Chapter 41

625 11 0
                                    

Talk 

I didn't say anything, I just followed him silently to his condo. Hindi mapakali ang isip ko sa mga pangyayari. Laging naglalaro sa aking isipan ang matang galit na galit ni Cria at sa matang nakatutok sa akin ngayon.

"Yegs..." Napakagat ako sa labi sa kakaibang boses na lumabas sa aking bibig. Malaya akong nakaupo sa kanyang couch at malaya niya rin akong dinaluhan.

"What are you thinking?" It's almost a whisper. Nagsitayuan ang balahibo sa aking batok. Napailing ako sa sensasyong dulot ng simpleng bulong niya.

"Ang lapit mo..." nauutal kong asik sa kanya. Hindi ko tuloy maisatinig ang gustong sabihin dahil sa sobrang kaba ng aking dibdib.

"Why? Hindi ba pwedeng maging malapit sa girlfriend?" Napatingin ako sa kanyang inasta kaya tuloy nakita ko ang mga ngiti mula sa labi niya. Umiwas ako. Tinuon ang aking mga mata sa nakabukas na glass window at doon natatanaw ang malalaking building sa labas.

"Hindi ka nga nanligaw..." gusto ko na talagang magmura sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Napakagat ako sa aking labi at 'di kailanman nilingon ang katabi. He moved closer to me kaya unti-unti akong umusog para may distansya pang mamagitan sa aming dalawa.

"I waited for seven years to come home, Thia. And now I am finally home..." His husky voice sent shivers down to my spine. Hindi ko mapigilang tingnan ang kanyang mga mata.

He bit his lower lip at pinataasan ako ng kilay. "Is there's a need to court you, baby?"

Napaawang ang aking bibig habang ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa kanya. This is my first time talking about this. Sa kanya lang, kay Yegor lang. Gosh! I will be turning 24 this 20th day of October pero I am still new to this!

"I will court you everyday. Shit! 'Di pa ako nanligaw," aniya.

Hindi pa siya nagka girlfriend? Pero may fiancé naman.

"You have your fiancé!" Biglang sagap ko. For a long time, I believe that he is bound to marry someone or he's already married that's why I keep on reminding myself not to hope anymore.

But the love that grows in my heart is the love that hopes and endures.

Kaninang pigil na mga ngiti niya ay napalitan na nang napalaking ngisi. He's eyes is filled with so much adoration.

He holds my hand and intertwined our fingers. Napatingin ako sa aming kamay na magkahawak. This is what it feels when finally the long wait is over.

"It's always been you, Ting."

But I want to know what happened in the past.

Kailangan ko pa ba talagang alamin 'yun, gayong ok naman kami ni Yegor?

I just said yes to him nung gabing iyon while we were cuddling in his bed. Hindi ko mapigilang ngumiti tuwing naalala ang kanyang nakangising mukha habang nakapikit ang mga mata.

"Thia, what happened to the Jaz's, bridal getaway niyo?" Si Leigh habang kumakain kami ng haponan sa isang restaurant. Medyo may kalayuan sa aming opisina. Gusto nilang kumain ng seafood that's why dinayo talaga namin kahit malayo.

Napakagat ako sa aking labi nang naalala kong may kailangan akong i-text kung saan ako ngayon but I can keep on smiling while thinking that he's good at stalking.

Yegor: "I'll pick you up.

Dali-dali kong tinago ang aking cellphone sa nabasang mensahe niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant upang siguraduhin na wala siya.

"Thia, malapit na akong magduda na may tinatago ka sa amin. I caught you smiling while looking in your phone." Ani Clarisse.

Napatingin ako kay Jana na muntik ng maibuga ang tubig na ininom.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon