Tuxedo
I can't keep my wildest smile from the image that I am seeing in front of the huge mirror. They did their best in making me the best tonight.
"Ang ganda mo, Thia," nakangiting saad ni Maline habang nakatingin rin sa aking repleksyon.
"Thank you for making me beautiful tonight." at yinakap ko ang dalawang make up artist na si Karen at Maline.
Dito na ako nagbihis at inayusan ng aking dalawang boardmate sa kanilang kwarto. At kanina ko pa 'di nakita ang kumag. My heart beat faster when I remember him. Ano kaya ang reaksyon niya kung makita ako sa ganitong ayos? He picked this dress, I'm sure 'di uuwi sa argumento ang gabi na 'to.
Ang mahaba kong buhok ay kinulot sa baba. Bawat paggalaw ko ay umaalon ito. My make-up is so simple but I like it so much. Ito naman kasi ang habilin ni Yegor sa dalawa.
"Ano na girls? Saan na ang kumander ko?" Umalingawngaw ang boses ni Yegor sa ibaba. Nakita ko ang mga ngiting pinakawalan ng dalawa kong boardmates. Pero halos 'di ko na maigalaw ang aking labi sa sobrang bilis ng pintig ng aking puso.
"I-handa mo na ang panyo mo diyan!" Pasigaw na asik ni Maline at nagpakawala ng tahimik na tawa ang dalawa.
"Salamat ulit sa inyong dalawa…" ang boses ko ay nahihirapan ng lumabas dahil sa sobrang kaba. Ewan ko ba bakit 'di parin mawala ang kaba ko tuwing magkasama kami o kahit sa isip ko lang. Para bang magkasabwat na ang puso at isip ko. At palagi akong tinatraydor tuwing makita o marinig ko lang ang pangalan niya.
"You keep on saying thank you, wala lang 'to Thia nuh. It's our pleasure. All you need to do is to enjoy this night," ani Karen na ngayon ay nakapamaywang na habang 'di parin tinatantanan ang pagkawala ng ngisi sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan ng pinihit ni Maline ang pintuan at ang kakaibang hangin ay unti-unti ng nanunuot mula sa aking batok hanggang sa aking binti. Pakiramdam ko'y nakalimutan ko na paano i-hakbang ang aking mga paa patungo sa baba ng sala kung saan naghintay na sa akin si Yegor.
I swallowed all my saliva and inhaled with all my might. Kaya ko 'to. I whispered to myself. At thanks God mukhang narinig ng aking utak at inutusan ang aking mga paa na umalis na sa aking kinatatayuan. Kung hindi baka piliin ko nalang magpalupot ng kumot at hindi na sumulpot sa acquaintance party.
Isang malamig na titig ang nakamasid sa akin habang pababa ako sa hagdanan. Bawat paghakbang ko'y umaalon ang aking buhok at siya namang pagliparan ng mga paru-paru sa aking tiyan.
"Yegor… ang pangit ko..." nauutal na saad ko. Napakagat ako sa aking labi sa malaking kasinungalingan na lumabas sa aking bibig. Sa lahat ng pwede kong sabihin. Isang negatibo pa at 'di akma sa nararamdaman ko ngayon. O biglang napangitan lang ako sa aking sarili nang nakita siya sa kanyang ayos. He's a t-shirt man, I never seen him with a white long sleeve na nakatupi sa kanyang siko. Nadepina ang matipuno niyang pangangatawan. Damn it!
"Gusto lang ata i-appreciate mo, Adam," asik na Lynne ang kontrabida sa bahay na 'to. Pero ngayon ay gusto kong magpasalamat sa kanyang talentong magbara dahil naaninag ko ang ngisi sa mga labi ni Yegor. Napalitan ang kakaibang tensyon ng halakhakan.
"Thia, may bisita ka!" Boses galing sa labas ng bahay ang umalingawngaw at nagpakuha sa aming atensyon.
"Palabas na po," sagot ko.
Dali-dali kong niyakap si Maline at Karen at nagpaalam na sa dalawa. Muntik ko ng makalimutan ang usapan namin ni Jaz na susunduin niya kami ni Yegor.
"Enjoy!" Saad ng mga tao sa bahay nang tuluyan na kaming nakaalis ni Yegor.
Sakay sa itim na chevrolet nila Jaz, tahimik naming tinungo ang hotel. Halos 'di ako makatingin sa rearview mirror dahil nang sinubukan ko'y nakita ko lamang ang paninitig ni Yegor. Nasa harap siya nakaupo habang nasa likod kami dalawa ni Jaz. Panay daldal ang aking kaibigan habang ako'y di mapakali. Parang bang bawat pagkibot ng aking bibig ay minamasdan niya. I hate it, dahil 'di ako makaakto ng normal. Mas pipiliin ko pang babarahin niya ako at iinisin kaysa sa tahimik lang siyang nakamasid.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...