Chapter 42

598 10 0
                                    

Good Night

Nagpaalam ako kay Yegor na bumaba at kausapin si Louie. This is what we really need right now. Pag lalo pang tumagal ang katahimikan baka hindi na maibalik sa dati ang samahan. There will be awkwardness and I don't want it to happen.

I don't want to lose the friendship that we had built for long period of time just because of the opinions of others.

Nakakunot ang kanyang noo, nakakatutok lang ang kanyang mga mata sa akin. Alam kong gusto niya rin na magkausap kami ng aking kaibigan.

I gave him a smack on his lips before I went out.

Napahawak ako sa aking labi dahil ito 'yung unang pagkakataon na naglapat ang aming mga labi. Umalingaw-ngaw lang naman ang kanyang malutong na tang-ina!

Natatawa akong iniwan siya. Napawi ang ngiting nakaukit sa aking labi nang nakita ang kaibigan. Nakapamulsa habang seryosong nakasandal sa kanyang sasakyan.

I missed him. I just want to run and hug him. He's been always there for me. He may not be so open about his feelings but the fact that we are always there for each other made our friendship stronger.

"Louie..." I smiled when he look at me.

"Thia." Halos 'di kumikibot ang kanyang mga labi habang binibigkas ang aking pangalan.

Hindi ko alam bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso habang pinagmasdan ang kaibigan. Kahit sa pagbilis nito ay pilit ko pa ring umaktong normal.

The way his eyes look at me, I can only see the sadness in it. May lamp post naman ang nagbibigay ng liwanag pero mas umaapaw ang dilim nito.

"Pasok ka." Sabi ko, at unti-unti siyang iginiya papasok sa loob ng gate.

"Thia, hindi na ako magtatagal. I just want to ask sorry of what Cria's said to you last Saturday."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ito mula sa kanya.

"Why you are asking sorry for the things that you didn't do? Hindi mo kasalanan 'yun Louie!" My eyes widened while uttering those words.

"It's still my fault, Thia. Sana ay hindi ako umasa. Dahil una pa lang alam ko na, na darating ang panahon, na iiwan mo ako sa pagbalik niya..." bitternesss, yes, I heard bitternes in his voice.

"Louie, ano ba!" I cannot contain my emotion. Malapit ko ng masabunotan ang sarili just to make him stop. I don't want to hear it.

"Thia, please... hear me out! I love you more than just friends! More than what you think! But who am I to demand to love me back? Your heart is owned by someone. Na kahit iniwan ka na. Siya at siya pa rin ang iyong pipiliin."

"Louie, I love my friends.."

"Yeah, I know that." Mapaklang asik niya. He tried to smile pero hindi ito umaabot sa kanyang mga mata.

"Louie, alam mo namang mahalaga ka sa akin. I am always thankful that I have you. I am sorry for..."

"You don't have to say sorry for not loving me, Thia, I didn't asked that. I just want you to know that our friendship matters to me more than entertaining my fucking feelings for you!" At hindi ako nakagalaw.

"I don't want to lose you, Thia. But in the process of loving you, silently, I lose myself..." patuloy na asik niya. Garalgal na ang kanyang boses at nagtutubig na ang kanyang mga mata.

"I am sorry." The only words I can utter. At unti-unting pumapatak ang ang luha sa aking mga mata.

Hindi ko na inalintana ang mga taong dumadaan na nakatingin sa amin dahil sa panahong ito gusto ko lang talagang marinig ang kanyang saloobin.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon