Chapter 8

1.1K 26 2
                                    

Sundo

Adam, kami nalang ang kakain sa pinagpawisan mo kanina!

Uo nga, Adam. Ang damot mo sa amin.

Nanunuot sa aking balat ang tawanan at tilian ng mga babaeng kasama namin dito sa bahay. Pero, ni isang salita na galing kay Yegor ay wala akong narinig. 

'Di ko nalang binigyan ng pansin ang mga usap-usapan at patuloy pa rin sa aking paghahakbang. Pagpasok ko silid, doon ko na naproseso ang mga narinig. Saan siya galing ng pera na pinamili niya ng ulam? Ang naalala ko'y binigyan ko lang siya ng sampung piso para pasahe. Maliban nalang na naging ginto ang barya. Imposible naman yata iyon.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagbihis na upang makapagsimula ng mag-aral. Kailangan kong magdobleng kayod sa pag-aaral dahil sa aking tutorial class. Ayaw kong maging hadlang ito na 'di ko maabot ang grado na kailangan sa aking scholarship.

Pagkatapos kong mag-asikaso sa sariling pangangailangan ay nagsimula na akong buksan ang aking mga notes.  Inuna ko syempre ang pinaka nahihirapan ako, baka kung ako ang magbabasa ay mas maiintindihan ko pa  kaysa  kay Mr. Capisrano na mukhang gutom palagi.

I smiled while remembering the note he wrote during our class. Napawi ang ngiti ko at kumunot ang noo nang naramdaman ang marahang pagpasok ni Yegor sa silid. Pakiramdam ko'y sumisikip ang silid  dahil sa kanyang presensya at siguro na rin dahil sa tangkad at hubog ng katawan niya.

Napalunok ako nang nasagip sa gilid ng aking mga mata ang tahimik na pag-upo niya sa kama.

"Saan na ang notes mo sa Math? Tuturuan  na kita..." ang lalim ng boses niya na 'di ko kayang sisirin. Kahit simpleng salita lang ang narinig, nauutal pa rin akong tugunan iyon.

"I can study with my own..." napakagat ako sa aking labi dahil sa kakaibang hangin na bumalot sa aking katawan.

"Nangako ako kanina, kaya't tutuparin ko." he firmly said.

Ang laway ko'y naubos na ata dahil panay lunok ko. 'Di ko kayang sikmurain ang lamig ng boses at pakikitungo niya sa akin.

He used to joke and tease me around. Pero, ngayon na miss ko ang kakayahan niyang barahin ako sa lahat ng bagay. Kahit umuusok na ang ilong ko sa galit. Tinutugunan niya lang ito ng ngiti, na minsan ay aking kinaiinisan sa kanya pero kadalasan ay napapangiti  ako.

Napakuyom ang aking palad nang naramdaman ko ang pagtayo niya sa kama at hinakbang ang aming distansya. In a quick motion, nasa kamay niya na ang aking math notebook.

Napataas ang aking kilay at napaangat ang labi ko sa gulat. Dali-dali kong inagaw ang notebook sa kanyang kamay.

"I told you that I can study with my own, naiintidihan mo?"  padiin kong tugon pero tamad lang na nakatuon ang kanyang mga mata sa akin. Para bang kahit anong argumento ay 'di niya ako papatulan.

"Yeah, sorry," aniya at tinalikuran niya ako. Dali-dali niyang binuksan ang aparador at kinuha ang extrang bedsheet. Nilapag niya ito sa sahig at doon na humiga.

So he's sleeping now in the floor? Himala ata. Bahala nga siya sa buhay niya. Buti nga't ako naman ang makakatulog ng mahimbing sa kama.

Ilang oras din ang ginugol ko sa pagbabasa ng aking notes at 'di inalintana ang hilik ng tulog na tulog na si Yegor. Ba't kaya siya humihilik ngayon? Ang alam ko humihilik ang tao kapag pagod ito. Saan naman siya napagod?  Gumugol ng kaunting minuto para magpasalamat tapos hinayaan ko na ang sariling makatulog sa kama.

Kinaumagahan ay nagising ako na wala na siya sa sahig. Naligpit na rin ang kanyang higaan. I grabbed my towel and the small basket at bumaba na ako sa hagdanan. Bumungad sa akin ang amoy ng tocino galing  sa kusina.

Unti-unting nalaglag ang aking panga sa lalaking nakabandara ang katawan at ang natatanging tuwalya lang ang nakakapit sa kanyang baywang.

Dumapo ang mata ko lamesa kung saan naka handa na ang aming baonan. May kasamang dalawang plastic glass sa gilid. May dalawang bakanteng pinggan at may ulam na rin sa gitna.

Buhay prinsesa na naman ako.

Kahit na 'di kami nag-uusap ng maayos, o 'di naman talaga kami nakapag-usap ng maayos, nararamdaman ko pa rin ang simpleng pag-alaga niya sa akin.

Napalunok ako nang nagtama ang aming mga mata. Naiinis ako sa aking mata dahil sumuway ito sa kagustuhan ng aking utak. Napatingin ako sa baba ng kanyang dibdib at halos 'di ko na masita ang aking mata nang dumapo ito sa kanyang baywang. How this guy have this v-line? Kaunting daplis lang ay pwede na itong lumihis. Oh my gee! Ba't ang halay na ng isip ko ngayon?

Buti nalang nakaahon agad ako sa pagkalunod, dinampot ko ang aking huwisyo. Napabuntong hininga ako at nagmamadaling nagmamartsa patungong banyo. At doon napahilamos ako sa tubig na galing sa gripo. 'Di ako makapaniwalang humahalay na ang isip ko.

Pagkatapos kong maligo, mag-bihis at kumain ay mabilis ko ng nilisan ang boarding house.

Hindi ko alam kung nakasunod ba siya sa akin hanggang kinausap ng mga  estudyanteng naka high school uniform  ang lalaki na nasa likuran ko.

"Kuya Adam, hindi ka magpapasada ngayon? Sana ikaw na ang maghatid sa amin ngayon," nakangiting saad ng babae na may mahabang buhok at mahabang pilik mata.
Syempre binagalan ko ang aking hakbang nang marinig ko ang sagot ng kapre.

"Hindi e, may pasok ako. Baka mamayang hapon ulit," ani Yegor, na nagpakilig sa isa nilang kasamahan, sa tatlo nila siya ang may hitsura.

"Ayos kuya, hihintayin ka namin mamaya," nakangiting sabad  ng ikatlong babae sa nakahilrerang fan girls ni Yegor.

Dahil nakakairita ang mga batang halatang nagpapacute kay Yegor ay binilisan ko na ang pagmartsa.

But wait, nagmamasada siya? Kaya ba may pera siyang pambili ng pagkain kagabi. A small guilt envelope my body. Sana'y kahit busog ako ay kumain parin ako kahit papano. Kaya pala'y biglaang umiba ang pakikitungo niya sa akin. Nagtatampo ata ang  kumag.

"Pre, dalawa," ani Yegor, sabay abot ng pamasahe sa konduktor. As usual ang lapit naman ng kumag sa akin. Magkadikit ang aming paa at siko dahil sa siksikan sa jeep. Nakakainis naman kasi kahit puno nagpapasakay pa. May mga tao naman kasi kung makabukaka ay akala mo wala sa pampublikong sasakyan.

Diniin ko ang aking binti sa kanyang binti upang ipagsiklop niya ang kanyang paa. Lalong nagpapasikip kasi.

"Ba't ka nagmamasada?" napakagat ako sa aking labi sa biglang bulalas ng aking bibig

"Para makatulong sa gastusin kahit papano," seryosong tugon niya, at dahan-dahan niyang pinagtagpo ang binting malayang naghihiwalay kanina.

"Hindi na kailangan," kaswal na saad ko, habang ang mata ay nakatuon lang sa daan.

"Dahil ba may naglilibre na ng pagkain sa'yo kaya't ok lang?"

"Ano ang sinasabi mo, Yegor?" napataas ang aking kilay at ganoon na rin aking boses.

"Kayo na ba ng lalaki na 'yun, ha?" At tinugunan ng kumag ang tono ng aking pananalita.

"What?" I yelled back.

All this time, 'yan ba ang iniisip niya na nakipagdate ako kagabi?

"Nagtutor ako sa kapatid niya at 'di ko alam na kapatid niya ang bata!"  Halos lamunin ko na ang aking dila sa kahihiyang dulot nito nang namataan ko ang mga matang nakatutok sa amin.

Grabe ang mga kabataan ngayon kung makipag-away 'di alintana kung may nakakarinig.

Napayuko nalang ako ng buong byahe at nagbibilang kung kailan pa kami baba. Nahiya rin siguro siya dahil buong byahe wala na kaming kibuan.

Nagmamadali akong bumaba sa jeep at kung pwede lang takpan ang aking mukha sa hiya.

"Ting!" tawag niya sa akin habang papasok na kami ng gate.

Napabuntonghininga ako bago siya hinarap.

"Ano?" naiirita pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Bakit  naisip niyang nakipagdate ako kagabi?

"May tutor ka mamaya?" at unti-unti itong ngumiti.

"Susunduin na kita..." 'di ko na masyadong narinig kasi tinalikuran ko na siya.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon