. Ngunit, ayaw mang ipakita ang totoong estado ng aking puso, ang pag-pula ng aking pisngi sa harap ni Yegor ay 'di ko mapigilan kaya't mauwi lahat sa asaran.

Sa nagdaan na mga araw napansin kong malayo ang puso ng aking mga kaklase sa akin, mababae man o lalaki. Only Jaz and Jana became my friends among our blockmates. Compared to my high school life,my clasmates were all dear to my heart. Siguro, dahil sa asungot na laging nakaaligid sa akin. Mapagroup work, by partner o kahit individual activities lagi kaming magkasama ni Yegor. 'Di na rin ako nagreklamo tutal magaling naman ang kumag sa lahat ng pinapapagawa sa amin.

"How's your designer, Jaz? Dumating na ba galing Spain?" Tanong ni Jana kay Jasmine na walang ibang bukang bibig kundi acquaintance party at ako naman ay tikom ang bibig pag gastosin na ang pinag-uusapan.

"Yes, he's here, kakasukat ko lang kanina," nakangiting saad ng kaibigan.

Patuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa acquiantace party samantalang ako ay tahimik lang na nag-aaral sa gilid kasama ng tahimik na lalaking nakamasid sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanya habang binababa ang librong hawak ko.

"May pupuntahan tayo mamaya," aniya, tapos nakuha pa akong kindatan. I manage to kicked his foot, napadaing ang kumag habang nakangisi. Kaya kahit nakakainis ang mga banat niya ay nakakangisi parin ako.

"Why Luca is always talking to you?" Tanong niya habang palabas na kami ng gate ng university.

"Because were friends," mahinang tugon ko.

"Ba't 'di ko alam 'yan?" Aniya. Nariring ko ang pagkairita sa kanyang tono. Inarapan ko nalang siya at patuloy sa aking pagmartsa patungong sakayan ng jeep.

"I told you that we're going to somewhere else," hiniwakan niya ang aking palapulsuhan at tinangay sa ibang ruta. Binatawan niya agad ito nang naging normal na ang bawat hakbang naming dalawa.

Walang anumang salitang lumabas sa bibig niya pero kitang-kita sa gilid ng aking mga mata ang seryoso niyang mukha. Ang kanyang saktong kapal ng kilay ay panay lang nakatagpo. Ang malalim niyang mga mata ay diretsang nakatuon sa daanan. Ang mga kamay namin ay malayang nagtatagpo. Pero, 'di niya sinubukang dinampot ang aking  kamay na palagi niya namang ginagawa.

Napabuga ako ng malalim na hininga at napahinto sa aking paghakbang. Sa araw-araw na magkasama kami ni Yegor naging bihasa na ako sa kanyang ugali, alam ko kung kailan siya nagseselos. Yes he's jealous with Luca, ang rason kung bakit siya nagseselos ay hindi ko na alam. Ayaw ko ng mag-usisa pa baka ako lang ang masasaktan. I may looked pissed everytime we're together, pero sa puso ko ang saya na walang batid. I'm happy being with him. I am happy to be with him.

"Yegs..." mahinang tawag ko sa kanya. It was just like a whisper but I made him stopped.

"He was just asking about his sister. And we're not even friends. An acquaintance somehow," napakagat ako sa aking labi at napayuko sa unti- unting hiyang umaakyat sa aking pisngi.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon