Chapter 31

626 15 2
                                    

Bracelet

Nagising ako sa sobrang sakit ng aking ulo at ang tiyan ko ay kumakalam na sa gutom. Para bang may nakadagan sa aking katawan. Pilit kong igalaw ang aking paa baka binabangungot na ako. Pilit kong binuka ang aking mga mata.

"Shit!" Biglang mura ko nang napagtanto na hindi pamilyar ang kwartong ito. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking katawan dahil kahit nakabukas na ang aking mga mata, hindi parin ako tuluyang makagalaw.

Nagising ang buong kaluluwa ko nang naramdaman ang isang kamay na nakapalupot sa aking tiyan at nakakulong ako sa dalawang mahabang binti.

Napaawang ang aking bibig habang pinagmasdan ang natutulog na lalaki. Lalaking pinangarap kong masilayan muli.

Natatakot ako baka sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay mararamdaman niya ito. Ayaw kong gisingin siya. Dahan-dahan akong bumangon, halos napanganga ako nang gumalaw siya kaunti. Buti nalang ay hindi siya naggising.

Hanggang ngayon tulog mantika pa rin ang kapre.

Pagbalikwas ko mula sa kanyang bisig ay doon ko napagtanto na iba na ang suot ko. "Shit!" Sinilip ko ang suot na underwear baka... baka... ano ang nagawa kong kabalastugan habang natutulog.

Wait...  binihisan niya ako?

Am I still intact, right? Wala naman sigurong nangyari 'di ba?

He's a married man for God's sake!

Dali-dali kong hinubad ang kanyang loose shirt at sinuot ulit ang aking damit kagabi and still wearing the same underwear. Dinampot ko  ang aking shoulder bag na nasa lamesa at binitbit ang aking heels. Baka magising siya sa tunog nito. Sa paglabas ko ng kanyang condo doon na ako huminga ng malalim.

Sinuot ko ang aking heels at naglakad nang hindi ininda ang kaba at sakit ng ulo at buong katawan...

Gusto kong murahin ng ilang beses ang sarili sa nangyari pero kahit nakasakay na ako ng taxi 'di ko pa rin makuha bakit nasa condo niya ako.

Tanggap ko pa sana kung nasa condo ako ni Louie dahil magkaibigan naman kami.

What if kung nandoon ang asawa niya?

Sa pagkakataong ito gusto ko lang ma-untog  upang makalimutan ang kahihiyan dahil sa impluwensiya ng alcohol.

I open my shoulder bag para makatext sa mga kaibigan.

Am I going to tell them kung saan ako nanggaling at bakit 'di ako nakapagpaalam sa kanila?

May alam kaya sila?

Kaya't dali-dali kong binuksan ang aking cell phone at gusto ko nalang talagang sumigaw sa inis dahil empty bat na ito.

Kakasilang pa ng haring araw at tulog pa ang mga tao. At muntik ng 'di makaabot sa CR dahil nasusuka na ako. Naghilamos ako ng ilang beses pero para bang 'di talaga mawala ang imahe niyang natutulog...

After seven years we meet again... in the bed... but this time he's married.

Umakyat na ako sa aking kwarto at nagbihis na ng pambahay. Nagcharge muna ako ng phone at nagpahinga ulit.

Pero kahit gaano ko gustong magpahinga hindi ko parin kayang ipikit ang aking mga mata dahil siya ang aking nakikita.

Ano ka ba Calanthia, hah?

Kinuha ko nalang ang aking cell phone at tiningnan ang mga mensahe at miscalls.

28 miscalls mula kay Luoie.
10 miscalls mula kay Seb
8 miscalls mula kay Chuchi
4 miscalls mula kay Mama

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon