First Love
Hindi ko maigalaw ang aking paa, para ba akong na estatwa. Nakatunganga sa nakita. Hindi ko akalain na nandito siya. Sa liit ng Pilipinas ay hindi kailanman nagtagpo ang aming landas. Maybe he's living here.
I don't care! gusto kong isigaw sa aking sarili pero sa sobrang pintig ng aking puso ay ang hirap bumalik sa aking huwisyo.
I am seeing him, right? Or it is just a dream?
"Hindi ka nanaginip, ateng! Si Kuya Adam 'yun," asik ng aking kapatid na nagpabalik sa aking katinuan.
Ang imahe kung paano siya hinawakan ng matangkad na babae papasok sa resto bar ang palaging naglalaro sa aking isipan. They look so perfect with each other. Kahit nakatalikod alam mong may relasyon ang dalawa. Hindi ko na kayang sundan pa ang kanilang gawi dahil alam ko... alam ng puso ko... na hanggang ngayon umaasa parin ako na magkita kami ulit. Pero heto na 'di ba?
Sabi niya babalik siya. Naghintay ako. Kahit ilang beses ko mang kumbensihin ang aking sarili na ok na ako, pero heto parin ako dahan-dahang pumapatak ang luha.
"Teng, anu ba!" Si Chuchi na bumaling na sa aking puwesto at yinakap ako.
At hindi ko na mapigilang humagulhol sa bisig ng kapatid.
Natatanging hagulhol lamang ang naririnig sa buong unit ni tita. Pagkatapos ng 'di inaasahang pagtatagpo ay napagdesiyonan na ng dalawa na magpahinga na raw kami. Tumango lamang ako at tahimik na sa buong byahe pauwi.
"First love..." ani tita na bumaling na rin sa aming gawi.
"Mawawala rin 'yan or you will be used to the pain."
I thought I am used to the pain but still it hurts seeing him again... I was not yet ready. Pero kailan ba ako magiging handa?
Pagkatapos ng litanya ni tita ukol sa kanyang butihing ex ay nagpaalam na ako upang makapaghalf bath na.
Abala pa si Chi sa kanyang cell phone at ako naman ay nagnight skin care routine upang makatulog na pagkatapos.
Nakuha ang atensyon ko sa malakas na tunog ng aking cell phone na ngayon ay nakalapag lamang sa kama.
Napangisi ako nang nakita ang ang nakawacking mukha ng kaibigan.
Kahit namamaga pa ang aking mga mata mula sa pag-iyak kanina ay sinagot ko ito nang nakangisi.
"Ano?" Habang nakataas ang isang kilay.
I saw how he go near to the camera and look at my eyes.
"Ba't ka umiyak?"
Ginawaran ko lamang siya ng isang matamis na ngiti. I thought it was a sweet smile but then hindi bumenta sa kanya.
"Ba't ka umiyak?" He asked again at sa tono ng kanyang pananalita ay kailangan at dapat ko siyang sagutin.
"I am fine." Nakangiting saad ko.
Siguro sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Louie, alam niya na kung kailan ako nagsasabi ng totoo o hindi.
Unti-unting nawala ang ngiti ko nang napansing nakatutok siya sa aking mukha. Pakiramdam ko sa sobrang lakas ng internet sa NY ay kitang-kita ko ang mukha niya na walang ekspresyon. He's looking at me blankly. Waiting for something to fill him in.
"Ok fine!" Sabi ko upang mawala ang tensyon.
"I saw him..." halos unti-unti na akong nawalan ng kakayahang magsalita. Parang nahihirapang bumuka ang aking bibig.
"Him..." he repeated.
"Yeah... him..." mapaklang saad ko.
"Tulog na, inaantok ka na,"
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...