Jealous
"Ok, lang 'yan, Thia. Libre namang mangarap." Nakangising asik ni Adele nang nakabawi na siya sa pagkagulat.
Kahit may nakadagan sa aking puso nanatili pa rin ang mga ngiti sa aking labi. Sinabayan ko ang aking mga kasamahan sa kanilang pagpapantasya kay Yegor.
Napawi lang ito pagdating ko bahay. Hindi ko pa rin maikaila ang katotohanang hanggang ngayon iinisip ko pa rin siya. Siya pa rin.
Is it wrong to only love one person in this lifetime?
No matter how I diverted my attention to others, I will always end up thinking about him.
Suot ang aming company shirt, high waisted shorts at slipper, nilisan ko ang unit. Bitbit na rin ang pang overnight bag ko.
Napahinto ako sa aking paghakbang nang naaninag ang babaeng naka aviator at may maong jacket na nakapatong sa kanyang balikat.
How I miss her so much!
Dali-dali kong hinakbang ang aming distansya at yinakap siya ng mahigpit. I felt how she also tightened our hug. Hindi na ako makahinga!
Kumuwalas ako at ningitian siya.
Maarte niyang binaba ang kanyang aviator at sinuklian ang aking ngiti.
"I am happy seeing you again, Thia."
"Sobrang saya ko, Jana! I miss you!"
Pinasadahan niya ako ng tingin at binasa ang aking suot na t-shirt.
Malapad ang ngiti niya habang binabanggit ang pangalan ng kumpanya namin.
"Itataya ko ang kotse ni kuya kung walang comeback na mangyayari. " Nakangising saad niya. Kahit kailan ang kulit talaga ni Jana.
"Alam mo?"
"Bago ko lang din nalaman." Napalaki ang aking mata at napaawang ang aking bibig sa pagkagulat.
"He's happy now, Jana." Sabi ko nung nakabawi na.
"Still I am rooting for you two." Aniya. At kumindat pa. Para bang siguradong-sigurado siya na kami talaga ni Adam.
I don't want to hope, but I inflicted anger in his heart. Ako ang nakipaghiwalay at dapat kong panindigan ang aking desisyon.
Gusto ko rin siyang tuksohin ukol sa kanyang ex, pero mas pinili ko nalang na itikom ang aking bibig baka may masabi pa akong ikakagalit niya. I don't want to disturb her peace of mind.
"Ihatid na kita." Aniya.
Nakangiti akong tumango sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam na makasama mo ulit 'yung taong malapit na kaibigan. Kahit sa distansyang namamagitan sa inyo, wala pa ring magbabago. Masaya pa rin.
Panay ang aming kwentohan sa sasakyan niya habang hinatid ako patungong opisina.
Bella texted me na nasa parking lot na raw sila at ako nalang ang hinihintay.
Napaawang ang aking bibig sa mensaheng natanggap. I hope she's just joking. Napatingin ako sa aking wrist watch at hindi pa naman ako late. O sadyang excited lang sila sa mangyayari sa araw na ito.
Hinalikan ko ang pisngi ng kaibigan at dali-daling nagpasalamat at bumaba na sa sasakyan.
"You're late!" Boses ni Bella ang sumalubong sa akin.
Umiinit ang pisngi ko nang napagtantong tama ang sabi ni Bella. I am fucking late! Nasagip ng aking mga mata ang lalaking nakahalukipkip sa may gilid. Suot ang kanyang aviator, button up light blue polo, khaki shorts and a white sneakers. Everyone was wearing our company shirt except him.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romance"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...