Magazine
"Happy 17th Birthday, Thia!" Sabay-sabay na sigaw ng aking mga kaibigan.
It's almost 8 pm na natapos ang aming practice at hindi ko akalain na alam nila ang birthday ko...
Pinapili ko sila ng resto kung saan kami magdinner but we ended up the nearest resto in our school dahil gutom na kaming lahat.
When I said treat ko, nanlaki ang kanilang mga mata. As if they heard some amazing news. Hindi naman talaga ako nanlilibre, it's always the four of them. Dahil birthday ko naman at habilin ni mama that's why I decided to treat them dinner.
Inabutan ako ng mga regalo ni Jaz, Jana at akalain mo, may gift din si Seb. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kasiyahang batid.
This is my first birthday without my family, but I have my friends who are already a family to me... and I am grateful for that.
I never celebrated my birthday with him or kahit birthday niya hindi ko alam. Hindi ko maiwasan ang kirot na nararamdaman tuwing naalala ko siya. Hindi ba siya napagod at palagi siyang naglalaro sa aking isipan?
Pagkatapos nilatag na ang dessert ng waiter sa aming lamesa nagsimula na ang mga birthday messages ng mga kaibigan. Kahit may live band na kumakanta sa harapan, namamayagpag pa rin ang tinig ni Jana.
"Thia, I wish you happiness, good health and sana maka move-on kana kay Adam, 'di na 'yun babalik," aniya.
Dahil sa pagkabigla ay nabilaukan ako kaya dali-daling inabot sa akin ni Louie ang isang basong tubig.
"Gaga ka talaga Jana!" Si Jaz.
"We're here to celebrate the gift of life of Thia..." seryosong saad ni Jaz.
"At sana mabilaukan ang mga nang-iwan nang hindi man lang nagpaalam!" At nasilayan ko ang mga pinipigilang ngiti ng kaibigan pero kung umasta akala mo may pinaglalaban.
"Wala namang ampalaya sa kinain, bakit parang ang pait ng nalalasahan ko?" Si Seb na natatawa na rin.
"Kasi kayong mga lalaki! Akala mo mahalaga ka' 'Yun pala... tulad ng iba, iiwan ka rin!" Ani Jana na halos umuusok na ang ilong sa galit.
At hindi siya tinantanan ni Seb.
"Nilalahat? Hmmmmp... Loyal kami ni Louie. 'Di ba Louie?"
"Gago!" Si Louie
"Oh? Sino mas gago? Kahit alam mong kaibigan lang ang turing sa'yo pero mahal mo pa rin?" Natatawang saad ni Seb.
Tuwang-tuwa si Jana at Jaz sa banat ni Seb.
Ang kukulit talaga. Hindi ko nakaligtaang sulyapan si Louie na nasa harapan ko na halos namumula na ang kanyang taenga sa pang-aasar ni Seb.
May love life si Louie? Wala kaming alam o baka ayaw niya lang ibahagi sa amin tutal we always respect privacy in our friendship. Kung ano lang ang kaya mong i-share, the group will respect you.
Hindi natatapos ang asaran hanggang tinawagan na si Jaz na nandiyan na ang kanyang sundo so we separated ways na.
Sumakay na si Jana kay Seb at ako naman kay Louie. Kung hindi lang sana kami nagagabihan sa practice hindi sana ako magpapahatid sa kanya. Nahihiya ako even we're friends. Pakiramdam ko I am burden to him since magkaiba ang ruta ng condo niya sa boarding house ko.
But he always insist na ihahatid niya ako. So, I let him.
It was a silent long drive and thank you sa mga nakakatulog na playlist at nakatulog ako sa kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...