Chapter 14

1K 20 1
                                    

Not

"We're going to an island, what do you want me to wear?" Nandito na naman kami sa issue ng short na sinusuot ko. Kanina pa akong nakasimangot at kanina parin pumuputok ang kanyang butse.

"At least wear something decent," naaninag ko ang pagkairita ng kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo at magulo ang kanyang buhok dulot sa pagkamot nito.

"It's decent! Kung anu man ang issue mo sa suot ko, mabuti ng ikaw nalang ang sumama tutal ikaw lang naman ang invited!" At hinagis ko ang dalang backpack sa kama. Napaupo ako sa kama at napabuntong hininga. Nasagip ng mga mata ko ang ang aking sandals at isang ideya na ayaw ko sanang gawin pero dahil sa matang walang humpay na paninitig sa akin, napayuko ako at unti-unting tinanggal ang tali ng aking sandal.

"Let's go!" Aniya, the finality of his voice awakened the monsters in my stomach. How dare him shout me like that?

Inayos ko ulit ang aking sandalyas at padabog na dinampot ang aking backpack, 'di alintana ang matang nakatuon sa akin paglabas ko sa silid.

I hate it when he always gave attention up to the smallest detail. Na kahit sa suot ko ay binibigyan niya ng pansin. Naiinis ako dahil 'di ko maikaila sa sarili na maisip na maaring magseselos siya sa ibang lalaki na titingin sa akin.

It's still 5:40 am at 'di pa masyadong nagpakita si haring araw. Isang malaking poste ang nag-ambag ng liwanag sa daan. Niyakap ko ang sarili nang naaninag sa gilid ng aking mata ang lalaking tahimik na naglalakad sa kabilang gilid ng kalsada. Kahit sa simpleng jacket at khaki short na suot niya ay 'di ko mapigilang humanga.

Napangiti ako nang naaninag ang puting van na nakapark sa harap ng bahay nila kuya Gomer. Halos parehas lang ang mukha no'ng nakasama namin kahapon. They have also their individual backpacks and the kids were already wearing their cute sunnies.

"Tayo na Gomer, nandito na ang MVP," nakangiting saad ni ate Debbie.
Sinalubong kami ng ngiti ng mga kasamahan ni Yegor. Sinuklian ko rin ng parehong pagbati. 'Di ko na sinubukang lumingon para makita ang kanyang reaksyon baka makalimutan ko pang galit ako sa kanya. Unti-unting lumapit ang aking mga paa sa grupo ng mga babae na masayang nag-uusap sa may pintuan ng van. Kaunting kwentohan hanggang kanya-kanya ng nakipagsiksikan sa loob ng sasakyan.

Sumilay ang ngiti ko nang may nakitang bakanteng upuan sa may likuran. Mabilis akong umupo at agad na nilagay ang backpack sa aking binti. Niyakap ko ang dalang backpack at ninanamnam ang kumportableng pagkaupo. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso nang nasagip ng mata ko ang kulay hazel na matang nakatuon sa akin. Sa paraan ng paninitig niya'y halata na kanina pa siya sa ganoong posisyon. Walang pakialam kung nahuli ko siya. Nag-iwas agad ako ng tingin at patuloy lang ang pagbaliwala ko sa kanyang presensya hanggang siniksik niya ang kanyang sarili sa kaunting espasyo sa namamagitan sa amin ng kanyang kasamahan.

Nakataas man ang aking kilay ay ganoon na rin ang pagsunod ng aking katawan, napa-urong ako upang magkasya ang kapre. Nagsitayuan ang balahibo sa aking binti nang napagtanto ang malayang paglapat ng aming mga balat. Para bang ito ang unang beses na ganoon kami kalapit sa isat-isa. Namamawis ang aking talampakan kahit air-conditioned​ naman ang sasakyan at ang mata ko'y 'di mapakali kung saan dapat ipirmi.

Umalingawngaw ang mga boses ng mga kasamahan ni Yegor na panay kwento sa pangyayari kahapon. Nasusulyapan ko ang ngiti at tango na ginawad niya sa kanyang mga kasamahan. Pero, ako parang estatwa at 'di masabayan ang usapan at pati ang pagbilis ng pintig ng aking puso ay 'di ko malubayan.

Nagtagal kami ng dalawang oras sa ganoong posisyon hanggang inanunsyo na ang aming pagdating sa daungan patungong isla. Masayang nagsilabasan ang aming mga kasamahan at walang pag-alinlangan na sumunod sa grupo.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon