Epilogue

1.2K 29 14
                                    

"Dam, are you sure you don't want to go with us?" Ani Stef.

"Yeah, I need to check my mom."

Hindi ko alam ba't ang bilis ng pintig ng puso ko habang nagmamaneho pauwi ng bahay. I feel like I want to see my mother immediately. She just came out from the hospital last week. But, she's a bit stubborn of having a nurse in the house. Kaya niya daw. Kahit labag sa kalooban ng ama, he just followed the order of my mother.

Mabilisan kong hininto ang aking sasakyan sa labas ng gate. Hindi ko na ito naipasok sa bahay sa sobrang pagmamadali. Sa buong buhay ko ngayon pa ako nakaranas ng sobrang kaba. Para bang lalabas na ang aking puso sa bilis ng pintig nito. Wala akong inaksayang oras at tinakbo ko na ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

Dumiretso na ako sa kwarto ng aking mga magulang.

"Mommy" Sigaw ko. Pero walang sumagot.

Lalong naghuhurmentado ang puso ko. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng ina pero naka lock ito. Dali-dali akong bumaba sa bahay upang kumuha ng extrang susi. Nakita ako ni manang na nataranta kaya siya na ang kumuha sa susi at binigay sa akin.

I almost lost my senses when I open the room... It was dark... hindi na mapakali ang puso ko. Hinanap ko ang switch ng ilaw at doon nakita ang ina na mahimbing na natutulog...

Sana ay natutulog lang siya...

But she will be forever sleeping...

From that time, our home became dark. And from that moment I can't sleep without a light. Every time it's dark, I always remember the image of my mother who is peacefully sleeping.

She's at peace now.

But, how will we experience peace in her absence?

"Get engaged! That simple!"

How could it be simple if I don't like to get into fixed marriage? Fucking no! Kahit magkaibigan kami ni Stephanie, never in my fucking dreams to marry her. Kahit para lang sa negosyo. Hinding-hindi ko gagawin 'yun.

"Wala kang makukuha sa paglalaro ng ---- basketball na 'yan."

"But, if you agree with the deal. Then, you can still continue your fucking passion!"

"Dad... Please, I am still young to get engaged. I have dreams!"

"Fucking dreams! The company is yours. Ano pang gusto mo?"

"I want freedom, dad!"

"Then, go! Go out from this house. Since you cannot follow my rules, the door is wide open for you!"

Simula nung nawala si mama dahil sa breast cancer 'di na naging maganda ang turing ni dad sa akin. He always gets drunk. Ako lagi ang may mali. Kahit sa pinakagusto kong ginagawa ay pinagbabawalan niya akong gawin iyon.

Every day we argue. Walang araw na tahimik ang buhay ko kung magtatagpo ang landas namin sa bahay. Kaya mas pinili kong umalis sa araw na 'yun. Sa araw na sana ay masaya. Sa araw kung saan dapat pinapasalamatan na ako'y nabuhay pa. It was my birthday.

Hindi ko alam saan papatungo.

With just my empty backpack and with an empty wallet inside I went out of our house. I decided to leave my cards and phone. I don't want to be found. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking paa.

Bahala na!

That bahala na decision, brought me to a foreign place. Hindi pa ako nakapunta dito. Ang daming taong naglalakad sa kalsada. Ilang beses na akong nabangga. May napatingin sa akin at gusto pang magpa-picture. Kaya mas inayos ko ang bonnet na suot upang hindi makilala.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon