Medicine
Gamit ang kanyang dalawang kamay hinaplos niya ang aking buhok na para bang hinahanap niya aking mga mata nang natagpuan niya ito ay siyang pagbukas ng kanyang bibig.
"Ting, we'll go now!" The urgency felt in his voice. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Sa tono niya ay para bang nagpapahiwatig ito na kailangan ko siyang sundin dahil ito ang nararapat sa oras na ito.
"Friends, mauna na kami, hah?"
"Hala! Bakit? Mag-sine pa tayo!" Si Jaz.
"Maybe next time!" Si Yegor na ang sumagot.
Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis na nagmartsa palabas ng NBS kaya't kumaway nalang ako sa mga kaibigan.
"Yegor! Ano ba! Nasasaktan na ako!" Pagmamaktol ko sa kanya. Nasasaktan na ako sa kanyang pagkahawak, pakiramdam ko maghihiwalay na ang aking katawan sa aking balikat dahil hindi ko nasusundan ang bilis ng kanyang paghakbang.
Hindi pa rin siya kumikibo, mas lalong binilisan pa niya. Sa kanya, naglalakad lang ito bagama't sa akin ay tumatakbo na ako.
Nauubusan na ako ng lakas at hangin kaya't pilit kong bitawan ang kanyang kamay upang makapahinga naman. Hinihingal, kinakabahan at ang daming tanong sa aking isipan ngayon.
Pero, kailangan ko munang sundin si Yegor sa pagkakataong ito kahit na hindi ko nauunawaan ang nangyayari.
"Sorry, Ting! We need to get away from here!" Sabi niya habang ang mga mata ay alertong nakatingin sa paligid. Palinga-linga ito habang huminto kami saglit. 'Di ko na talaga kaya. Parang aatakihin na ako ng asthma.
"I'll explain later. Sa bahay na tayo magpahinga..." sabi niya nang inabot niya ulit ang aking mga kamay.
Nakalabas na na kami ng mall at ganoon parin ang paraan ng kanyang paglalakad, napakabilis. May naghahabol sa amin sigurado ako.
Nang nakasakay na kami ng jeep. Ilang buntong hininga na aking napabuga dahil sa sobrang hingal at kabang nararamdaman ko.
Nang nakabawi na ako at nakalanghap na ng hangin kahit papano, naramdamdam ko ang pagdala ni Yegor sa aking ulo sa kanyang balikat at unti-unting niyang nilalagay ang buhok ko sa aking mukha. Buti nalang, para enkasong makatulog ako, hindi lantad ang bibig na nakanganga.
Nakarinig lamang ako ng maraming mura mula sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso at ang paa niya ay hindi na mapakali. I managed to hold it and to make him stop.
Pagbaba namin sa jeep ay siya namang sa dahan-dahang pagpatak ng ulan.
"Shit!" Si Yegor habang tinatakpan ang ulo gamit ang kanyang bag. Hinayaan ko siyang gawin iyon. I don't have the energy and strength to argue anymore.
Tinakbo namin ang malayong distansya ng babaan ng jeep patungong boarding house at sa bilis ng aming pagtakbo ay siyang pagbilis ng ulan.
Dali-dali kaming pumasok sa bahay kahit bakat na bakat na aking bra sa aking damit. Napatingin siya sa aking katawan kaya't 'di ko mapigilang gamitin ang kamay sa pagtakip ng nakabandara kong basang katawan.
Tinungo niya ang aming kwarto sa mabilisang paraan. Pagbalik niya ay binalot niya ang aking katawan sa tuwalya.
"Maligo ka muna, para di ka lagnatin. Uminom na rin ng maraming tubig," aniya.
Iniwan ko siya sa tanggapan ng aming boarding house at pumunta sa kusina para makainom ng tubig at pumanhik na sa banyo upang makaligo.
Isang buhos ko lamang ng tabo ng tubig 'di ko na kaya... Nanginingig na ako sa lamig. Kinuha ko agad ang tuwalya para ibalot sa aking manipis na katawan.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...