Chuckled
Hindi na nagtanong si Louie kung saan ako 'nung gabing iyon. Hindi na rin napag-usapan ng barkada kung kaya't naging payapa ang pagpapaalam namin sa isa't-isa.
Ang kapayapaan na natamasa sa gabing iyon ay kabaliktaran kinaumagahan. Pagtungtong ko palang sa opisina ang bunganga na ni Clarisse at Leigheandra ang bumungad sa akin.
"Aba! Aba! Calanthia, sino ang naghatid sa iyo 'nung Friday night?" Nakapamewang pa ito at pinasadahan ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa. Para bang hinihinimay-himay niya kung may pagbabago ba sa katawan ko. Tuloy na-coconcious ako sa suot ko. Naka puting inner spaghetti strap ako at cream na coat at parehong kulay na mini skirt. Inayos ko ang coat baka masyadong revealing ang inner. Kahit wala naman talagang dapat ikakatakot dahil hindi naman ako biniyayaan ng hinaharap.
"Likod pa lang alam ko ng gwapo at masarap siya. Grabeh ang tangkad 'nun!" Ani Clarisse. Tulad ni Leigh, matalim rin ang tingin ng kaibigan.
"Nadiligan na , te?" Napaawang ang aking bibig sa narinig... 'Di ko inaasahan 'yun.
Kahit wala naman akong karanasan sa mga bagay na tinutukoy ni Clarisse, alam ko naman kung ano 'iyon! I have few friends who are very vocal about their experiences tulad lang ng dalawang ito. Kahit nga kiss 'di parin ako nakaranas. Muntikan lang! Mga banat ng kapre 'nun. Pero 'yung dumampi, wala! Why would we kiss then? Napailing nalang ako sa kakaisip.
"Jan, help!" Sabi ko sa kaibigan na abala na sa kanyang trabaho pero itong si Leigh at Clarisse ay parang nagrarally sa EDSA at may pinaglalaban, 'di ako tinatantanan!
Jana just looked at me and smiled. "Ikaw na bahala sa kanila, girl. Kaya mo 'yan.''
Napabuntong hininga ako at unti-unti ng humakbang patungo sa aking lamesa at umupo na sa aking shrivel chair, ang dalawa sinundan pa ako. Narinig ko ang tawa ni Kian na ngayon ay abala na rin sa kanyang monitor.
"He was our college classmate, ok?" Napahilot ako sa aking sentido upang pakalmahin ang sarili.
Hindi pa rin ako nilubayan sa panunuksong tingin ni Leigh. "If he was your college classmate bakit siya nandoon? Eh, si Louie at ang boyfriend lang ni Jana ang kakilala naming lalaki mong kaibigan." Aniya.
"Sobra ka naman, Leigh, lalaki rin naman ako!" Natatawang saad ni Kian.
"Except you of course 'di naman kayo magkaklase sa college," seryosong saad ni Leigh. She's really persistent to know who that guy was.
"Sayang! Lasing lang talaga ako kung hindi ay sinundan ko na kayo, Thia!" Tawang-tawa na siya sa kanyang sarili ako naman ay nagsimula ng buksan ang email.
Pero bago pa ako nakapagsalita ay naunahan na ako ni Kian.
"Have you seen the email from the admin?"
"Yeah! The official announcement of our NEW CEO will be this Friday night." Ani Clarisse.
Allergy na ata ako sa Friday night...
"Sayang hindi ko nakita ang bagong CEO 'nung birthday celebration ko, umalis din kasi daw agad." Patuloy na utas ng kaibigan.
Nahinto na aming pag-uusap nang pumasok na sa aming gawi ang aming senior accountant o tinuturing naming direct supervisor, ako at si Jana ang junior accountants. Si Clarisse, Leigh at Kian ang accounting staffs. We opted to be treated as higher than them because I know we're equal. And it's good when you are just good friends with your co-employees.
Luoie: Susunduin kita mamaya.
Me: Sasabay lang ako kay Jana.
Luoie: Give them privacy, Thia.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...