Chapter 40

672 16 0
                                    

Masarap

Binabalot kami ng nakakabinging katahimikan, habang nakatanaw lamang sa dagat. Naka-eskwat lamang ako at ganoon din siya. May distansyang namamagitan sa amin but my heart is full. I feel at ease.

It's just me and him in this wonderful masterpiece.

Napalingon ako nang unti-unti niyang hinubad ang kanyang puting t-shirt at inabot ito sa akin. My eyes directly drifted to his body. Kanina pa siya nakahubad, ah? Bakit namamangha pa rin ako?

Napangisi siya sa aking reaksyon at ginulo ang aking buhok. Maarte ko siyang hinarap at pinataasan ng kilay.

"What?" Sabi ko.

"Can you wear this? I am not comfortable." Aniya. He bit his lower lip while staring at me.

"Hindi rin ako kumportableng nakikita kang nakahubad..." sabi ko nang hindi ko alam saan ituon ang aking mga mata.

"Nakahubad?" At unti-unti sumilay ang naglalarong ngiti sa kanyang mga labi. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Naghahamon. Napaatras ako at nawalan ng balanse. Mas diniin niya ang kanyang sarili. Nakatukod ang aking kamay sa buhangin. Halos 'di na ako makahinga sa kanyang ginagawa.

"What I mean, walang pang-itaas na damit..." bawi ko. Sinisikap kong huminga pero ang kapre namamangha ata sa kanyang nakikita.

"Alright!" At nilubayan na ako. Tumayo siya at pinagpagpag ang kamay na napuno ng buhangin. Ganoon rin ako. Napatingala ako nang inabot niya ang aking kamay. Instead of accepting his hand, I grabbed his shirt.

Dali-dali kong sinuot ang kanyang t-shirt habang nakatalikod. Ramdam ko ang mga titig niya habang nakatalikod ako. Pakiramdam ko hindi kailanman masasanay sa mga titig niya.

Pagkatapos kong suotin ang kanyang t-shirt. He look at me just like a satisfied customer. Nakangisi ito habang pinasadahan ako ng tingin.

We went back to our position. Nakaupo sa buhangin kaharap ang dagat. Hindi nanunuot ang init ni haring araw dahil nasa ilalalim kami ng mga malalaking niyog.

"Ting, I am not asking for your reply. But, I want you to know that I am serious with my words." Seryosong saad niya.

What the? Anong reply?

My heart started to beat faster again.

Mahal ako ni Yegor. ..

"Huy! Hindi ito date! Bridal party ito ng kaibigan natin!" Napalingon kami ni Yegor nang narinig ang mga maiingay na kaibigan palapit sa amin.

"Nag-moment pa. Kayo talaga!" Panunukso ni Andrea.

"Kinikilig ako, pre," pabaklang asik ni Josh habang naki-high five kay Adam.

"Ikaw ata talaga ang susunod na ikakasal, babe." Nakangising saad ni Jaz.

Hindi ko alam ko ano ang dapat kong itugon sa kanilang pang-aasar. I just smiled at them. Pero unti-unting napawi ang ngiti ko nang nakitang dumistansya si Cria sa grupo. I saw how her mood change. Nakasimangot siya habang nakatingin sa aming gawi.

"Let's eat!" Ani Chino. He uttered the magic words dahil lahat nakatingin sa kanya.

"Yeah, let's eat. The food is ready." Ani Jaz.

Sa paglalakad namin papuntang restaurant napansin ko ang panay na sunod ni Yegor. Abala man siyang kausap si Luca pero pakiramdam ko ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa akin. Pagdating namin sa restaurant we occupied the same table but this time, katabi ko na si Yegor at kaharap ko na si Jana.

Panay lang ang ngisi niya kaya tuloy 'di na nakikita ang kanyang mga mata. Panay lamang siyang tinutukso ng kanyang mapang-asar na boyfriend.

Nagutom tuloy ako nang nakita ang mga nakahain sa lamesa. Naglalakihang crabs, shrimps, sweet and soured fish at may clam soup. But my eyes darted to the fried chicken. Kahit bawal 'yan paborito ka pa ring kainin. Unti-unti tinanggalan ng balat ang fried chicken at nilagay ito sa aking plato. Napatingin lang ako sa kanya pero ewan ba hindi ko mapigilang ngumiti.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon