Chapter 17

923 24 1
                                    

Lottery

“I did my best but my best is not good enough…” pakanta-kanta si Jana at Jaz nang pababa kami patungong ground floor.  Ako naman ‘di pa napapawi ang pawis na namumuo sa aking kamay at aking noo dahil sa kakaibang pressure na naidulot ng periodical exam ng Accounting sa akin.

“We arrived the same answers therefore you’re correct,” pabulong na asik ng kumag. Pinataasan ko lang siya ng kilay at patuloy na naglalakad nang payuko kasama ang mga kaibigan.

“First semester is finally over, parang kailan  lang nuh?” Masayang sambit ni Jana, at  parang naibalik na ako sa reyalidad na uuwi na ako bukas sa Cebu. Uuwi akong ‘di kasama ang kumag. Ano kaya ang gagawin niya sa buong dalawang linggo na wala ako? Uuwi ba siya sa kanila? Anong paki kung ganoon? Pero, may paki na ako dapat, ‘di ba? Dahil lagi naman kaming magkasama. We’re friends. We’re good friends, a concern friend perhaps?

Mabilis niyang sinakop ang dala kong libro sa kanyang mga palad at hinarap ako. Napahinto ako sa paglalakad at napanguso  nalang sa kanyang matalim na titig. Parang biglang umiba ang ihip ng hangin. I can’t stand with his stare, mahihimatay ako sa takot ngayon. His eyes is telling me that he’s not happy right now. Tumahimik na nga, nagagalit pa? Ewan ko sa’yo Yegor, I want to shout at him pero dahil nalulusaw na ako sa kanyang titig, napakagat nalang ako sa aking labi at napayuko.

“Oh, lovebirds, you wanna go with us? Lunch together? It’s like a little celebration?” Mahinang sambit ni Jana. ‘Di ko man tanaw ang ekspresyon ng mukha niya, damang-dama ko naman ang tensyon sa boses niya.
Kung may mga tao mang nakakilala sa ugali ni Yegor maliban sa akin, si Jana at Jaz na iyon. Alam kong gusto lang nila mapalitan ang kakaibang tensyon na namamagitan namin ni Yegor. Pero, dahil si Yegor siya at walang filter ang bibig niya. Madali siyang nakasagot sa kanyang paraan.  Galit at mapag-angkin.

“No!” With just that word, parang naguno na ang mundo ng dalawa. They faked a smile and look at me again. As if I can save them in an oral recitation.
What is his problem?

“Hindi nalang muna kami sasama sa inyo, pakisabi nalang rin sa ating mga kaklase. Meron pa kaming pupuntahan. Enjoy your break,” walang alinlangan kong sambit at dahan-dahan kong  hinakbang ang aming distansya at niyakap ko silang dalawa. I will surely miss them both.
Pinagmasdan ko lamang ang paglisan nang dalawa hanggang nararamdaman ko na ulit ang galit ng kumag sa aking likuran. He exhaled anger, I can feel it.

“Enjoy your break,” parang batang utas niya. Ginaya ata ang paraan ng aking pananalita sa aking mga kaibigan.

“Isa pa!” Naiinis kong asta, napaikot ako upang maharap siya.

Nagdaan na ang mga sandali tila ang walang mga salitang lumabas sa aming mga bibig. Mga tingin sa mga estudyanteng dumadaan ay ‘di dapat kaligtaan. Pero sa gitna ng dagok ng estudyanteng dumadaan, hinayaan ko ang aking sarili na isaulo ang kanyang mukha habang ang mga mata naman niya ay naglalakbay  sa malayo.  Baka pagbalik ko ‘di ko na masilayan ‘to. Lahat ng anggulo siguro ng kumag na ito ay kabisado ko na. Pero, gusto ko paring alalahanin. Ewan ko ba para bang may takot ako sa hinaharap na dapat wala naman.

I never expected him in the first place but he came, maybe he’ll leave unexpectedly also.

“You’re leaving tomorrow? To Cebu?” Mukhang nagugulahan pa siya kung tama ba ang lugar na nabanggit niya.

So this is the reason of his change of mood? Na aalis na ako bukas?

Tumango lang ako at nagkaroon na ng lakas ng loob na suklian ang mga titig niya.

“Yep…” napataas ang aking kilay at pinagmasdan muli ang pagkibot ng kanyang bibig. I need to tilt my head so that I can see him clearly. He’s 6 inches guy, for God sake, at ako? 'Di na nakaabot ng 5.

Napabuntong hininga ito at ginawaran lamang ako ng malamig na titig. Para bang kami lang dalawa sa pathway at hindi ito daanan ng karamihan kung angkinin namin ang lugar.

Siguro, ganito na talaga kung nawalan na kayo ng pakialam sa paligid. Ang importante kayong dalawa. Ang importante mapawi ko ang ano mang galit sa puso niya ngayon.

“Sembreak na bukas, I need to go home. I’ll be back next week?” Unti-unting kumuwala ang ngiti sa aking labi habang pinagmasdan ang matangkad na Yegor, pero daig pa ang bata. He never responded but he remained stiff , para bang wala siyang narinig.

Sinapak ko ang kanyang balikat at dahan-dahan kong kinulong ang aking sarili sa kanyang bisig. Kinuha ko ang kanyang braso upang mapalupot ito sa aking beywang. Bahala na. I don’t want to end this day without his touched. I am already used to it.

“Let’s go home. I need to prepare my things,” sabi ko habang di parin pinapakawalan ang sarili.

Ang isa naman ay masyadong pakipot ‘di talaga nadala sa aking paglalambing. Kainis!

Hanggang sa sakayan ng jeep wala parin kaming kibuan, kahit nay sinasadya ko talagang humilig sa kanyang bisig.
As much as I want to bring him home, I know hindi pwede at hindi dapat. Kung anong meron kami ni Yegor mananatili lang ito dito sa Manila.

Pagdating namin sa boarding house nauna na akong pumasok sa kanya, hinayaan ko nalang ang mga titig niyang nakabuntot sa akin.

“Thia, may padala ka!” Salubong sa akin ni auntie Mela pagkapasok ko sa bahay. Inabot niya sa akin ang envelope ng isang  pamilyar na courier. Nagpasalamat muna ako kay Auntie at tuluyan ng pumasok sa aming kwarto.

Nagtama ang aming mga mata ni Yegor pagpasok niya sa aming kwarto. Dali-dali kong iniwas ang aking paningin at binaling ito sa dalang envelope.

Hindi ko na binasa ang address dahil alam ko  na galing ito kay mama at ito na ang aking ticket sa eroplano para bukas.

Namilog ang mata ko nang nakita ang pangalan ni Yegor sa ticket.

Damn! My mother bought a ticket for him, really?
Bumilis ang pintig ng puso ko at ang mga kulisap sa aking tiyan ay nagsialisan na nang hinablot ni Yegor ang hawak kong ticket. 

Pinagmasdan niya ang hawak na papel na 'di maitago ang ngiti. Then, he look at  me as if he won the lottery.

Damn him!

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon