Chapter 11

1.1K 25 1
                                    

Sorry

Buti nalang humupa na ang bumabahang comments sa picture namin na inupload ni Yegor. Most  were my highschool friends, my sister and tita Michele. And the worst part, ginawa  ng chat box ang picture namin.

Napuno nalang siya ng kurot galing sa akin pero 'di parin maialis ang ngisi sa labi niya. I should learn to log out my account after using.  Sapagkat, may tao talagang 'di alam ang salitang privacy.

"Kakainis ka, Adam! Ang talino mo. Mukhang 'di ka naman nakikinig sa klase, e." Pagmamaktol ni Jaz nang nasa library kami at abala para sa quiz sa susunod na subject.

Si Yegor kasi walang palpak na perfect score sa quizzes simula 'nong pasukan. Kahit mukhang 'di nakikinig at 'di nagbabasa sa mga notes. Hindi nga uso sa kanya ang magsulat, e. Kung 'di siguro kami magkasama sa isang bubong tiyak hahanga ako sa katalinohang taglay niya.

"Gwapo na matalino pa!" Sambat ni Jana, ka block din namin. Malinaw pa sa sinag ng araw ang kilig sa kanyang mga mata.

"Duh! Kung alam niyo lang…" sabi ko habang pinataasan ng kilay si Yegor na nasa harap ko. Mukhang nag-eenjoy kasi ang kapre  sa kanyang papuring naririnig.

Pero si Jana at Jaz mukhang namangha sa sinabi ko at handang makipagchismisan. Pero, ningitian ko nalang ang dalawa at sinenyasan na mag-aral nalang kami.

Habang kaming tatlo ay abala sa notes namin ang kapre ay parang haring nakasandal sa backrest ng upuan habang nagbabasa ng news paper. Pero, pustahan tayo, perfect na naman ang kumag mamaya.

Totoong perfect siya sa Marketing 101 at ganoon rin ako. Ang kaibahan namin halos nilamon ko na ang notes para maisaulo lang ang mga marketing terms.  Pero ang Yegor, pagkain parati ang nasa isip. Laging gutom.

"Ting, gutom na ako," aniya.

"Okya! Kain tayo sa cafeteria. Libre ko!" Ani Jaz. Narinig lang ang salitang libre para bang kumikislap na agad ang mga mata niya.

"Thia, tingnan mo oh, pwedeng-pwede maging varsity si Adam sa school natin. May try out mamaya. Convince him to join so we can both support Luca and Adam," naka-pout pa ang gaga. Buti nalang maganda siya kung hindi mukha siyang natalo sa lotto.

"What?" Kaya pala atat na atat siyang ipatry- out si Yegor para may kasama siyang mag fan girl. Tsk.

Biglang nasagi sa isip ko ang narinig sa dalawang babae kahapon. Siguro, manlalaro talaga siya. Sa tangkad at postura niya 'di mo maikaila  ang dugong athlete na nanalaytay sa pagkatao niya.

"Yegs!" Tawag ko sa kanya habang binilisan ang aking hakbang. Gutom na talaga ang kumag dahil ang mata ay nakatuon na sa cafeteria.

"Ang bagal niyo, kanina pa ako gutom," aniya.

"I have a good news for you. Tadan!" Sabay angat ko sa flyer na tinago ko po talaga sa aking likuran.

Napawi lang ang ngiti ko nang 'di niya man lang sinubukang tingnan.

"I won't play anymore," pinal na saad niya.

"Diba sabi ng mga babae kahapon na UAAP player ka? So, you can try this, there's no harm in trying, Yegs..."

"But there's harm if you keep on intruding my personal life!" Aniya, habang matinding iritasyon lang ang nakita ko sa kanyang mga  mata.  He raise his tone for the first time. Nakakabigla at nakakalaglag ng panga.

Nalaglag ang panga ko at 'di ko na inindang pulutin pa. Dali-dali akong tumalikod at napaangat sa aking mukha dahil sa luhang nagbabadya. Grabe siya ako pa ang intruder sa personal life naming dalawa? Na siya itong anu-anong i-post sa fb account ko. Pwes intruder ako, uh?

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon