Around
Thia...
Halos 'di ako makagalaw, ang aking mga mata ay nanatili lang sa kanya. Ang aking bibig ay hindi kumikibot. Samantala ang ang pintig ng aking puso ay walang kapaguran.
I should say thank you?
or
What would I tell him?
Sa panahon na walang salitang lumalabas sa aking bibig, kailangan ko ng taong kaya akong sagipin.
I thank God because I have Jana and Jaz.
"Wow! Adam, kumusta kana?" Si Jana.
"Gwapo pa rin!" Nakangiting saad niya and he look at me.
"Mahangin ka pa rin, nuh?" Asik ni Jana lalong nagpangisi sa kanya.
"Madaldal ka pa rin!" Aniya.
Hinawakan ni Jaz ang aking kamay at pinisil ito.
"See you around then?" Ani Jaz.
"Yeah, see you around..." May diin ang kanyang huling salita. At pinasadahan niya ako tingin. Umiwas lamang ako. Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong napalunok.
Kumuway na ang aking mga kaibigan sa kanya pero ako walang naggawa kundi sumunod na sa mga kaibigan.
As if I wanted to stay!
Paglabas namin sa gym doon na ako na huminga ng malalim. Nakalimutan ko atang huminga kanina.
"Babe, ok ka lang ba talaga?" Si Jaz habang nasa sasakyan kami. Nakisakay lang kami kay Jana papuntang mall.
"Yes! Ok lang ako," sabay ngisi ko sa kaibigan.
Ok lang naman 'yun diba? Na hanggang ngayon sa kanya parin tumitibok ang puso ko?
No! I should stop it! He's married.
"He's not yet married at halata naman eh na si Thia pa rin," ani Jana. Habang ang mga mata niya ay nasa kalsada.
Kitang-kita ko paano siya hinawakan ng babae noon. Kaya, Thia kung ayaw mo maging kabit pwede ba huwag ng mag-isip ukol sa kanya!
"Jan, we'll not give false hope to our friend. Naiinis lang ako kay Luca dahil hindi niya talaga ako sinasabihan ukol kay Adam. They were bestfriends since they became teammates sa basketball."
"Really?" Si Jana. Nakatingin lamang siya sa rearview mirror. Nasa likuran kaming dalawa ni Jaz hanggang ngayon hawak-hawak niya parin ang aking kamay kahit sinabi kong ok lang ako.
Hindi na ako nabigla sa sinabi ni Jaz dahil may kutob na ako dati pa. Kahit hindi sila nagpapansinan noon ramdam ko na magkakakilala sila. Pinagseselosan niya pa si Luca noon. Nakakahiya!
"Wala pa siyang singsing!" Deklara ni Jana.
"Sorry, Jan, Louie and Thia shipper ako. Doon ako sa hindi nang-iwan! Akala ko ba galit ka kay Adam, huh?" Hamon ni Jaz.
"Yes! I hate him for hurting Thia. For leaving her without explanations, pero 'yung nakita ko nung lasing si Thia..." hindi natapos ni Jana dahil parang naghysterical na si Jaz.
"Oh my!" Napawang ang kanyang bibig at maarteng tinabunan ito.
"Uo nalasing siya, 'nung birthday ni Clarisse."
Ano namang kakaiba sa nakita niya? Eh, lasing din siya kagabi.
I wanted to ask Jana kung ano talaga ang nangyari pero natatakot ako baka may bagay akong malaman at baka masaktan lang ako.
I don't want to be hurt again. I don't want to go back when all I did was to isolate myself from people. I don't want to lose another dream because I was hurt.
Hindi ko na ata makayanan masaktan ulit. Kaya kung pwede lang hindi na dapat kami magtagpo pa. Ako na ang iiwas.
"Girls, let's wear this, please?" Si Jaz. Winawagayway niya ang ibat-ibang kulay ng two piece bikini. Nasa mall na kami ngayon at diretsong tumungo dito sa beach wear section.
Sumilay ang ngiti sa chinitang mata ni Jana habang humahakbang ito patungo kay Jaz. Ngayon ay sinusuri na nila ang hawak ni Jaz.
Gosh! These girls! Dumagdag pa ito sa iisipin ko.
"Pili kayo ng kulay. My treat. We'll gonna wear this to my bridal party, ok? Ako na ang mag-organize... para 'di na kayo ma stress sa kakaisip ng kakaibang cake!" Ani Jana at nakuha niya pang kumindat sa amin.
"Please? Kasal ko naman, Thia. Kaya pagbigyan mo na ako." Still the sweetest woman I've ever met. Paano ba ako makakatanggi kung nagpapacute na ang bruha? Parang bata lang. Kaya siguro 'di na siya natiis ni Luca. She's determined!
"Hindi ka pa naman siguro buntis, Jazmine nuh?" Ani Jana. Buti nalang nabaling na ang atensyon kay Jaz. Masyado na ata akong quota sa araw na ito.
"Hindi pa ah! You know! We're really saving our first night." Kitang-kita ang kasiyahan ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay kumikislap. Halatang-halata talaga ang babae na ito na inlove na inlove sa kanyang fiancee. Pero alam kong mahal na mahal rin siya ni Luca.
"Oh kayo ni Seb? Anong plano? What I mean you're doing that thing?"
"Gaga! Si Seb? Parang walang kakilig-kilig sa katawan 'nun! Baka ako pa ang gagapang sa kanya." Pagmamaktol ni Jana.
"Ano Jan? Sinong gagapang?" Napalingon ako sa bagong dating na mga lalaki.
Napaatras ako nang nasilayan si Louie. Diretso ang tingin niya sa dalawang kasama ko at sa hawak ni Jaz. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kabuoan ng deparment store. Pero 'di talaga nagtagpo ang aming mga mata!Napalingon si Jana kay Seb at inarapan ito.
"Hindi pa tayo tapos, Sebastian!" Humakbang si Seb upang mayakap ang kaibigan mula sa likuran. Hindi daw tapos pero halatang kinikilig ang babae.
"Fuck! Ang PDA." Natatawang saad ni Louie.
"Pre, yakapin mo rin si Thia ,oh!" Pang-aasar ni Seb sa kaibigan.
"Gago!" At ngumisi ito. Pero hanggang ngayon 'di niya pa rin ako tinitingnan.
Sigurado akong nagtatampo si Louie dahil kahit ilang boutique na ang aming napasukan 'di niya parin ako pinapansin.
Sinasadya kong lumapit sa kanya pero ang lalaki umaalis. Hindi man lang ako kinakausap...
Kahit papano pinapahalagan ko ang pagkakaibigan namin ni Louie. I don't want to acknowledge the thought the he look at me as potential partner because for me he will always have a special place in my heart... as a friend.
Pagkatapos maglibot sa mga boutique, we decided to eat our dinner together in a restaurant. Habang naghihintay sa pagkain na inorder namin ay nag-uusap-usap muna kami ukol sa kasal ni Jaz at sinabi niyang get-together sa isang resort before her wedding day! Ang daming request ng babae.
Nakahanda na ang pagkain at tahimik lamang akong kumakain ng chinese meatballs at fish fillet, buti nalng walang chicken ngayon.
"Tingnan niyo, kayong mga babae may pa gym-gym pa kayong nalalaman kung makalamon kayo, parang wala ng bukas!"
"Ikaw, Sebastian hindi kana aabot bukas," natatawang saad ni Jaz.
Inirapan lamang siya ng kanyang girlfriend at nagpatuloy sa pagkain.
Magsalin pa sana ako ng tubig sa aking baso nang nakita kung puno pa ito. Uminom naman ako kanina. In my peripheral vision finally saw Louie twitching his lips.
So, I said to him "Thank you!"
Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Kitang-kita ka ang unti-unti pagkawala ng kanyang ngiti.
Napanguso ako sa kanyang inasta.
At lalo siyang napangisi at napamura.
"Damn! Di kita matiis."
At kumuha ng tissue upang pahiran ang basa kong labi.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Lãng mạn"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...