Chapter 39

554 14 2
                                    

Love

Napuno ng hiyawan ang buong beach resort lalong-lalo na nang palapit na sa aming gawi ang motorboat kung saan nakatali na ang banana boat.

Really? Pagbibigyan ko talaga ang mga kaibigan?

Sa gitna ng hiyawan may nangingibabaw pang kumakanta ng muling ibalik.

I cannot even look at him.

Ginawaran ko lamang sila ng ngiti. Ilang santo na ang natawag sa aking isipan upang hindi matuloy ang kahibangan. But, when I look at Jaz, biglang napawi ang aking pagdadalawang isip na sumabay nalang. Sa ngiting nakaukit sa kanyang mga labi ay ayaw ko itong mapawi. Naka thumbs-up pa ang gaga nang nagtagpo ang aming mga mata.

Hindi na ako lumingon sa gawi ni Yegor basta ba't patuloy lamang ang aking pagmartsa patungo sa banana boat.

"Thank you, kuya." Nakangiting saad ko sa lalaking nagpasakay sa akin. He just smiled and look away.

Hinayaan ko ang aking sariling damhin ang ganda ng paligid, ang asul na karagatan, ang tahimik na alon nito, ang naglalarong puti at asul na kalangitan. Dapat kalmado lang. Na dapat i-enjoy lang ang bawat minuto.

I let my hair dance with the rythym of the wind. Hindi ako nakadala ng ponytail kaya magdusa talaga ang nasa aking likuran.

Bumilis ang bawat pintig ng aking puso nang naramdaman ko na siya. Walang kahirap-hirap na sumakay ang kapre. Sa laki ng kanyang paa pakiramdam ko ay nasakop niya ang aking maliit na binti.

Mas lumakas ang hiyawan nang unti-unti ng umandar ang motorboat. Napahawak ang isang kamay sa aking dibdib at ang isa naman sa hawakan ng banana boat. I cannot sit straight dahil sa sobrang bilis na kailangan ko lang sumabay sa alon.

But, when I almost lost my balance, I felt his hand covered my waist.

Kung hindi lang talagang natatakot mataob ay matagal ko ng tinanggal ang kanyang kamay but I need to enjoy this moment.

I shouted with all my might. Pero napahinto ako nang umalingaw-ngaw ang boses ni Jana. Kahit medyo malayo na kami pero grabeh parang naka megaphone ang babaeng ito.

"Huyy, Adam! May hawakan naman!"

In a swift motion I am already in his arms.

"Shit!"

"Ang sarap mo talagang magmura..." Pabulong niyang asik and just like that, I caught myself smiling... And I hate it.

Hanggang sa pagbaba namin at papunta sa gawi ng mga kaibigan, ang ingay pa rin nila. Para bang nakakamangha talaga ang aming ginawa. Sumakay lang naman kami.

Pero, sigurado akong pinagtripan kami ng grupo dahil pagdating namin sa kanilang gawi sila naman ay nagsitakbuhan patungo sa malaking banana boat kung saan kasya silang lahat.

"Bagay talaga kayo ni Mr. CEO." Pabulong na asik ni Jana at sumabay rin sa pagtakbo.

What the?

At sa kasamaang palad kami naman ni Yegor ang naiwang dalawa. Nahulog ata ang aking katinuan dahil sa kanilang ginawa, napaawaang ang bibig habang nakatanaw sa kanila.

I felt alone nang napagtatantong lumayo ang kanilang ruta kumpara sa aming dalawa kanina.

My heart skipped a beat when I heard him speaking behind my back.

"I am hungry." Aniya

Napalingon ako sa kanyang gawi at napataas ang aking kilay. Napakagat ako sa aking labi nang napagtantong CEO namin ang kapreng ito.

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon