Chapter 2

1.8K 23 3
                                    

Daughter

"Nakapahinga at nakakain ka na, kaya, pwede ka ng umalis!" nakataas ang isa kong kilay habang pinasadahan ko siya ng tingin. Nakaupo siya sa kama at mukhang walang balak umalis. Buti nalang may saktong saplot na siya nang 'di na magkasala ang aking mga mata.

Walang salitang lumabas sa kanyang bibig kung hindi lampas ang titig niya sa aking kalamnan.

Napahilamos ako sa aking mukha at napakamot sa aking ulo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya! Nauubusan na ako ng pasensya.

"Kung hindi ka magsasalita diyan, mapipilitan akong isumbong ka sa tanod o pulis dito sa barangay!"

"Saan ako pupunta?" tanong niya na lalong nagpakulo sa aking dugo.

"E 'di sa bahay ninyo! Kahit saan basta huwag ka lang magpakita dito sa harap ko!"

Napabuntonghininga ako, at pilit na pinapakalma ang sarili. Ang daming modos ngayon, 'di dapat magtiwala kahit kanino. Gustohin ko mang makatulong pero nauna pa rin ang takot sa puso ko. Isang pikit ko lang baka ay paglalamayan na ako. He could possibly rape me.

"Wala akong mauwian. If you're afraid that I will rape you..." he paused for a while, then smile like an idiot.

"Then, you're not my type..." at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ang feeling mo!" 'yun lang naisagot ko at kinagat ang labi sa posibleng pagtakas ng ngiti.

Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos ng nakairitang usapan. Natatanging tilian sa kabilang kwarto ang umalingawngaw sa kapaligiran.

Hindi pwede ito, hindi pwedeng magkasama ang babae at lalaki sa isang silid. Hindi maganda sa pandinig. I could help him in different ways, but not giving him a shelter.

"Seryoso ako, umalis ka na... please," padaing kong sabi. Sana ay sapat na ito na maunawaan niya ang gusto ko ngayon. I want him to go out from my room.

"Wala kang pasahe? Magkano? Bibigyan kita. Umalis ka lang..."

"I'll stay here, whether you like it or not and I sleep here on the bed," hinaplos niya ang kama at dahan-dahang binagsak ang kanyang katawan.

"Maghuhubad ako dahil wala akong ibang damit. Kung gusto mong pagsamantalahan ang aking katawan, ok lang din sa akin," tumayo siya at totoong hinubad ang kanyang damit at pantalon. Tinupi ang mga ito at nilagay sa aking study table.

Ay wow! Makapal din talaga ang mukha, nuh?

Nalaglag na ang aking panga at ang kakayahan kong magsalita, walang anumang tinig na lumabas sa aking bibig.

Napaupo ako sa upuan at napahilot sa aking sentido. I rested my back in the backrest. Napapikit ako at pilit na i- proseso ang mga bagay na 'di ko inasahan na mangyari sa akin ngayon. 'Di ko namalayan na nakapikit na pala ako. Shit! Kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit at damit na susuotin ko bukas.

Sinadya kong ihulog ang mga libro at padabog ang paraan sa aking pagmamartsa. Pero, tulog mantika ang kapre kahit mag-tumbling pa ako 'di magising ang kanyang kaluluwa.

Umalingawngaw ang aking messenger hudyat na online naman ang aking mga kaklase. Sila lang naman kasi ang nagbibigay buhay sa aking social media life.

Chummy: Ayee! Can't wait to see all the hottie patottie in our university.

Nikka: Eiw, Chummy, 'wag ka munang magladlad sa unang araw. See you tomorrow​ guys!
Ang iba diyan baka makalimutan na agad tayo kung makakita ng ibang kaibigan diyan sa Manila.

Napangiti ako at nagtipa sa aking reply. Sinadya kong may tunog ang keyboard habang tinuon sa mukha ng tulog mantika ang aking cellphone. Tingnan natin kung hindi magising ang kapre. Napaawang pa ang kanyang bibig. Sarap lagyan ng mabahong medyas. Napangisi nalang ako sa aking naiisip. Bakit ba ang dami ng kabaliwan na pumasok sa aking isipan ngayon?

Me: Good luck sa ating lahat :) I miss you all!

Muntik ko ng matipa tungkol sa hottie patottie kung kay Chummy pa.

Hindi pa ako dinalaw ng antok at ang mga kaklase ko ay isa-isa ng nagpaalam.

Sayang hindi online si Mina, gusto ko sanang kulitin siya. I know she's still upset of not passing the entrance exam of our dream university. Sana kung kasama ko siya, wala ako rito at 'di ko kasama ang lalaking ito.

Nakaupo lang ako sa kama at nakatunganga sa librong hawak. Nagbabasa pero wala namang naintindihan. Lumalakbay sa kung saang parte ng mundo ang aking isipan.

Naghanap nalang ako ng pwede kong matulugan sa aking aparador. Buti nalang may sobrang kobre kama pa ako at kumot. Iyon nalang ang aking nilapag sa sahig. Sa kabutihang palad gawa sa kahoy ang aming sahig kaya't pwede na pagtiyagaan ang isang bedsheet. Nilapag ko ito sa gilid ng kama. Hinablot ko ang isang unan sa kama at pinatay na ang ilaw at yinakap si piglet.

"Aray!" napabalikwas ako nang natapakan ang aking mga daliri. Lumakbay ang sakit mula sa aking daliri paakyat sa aking braso. At ang kumukulong galit ay 'di ko na mapigilang bumuga.

Humiga ako ulit at napabuga ng hininga. "Ano ba?" pasinghal kong asik.

"Hindi ako nakakatulog ng walang ilaw," tamad na sabi niya.

"At hindi rin ako nakakatulog ng may ilaw. Kaya, please lang, kung ayaw mong kaladkarin kita pababa, patayin mo ang ilaw!"

"Ba't diyan ka natutulog?" aniya, habang nakapamaywang pa. Nasa paanan ko siya kaya't di ko masyadong mabasa kung anong nasa isip niya. Sobrang nakakasilaw naman kasi ang tinatawag nilang kahinaan ng mga babae. Kahit kanina pa nakabandara ang kanyang katawan ay 'di parin nasanay ang aking mga mata.

Pero, hindi niya ako madala sa kanyang mapang-akit na katawan. Papalipasin ko nalang ang gabi at titiyakin ko na 'di na siya makabalik bukas.

"Di lang pala ang kalos sa'yong talampakan ang makapal pati ang mukha din pala. Sana'y mapagtanto mo na ako ang may karapatan sa kamang iyan. Ako ang nag-one month advance at one month deposit sa kwartong ito. Sana naman kahit kaunting kahihiyan lang 'di ba?"

"Ang dami pang sinasabi. Kung ayaw mo akong katabi 'di bahala ka! Basta sa kama ako."

Gusto kong murahin siya ng walang humpay pero napagtanto kong lalo lang siyang magaganahan kung papatulan ko pa siya. Kaya't si piglet muna ang pantakip sa mukha nang 'di masilaw sa ilaw at nang 'di na lunurin sa galit ang buong sistema. I have to avoid talking to him. Wala akong makukuha sa kanya kung hindi stress.

'Di bale ng stress basta well-dressed ika nga. But I am not a dress to kill woman. Simpleng blouse, skinny pants at keds ko ay sapat na sa akin. Iniwan ko ang kapre na nakaawang pa ang bibig. Bahala siya sa buhay niya. Sana lang pagdating ko mamaya wala na siya.

Halong kaba at saya ang naglalaro sa aking puso. Mabait kaya ang aking mga kaklase?Magkaroon kaya agad ako ng kaibigan?

Nagsidatingan na ang mga estudyante at nagmamadaling nagmamartsa sa pathway. Ang mataas na mga kahoy sa campus ang siyang nagpaaliwalas sa paligid. Parang nasa probinsya lang.

Dahil sa Freshmen Orientation Seminar no'ng nag enroll ako, 'di na bago sa akin ang pasikot-sikot sa campus. Dumiretso na agad ako sa unang klase namin.

Medyo kaunti pa ang mga estudyante sa loob pero daig pa ang palengke sa ingay. Pakiramdam ko ay magkakilala na silang lahat. Kung makatawa parang wala sa classroom, mababae man o mga lalaki. May mga ngumiti at nagpapakilala sa kanilang sarili kahit wala pa ang professor.

Hindi kalaunan natahimik rin ang mga kaklase ko. Dumating na siguro ang aming professor. Sinarado ko na agad ang librong binasa at handa ng makinig sa professor na kararating lang.

Akala ko'y ang presensya ng aming professor ang nagpatahimik sa lahat. Halos nalaglag ang aking panga nang nagtama ang aming mga mata. Uminit ang pisngi ko sa galit dahil 'di lang pala higaan ang pinakialaman niya pati ang t-shirt ko. Pero, gusto kong humagalpak ng tawa sa sinuot niya. Hindi ba ito marunong magbasa?

Rinig ko ang bulong-bulongan sa aking likuran.

Osyosa One: "Gwapo sana, pero Daughter Of The King ang suot. Pink society ata!"

Osyosa Two: "I doubt it. Maybe it's his girlfriend's t-shirt. How sweet of him."

Napatili pa ito at 'di alintana kung masyado siyang halata.

But wait... bakit nandito siya sa aking classroom?

Magkaklase kami kung ganon?

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon