Chapter 27

601 12 1
                                    

Tubig

"Oh my! Am I seeing an angel from heaven? Mamamatay na ba ako?" Si Seb habang nakita niya ako papasok ng gate ng university. Napatingin siya sa akin na para bang sinusuri niya ang aking pagkatao. Tagos sa kaluluwa ang kanyang mga titig.

"Hindi ka lang sanay na maiksi ang buhok ko, Seb," nakangiting saad ko.

"Sigurado akong may mga matang kumikinang ngayon," at kitang-kita ko ang dahan-dahang paglipat ng kanyang mga mata sa aking likuran.

Napataas ang aking kilay at tinitigan lamang ang nakangising kaibigan. Hindi ko na kailangang lumingon dahil unti-unti ng nanunuot sa aking kalamnan ang kanyang Timothy Han perfume. Kilalang-kilala ko na talaga ang amoy niya.

"Pre, nandiyan ka pala! Kamusta?" Hindi ko mapigilang tumawa sa tanong ni Seb. Kung makapangumusta parang hindi araw-araw magkakasama.

"Tara na! We'll be late!" Apila ko sa dalawa sigurado ako kung magtagal pa ang kanilang kamustahan ay mahuhuli kami sa huling araw ng aming graduation practice.

Nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Jana at Jaz na nasa auditorium na sila at malapit ng magsimula. Kahit ako ang naunang naglakad daig parin ang aking hakbang sa mga mahahabang paa. Bakit naman kasi ang tangkad ng dalawang ito?

Napalingon si Louie sa aking gawi at napansin ko ang pagbagal ng kanyang hakbang upang maabutan ko pa siya, nang nagkasabay na kami ay hinayaan niya ang kanyang mga paa na sumabay lamang sa aking paglalakad.

Ang layo na ni Seb kaya naiwan na kaming dalawa ni Louie. Halos tumakbo na ako sa bilis ng bawat hakbang pero siya nakapasok lang ang dalawang   kamay sa kanyang maong black pants. Nakaputing sapatos at puting t-shirt na may logong check sa gilid ang kanyang suot. Siya 'yung tipong lalaki na hindi ka makapaniwalang walang girlfriend.

Pagpasok namin sa auditorium halos lahat ng nakakilala sa akin ay may parehas na komento. "Ang ganda mo, Thia." Hindi ko kayang bilangin dahil nahihiya na ako. I don't like getting so much attention.

Pero syempre kailan pa papahuli ang bungaga ni Jana?

"Ang ganda ng naka move-on!" Lumapit siya sa aking gawi at nagbeso. Ganoon din ang ginawa ni Jaz pero para bang kinilig ito.

"Ganda mo, girl! Mas na emphasize ang latina mong ganda!" Ani Cria na ngayon ay nasa tabi ko na. Magkasunod kasi kami ng upuan dahil Albelda ang kanyang apelyido at ako naman ay Arabejo.

"Over! But, thank you Cria," I genuinely say thank you   for their appreciation. Hindi ko akalain na maari talagang mag-iba ang hitsura dahil sa buhok.

Dahil naging inspirasyon ko si Ate Mauie I let her cut my hair hanggang balikat at kinulayan ito ng light brown and she put some highlights.  Tinudo niya na ang transpormasyon at may permanenteng wavy pa ang drama but it looks like a natural wave to me. 

So ayun pati ako nanibago sa sarili. Nag-ayos  na rin ako ng kilay para mabagay naman sa kulay ng buhok and put some Mauve lipstick from Maybeline.

Arabejo, Calanthia Z., Magna Cumlaude

Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa aking mga kamay patungo sa aking batok. Ang luhang nagbabadya ay pilit kong pinipigilan. Huminga ako ng malalim at hinakbang ang entablado nang may ngiti sa labi. Nagtama ang aming mga mata ni Louie at kitang-kita ko ang kanyang pagngisi.

Kahit nasa practice palang kami ay halo-halo na ang emosyon na ang aking nararamdaman pero mas umaapaw ang saya. Na sa wakas ay natapos ko ang apat na taon. Na nagbunga lahat ng paghihirap at pagsisikap. I was alone when I came here in Maynila but I met different kind of unique individuals and I called them...  friends.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon