Girlfriend
"Pahingi papel."
"Pahingi ballpen."
"Pahingi notebook."
Gusto ko ng bigwasan sa galit ang katabi ko. E kasi naman ginawa na akong charity foundation dito. May libreng tulog, pagkain, damit at pati gamit sa eskwela ay hinihingi pa?
Nakapag-aral sa mamahaling paaralan pero kahit ballpen, wala? Siguro'y naglayas ang lalaking ito sa kanila. Isusumbong ko kaya siya sa awtoridad? Baka hinahanap na siya ng kanyang mga magulang at mabigyan pa ako ng pabuya kung sakali. Napangisi nalang ako sa aking naisip.
"Why are you smiling?" bulong niya sa aking taenga na nagpailing sa akin. Pero, mas lalo niya pang dinikit ang kanyang bibig sa aking taenga. I can clearly feel his deep breathing. Pilit kong ibaling ang atensyon sa nagsasalita sa harapan, pero alam kong nakakatawa ang mukha ko ngayon. Umiinit ang pisngi ko at namamawis ang aking noo.
"I'm hungry," aniya, kita ko sa gilid ng aking mga mata, ang matang nakatuon sa aking leeg. Ang mga balahibo sa aking batok ay nagsitayuan na sa kakaibang sensasyon na dulot sa paglapat ng tungki ng kanyang ilong sa aking taenga. Kulang pa ang isang pitsel ng tubig sa nanunuyong lalamunan ko ngayon.
Nabalik ako sa aking huwisyo nang nagtama ang mga mata ko sa aming professor. He arched his brows while directed his gaze to the guy who almost leaned his head to mine. Nakalagay pa ang kanyang balikat sa backrest ng upuan. Walang pakialam na nandiyan ang aming guro. Siniko ko siya at pinandilatan ng mata.
"What's your name?" napaawang ang bibig ko sa tanong ni Sir Powter, 'di ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o ang kapre na mukhang walang paki sa paligid. Oh Gosh! I hope 'di kami pagagalitan ngayon.
Damang-dama ko ang mga matutulis na mga mata na nakatuon sa amin at ang bulong-bulongan na malinaw pa sa tubig sa lawa.
Ang PDA naman kasi.
What?
Napayuko sa 'di inaasahang pagtayo ng aking katabi. Mas lalong nararamdaman ko ang kakaibang tensyon nang walang anong ingay ang naririnig sa paligid. Tuloy, naghahari ang malakas na kabig ng aking dibdib.
"I am Makarius Adam Yegor, sir," aniya, then he sit down again without any hesitations. Para bang 'di niya ramdam ang tensyon.
Makarius Adam Yegor, ang kapal talaga ng mukha mo! Grr!
"Mr. Yegor, You know that you are in the class, right?"
"Yeah!" ang walang hiya, tumugon pa. Pwede bang manahimik nalang siya? 'Di niya ba alam na naiirita na si Sir Powter sa kanya? Uo manhid ang lalaking ito. Walang paki sa mundo. Walang emosyon. Nakakainis. Nadamay tuloy ako sa kanyang kahibangan.
I only wish a peaceful college life, pero unang araw ko palang dito sa SU, kamalasan na ang batid ng lalaking ito.
"You should learn to respect your girlfriend in front of other people, at least control yourself," he twitched his lips and smile a bit. Dahan-dahang ng nabasag ang katahimikan dahil sa tawa ng ilan.
Shit! mukha ba kaming mag-jowa?
"Sorry, I cant help it. She's too pretty to resist," at kinindatan pa ako ng kumag na lalong nagpa-ingay sa klase.
Binigyan ko siya ng pamatay na titig.
Sinipa ko ang kanya paa at ang walang hiya napangisi lang. Nag-aapoy na ang aking ilong sa inis. Tuloy parang lutang ako sa unang araw ko dito sa SU.
"Submit your 3 pages essay about self worth and morality next meetin," nng huling sinabi lang ni sir ang narehistro sa aking isipan kaya't sinulat ko na agad sa aking notebook. Baka makalimutan ko pa dahil sa asungot na umaaligid sa akin.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...