Yes
"Bakit Yegor ang tawag mo sa akin? Parang tinatawag mo lang ang papa ko," nakangiting saad niya.
"Mabuti nga 'yun, maala mo ang iyong ama nang sa ganon maiisipan mo ng umuwi," walang prenong bulalas ng aking bibig. Napakagat ako sa aking labi nang nakita ang pag-iba ng kanyang ekspresyon. Ang ngiting nakapinta sa labi ay napawi ng kay dali. Para bang may nasabi akong mali at 'di dapat.
With that, he zipped his mouth and never tried to talk again.
Naglalakad ako patungong NBS, habang nasa likuran ko lang ang isang kapreng sunod-sunuran sa akin. Para akong amo niya na binabantayan kung saang sulok mapadpad.
Napahinto ako sa librong nakaagaw pansin ang cover. Lalaking nakahawak sa batang babae. A father and a daughter dancing in harmony. Mas lalong namilog ang mata ko nang naaninag ko ang pangalan ni Nicholas Sparks. Hoy! Calanthia, priorities first. Nanatiling nakatayo habang nakakititig sa libro. Hindi ko sinubukang hawakan baka hindi ko na mabitawan.
Mabigat man sa aking dibdib, tinalikuran ko ang gustong libro at nagtungo sa librong kailangan ko. Ang laki ng kaibahan sa gusto at kailangan. Sa ngayon ang kailangan muna ang dapat kong atupagin.
Ang sakit magpalabas ng isang libo at dalawang daan para sa isang libro, lalo na't sapat lang ang pera sa pang-araw-araw na gastusin.
I felt the intense stare of the cashier, hindi pala sa akin kung hindi sa lalaking nasa tabi ko. Hindi naman sana siya nagbayad pero nakipila pa ang kapre. Tuloy nagkamali nalang ang cashier sa kanyang sukli. Sinauli ko syempre ang sobra.
Kaunting libot sa mall ng walang kibuan. Hanggang dinala kami ng aming mga paa sa Men's Apparel.
"What are we doing here?" Hindi ko man naaninag ang mukha niya, pero sa tono ng kanyang pananalita. Alam kong naiirita na siya.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at nagpatuloy nalang sa pagmamartsa patungong men's underwear.
"What's your size?" Kaswal na saad ko habang pumipili ng itim na boxers brief sa may glass stand. My jaw dropped with the prices printed on the side. Ang mahal. Kahit may nakaukit na pulang SALE.
"We're not buying anything. Bababa na tayo para makapag-grocery," ngayon, nakaharap na sa akin ang kumag. He look at me intently. Tila ba'y nagpapahiwatig na susundin ko siya ngayon. But a part of me wanted to argue with what he want.
"Hindi kita bibilhan kung uuwi kana sa inyo. Kailangan ko ang electric fan, kaya't napipilitan lang akong bilhan ka, hindi dahil gusto ko lang," shit! Do I sound defensive?
Napataas ako sa aking kilay nang naaninag ko ang ngiti sa kanyang mga mata. He's biting his lower lip, maybe to prevent from smiling. But his eyes was so transparent of what he felt right now.
"What do you think of my size, uh?" shit! Ba't apektado ako sa mga ngiti niya? His brows arched a little. Pakiramdam ko'y may kumukulong takore sa aking pisngi. Ang init ng pisngi ko.
I threw the boxers on his face at pinalakihan ko siya ng mata. Napailag ito at nawalan siya ng balanse. Kaya't nasagip ng kanyang kamay ang naka-pile na mga sando sa glass stand. Gosh!
"Miss, hindi ito playground, kung hindi kayo bibili ay ipapatawag na namin ang aming security," maarteng asta ng sales lady, habang palapit sa aking gawi. 'Di niya ako tinantantan sa kanyang titig na mapaghusga.
"I am sorry, Miss. 'Di po namin sinasadya. We'll going to buy these. Sabay kuha ng dalawang itim na boxers.
"1,200.00 pesos, Miss," nalaglag ang aking panga sa presyong nakita ko sa computer monitor ng cashier. Shit! Ang mahal pala ng nakuha ko 2 boxers for 1,200? Parang accounting book ko lang?
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romantizm"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...