Familiar
"Nak, pwede namang dito ka sa Cebu mag-aral ng Law."
Nakapangisi lang ako sa ina dahil ilang beses niya na akong kinukumbinsi na magpatuloy na sa Law at uuwi na sa amin.
"Ma, I'll think about it."
"Kasi ma, may hinihintay parin siyang bumalik." Kahit medyo malayo ang boses, narinig ko pa rin ng maayos at alam ko kung kanino 'yun.
"Tatlong taon na ang nakalipas mula 'nung pumasa ka sa board exam. Hindi pa rin ba tapos ang pag-iisip?"
Paano ko ba sabihin sa aking ina na pagod na akong mag-aral? Gusto ko lang kumita at mag-ipon. Kung babalik na ulit ang gana kong mag-aral. Promise! Diretso akong magpa-enrol.
Pakiramdam ko binigay ko na lahat ang buong lakas at kakayahan sa board exam, kaya hanggang ngayon nawalan na ako ng ganang mag-aral ulit.
"Your tita will sponsor your tuition fee and I am also here to support you. Nak, we are here to support you... You want to be a lawyer, right?" Si mama, para bang nakikipag-usap siya sa elementarya at pinapaala ang pangarap nito.
"Ma... I am fine with my work... but.. I am not still closing my door..."
Nagpaalam na ako kay mama nang napagdesisyonan na ng aking mga kasamahan sa trabaho kung saan kami maglunch.
"Sa McDo nalang tayo kumain, para hindi sayang ang time. We need to finish our work early." Napakindat pa si Leigh habang inaayos na ang kanyang shoulder bag upang makababa na para makakain.
"I won't promise..." sabi ko. Napatingin ang mga kasamahan sa akin at unti-unti tumaas ang kilay ni Leigh.
"Sa tatlong taon nating magkasama, Thia. Bentang-benta na ang salitang 'yan. This time you will come with us? Please?" Si Clarisse. Napakurap-kurap pa ito.
Napatingin si Leigh kay Jana to help them convince me pero ang loka napangisi lang ito at kumindat.
Hanggang ngayon magkasama pa rin kami ni Jana sa isang kompanya and thankfully we were assigned in the same department. But until now they cannot convince me to come to bars. I didn't experienced night life in my whole life. Ewan ko ba para bang pinanganak ako noong pag-usbong pa ng sinaunang kabihasnan.
"She will come with us," siguradong asik ni Jana.
Napaawang lang ang bibig sa inasta ng kaibigan dahil parang kilalang-kilala na ako ng babaeng ito.
Pagdating namin sa McDo, si Kian na ang ang nagpila para sa amin kaya kaming mga babae ay naghanap na ng maupuan.
He's the youngest among us kaya sa mga ganitong pagkakataon he will really extend his service for his ATES daw. Ang bait ng batang 'to. Gusto ko siyang i-reto sa kapatid ko pero alam kong wala ng pag-asa na maghiwalay si Chi at Joaquim. Masyado silang inlove sa isat-isa.
"Thia, magtatampo talaga ako kung hindi ka pupunta sa birthday celebration ko mamaya," ani Clarisse.
"Pwede naman sanang hindi sa bar, eh!" Nakangising saad ko sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang inisin dahil nakapagdesiyon na akong sumama sa kanila.
Maybe, I need this. Maybe, I need to socialize with others.
"Pwede mo namang isama si Louie, girl. Para kung malasing ka..." Ani Leigh.
"No!" Nakangising asik ko.
"Oh My!" Si Clarisse. Nakatingin siya sa aking pagkain kung saan hiniwalay ko ang balat ng chicken. This is my way of enjoying my chicken without those oily skin because I am allergic.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...