Chapter 5

1.3K 21 0
                                    

Pasahe

Walang imik ang lalaking nakatayo lang sa aking likuran. Tuloy 'di ako makagalaw ng maayos. Daig ko pa ang tuod habang nagluluto.

"You hear me, right?" sabi ko sa kanya nang tunog matapang kahit sa totoo lang nanghihina ang aking mga tuhod. Konting maling galaw ko lang siguradong bibigay na ang aking katawan.

"Yeah..." aniya, pagkatapos ay naramdaman ko ang unti-unting niyang paghakbang sa hagdanan paakyat sa kwarto. Sa wakas, nakahinga na akong ng maayos.

Ilang minuto rin ay bumaba na siya. May pag-iingat ang bawat hakbang. Sa gilid ng aking mga mata naaninag ko ang nakasabit sa kanyang leeg, ang aking puting tuwalya at bitbit ang maliit na basket na laman ng gamit panligo. 'Di ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy sa paghanda ng pagkain sa lamesa. Dalawang plato ang hinanda ko at sa pangdalawahang tao ang pagkain.

Tahimik lang ang bawat pagsubo. Ilang sandali rin lumabas na siya sa banyo at umakyat sa kwarto. Lantad ang basang katawan at natatanging tuwalya lang ang nakakapit sa kanyang beywang. Halos nagpipiyesta ang mga mata ng aming mga kasamahan dito sa bahay.

Tinakpan ko nalang ang natitirang pagkain, pagkatapos. At sumunod na rin sa taas.

Bumungad sa aking kwarto ang bagong paligong lalaki. Nanunuot pa sa aking ilong ang aking lavender chamomile bath gel na bigay ng tita ko galing NY.

Suot ang plain blue polo shirt at maong pants. Sinusuklay niya na ang kanyang buhok. Kitang-kita ko sa repleksyon sa salamin ang matang nakatitig sa akin.

Inabot ko ang tuwalya na para lang sana sa aking buhok na ngayon ay dapat ko munang gamitin para sa aking katawan. Ang asungot naman kasi ay ginamit na ang aking tuwalya. Pinalupot na ito sa kanyang katawan. Maybe, I can't use it to my body anymore.

Nakakagising ng kaluluwa ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. I never dared to open my mouth, kasi alam ko, ang natatanging salita na lalabas sa aking bibig ay ang pauwiin siya.

Kahit sa aking pagtalikod, alam kong nakatingin siya sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin pero nag-aanlinlangan ito.

Binilisan ko ang pagligo, tiyak traffic ngayon at malelate ako kung ang kasanayang kilos ay aking sundin.

Paglabas ko ng banyo naaninag ko ang katangkaran niya na kumakain sa lamesa. Nakitawa pa kina Karen at Maline. Para bang close na sila kung makipag-asaran.

Patakbo akong tumungo paakyat sa aking silid. Medyo maikli ang aking tuwalya at wala pa ang akong underwear na dala. Shit lang talaga! Ang awkward.

I wear my usual get up. A gray three fourth top, black tattered pants, and my white keds. I preferred using small backpacks. Bitbit ang aking laptop lumabas na ako sa aking silid.

Pagbaba ko sa hagdanan, naririnig ko parin ang mga tilian ng aking boardmates. Parang walang balak pumasok, uh? Bahala nga siya.

Diretsang nakatuon ang aking mga mata sa pintuan at dinaanan ko lang sila na walang imik.

Kung nangingisay sa tawa ang mga taong nasa kusina, ako naman ay nangingilid ang luha sa inis. Pinahiran ko ito gamit ang aking kamay at napanguso sa emosyon na 'di ko mapigilan.

Pagkalabas ko ng gate, dali-dali kong tinungo ang sakayan ng jeep nang hindi lumilingon sa aking likuran. Unti-unti ng nanunuot ang haring araw. Thanks to SPF 30 lotion na bigay ni tita Michelle sa akin.

Medyo, naghintay pa ako ng kaunti bago nakasakay. Halos nagsiksikan ang mga pasahero at biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang inagaw ang dala kong laptop at dali-daling pinasok ito sa kanyang backpack. 'Di ko alam kong masiyahan ba ako o maiinis nang napagtanto ko na si Yegor iyon. Ang kapre na walang paki. O bakit mukhang nag-alala ang mga titig niya?

"You're in Manila. You have to be extra careful," he whispered between his breath. Napailing ako dahil sa lapit ng kanyang bibig sa aking ilong. Naamoy ko tuloy ang strawberry mint toothpaste ko sa kanyang hininga.

Halos lahat ng mga mata ng babaeng estudyante ay nakatuon sa amin. E kasi naman ang tangkad ng kasama ko at kailangan niya pang yumuko ng kaunti para makasya sa jeep. Nakaagaw atensyon ang ngiti at postura niya. 'Di mo akalaing isa lang ang boxer's na meron siya. Wash and wear kumbaga. Buti nalang kasya ang mga damit na binigay ni auntie Mela sa kanya, kundi suot na naman ang aking mga loose t-shirt ngayon kung ganon.

Hindi ako kumibo at wala talaga akong balak na kausapin siya. Gusto kong maramdaman niya na seryoso ako sa aking sinasabi kanina. I want him to go home and leave me alone.

"Pasahe.Pasahe," ani konduktor.

Kumuha ako ng 10 pesos sa aking coin purse at inabot ito sa konduktor.

Napatingin ang kapre sa akin habang dahan-dahan na bumagsak ang titig sa aking coin purse. Binalik ko ito sa aking bag na walang pag-alinlangan.

"Miss... kulang ang pasahe niyo," ani konduktor.

Niyo? Ako lang ata mag-isa. Alam ko namang tintukoy niya ang lalaking katabi ko. Gusto ko pa sanang mag inarte pero sa mga titig ng mga babae sa aking harapan ay wala na akong nagawa kung hindi mag-abot nalang ng pamasahe para sa kanya. 

"Salamat..." he whispered again. But, I never responded.

Dahil sa sobrang sikip, halos pakiramdam ko'y nakapatong ang kanyang baba sa aking ulo. Naninigas ang aking katawan at nanunuyo ang aking lalamunan. I never been this close to a guy.

Pagdating sa paradahan ay nagmamadaling nagmamartsa patungong SU. Ramdam ko na ang butil ng pawis sa aking noo. Mahirap pala talaga ang buhay sa Manila kapag wala kang sariling sasakyan. Buti nalang talaga na preskong hangin ang bumungad sa akin pagtungtong ko ng SU.

"Hi, Thia!" bati sa akin ni Jaz. Naka halter top at skater skirt at sumasayaw-sayaw ang maalon niyang buhok. She look so feminine and fresh. Hindi katulad ko umaga palang pinagkaitan na ng hangin.

Thanks to our air-conditioned classroom. Kahit papano na nalalamigan ang mainit kong ulo. Magkatabi na naman kami ng kumag. Buti nalang sa gilid ko ay ang aking bagong kaibigan. Siya ang nagpapagaan sa sitwasyon namin ng katabi ko.

"You have to buy your own book. Principles of Accounting worth 1,200 pesos in any NBS. I expect that you can secure the book next meeting," ani Mrs. Pamaran. Nilista ko agad ito sa aking notebook. Kasama ng mga groceries na kailangan kong bilhin mamaya.

"You can buy your PE uniform in the PE studio for 1,000 pesos. A shirt and jogging pants," sabi ng aming PE instructor. Napakamot ako sa aking ulo sa sunod-sunod na gastusin. Kung aasahan ko lang ang allowance na bigay ni Mama ay hindi ito kasya. I need to look for ways to somehow help my mother.

"Wooh! PE is my favorite subject na," nakangiting saad ni Jasmine, pagkalabas namin ng covered court.

"Me too, cause I love dancing..."
at sinabayan ko ang saya ng aking kaibigan.

Sa gilid ng mata ko naaninag ko ang kapre na nakasunod sa amin. Hindi niya ako kinukulit sa araw na ito. Especially, sa pagkain. Nakakain kaya ang kumag? Kahit naiinis ako sa kanya 'di maalis sa akin ang pag-alala.

"Bye,  Friend!" paalam ni Jaz nang palapit na ang kanyang sundo sa aming gawi.

Nanatiling nakatayo sa labas ng gate hanggang nakaalis na ang aking kaibigan.

Napataas ang aking kilay nang naaninag ko ang kumag na naglalakad patungong sakayan ng jeep.

"Yegor!" sigaw ko. Napalingon ito na walang anung expression na mababasa sa kanyang mukha.

"Ano?"

"Samahan mo ako sa mall!" nakangiting saad ko. Kitang-kita ko ang pagpigil ng ngiti sa kanyang labi habang palapit sa aking gawi.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon