Mura
Minsan may pagkakataon talaga sa buhay na hindi mo alam bakit mo naggawa ang isang bagay. Pero wala ka ng maggawa dahil tapos na ito.
All you can do is to face the consequences and be brave.
But how to be brave in front of him? In front of very tall people who are all staring at you. Nanliit ako sa sarili ko. Hindi dahil maliit ako, kung hindi dahil 'di ko alam bakit nasa ganito akong sitwasyon.
Ang aking buong katawan ay na estatwa at ang balahibo sa batok ay nagsitayuan dahil sa kakaibang nararamdaman.
"Let's go!" Si Jana.
Hinawakan niya ang aking kamay kaya ako napaatras.
"Sorry po... We'll go ahead." Aniya.
Hindi na ako nakatingin sa mga lalaking nasa harapan dahil parang nilalamon na ako ng hiya kaya nagpatianod nalang ako sa gusto ng kaibigan.
Buti nalang may kaibigan akong laging handang iligtas ako mula sa kahihiyan.
Sa sobrang bilis ng aming bawat hakbang ay halos 'di ko na mabalanse ang paglalakad. Pagdating namin sa may parking lot, doon na ako nakahinga ng malalim.
Binitawan na ang ako ng kaibigan at hinabol niya ang kanyang hininga. Para bang nauubusan na siya ng hangin.
"What was that, Thia?" Aniya nang nakahinga na siya ng normal.
Naaninag ko ang unti-unting pagsalida ng kanyang ngiti sa labi.
Pero heto ako hindi pa naproseso ang kahihiyang ginawa.
The fuck! They are all Yegors!
"Iba talaga ang sabik!" Lalong lumapad ang kanyang ngiti. Namumuo na ang kanyang pawis sa noo. Pero wala siyang pakialam dito. Parang 'di talaga ako tatatantanan sa kanyang mga titig.
"I was shocked!" Sabi ko.
"He's our CEO." Aniya.
"Yeah..."
"Babe!"
Napalingon kami sa lalaking malayo palang ay nakangisi na.
Ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting napawi at napataas na ang kanyang isang kilay habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa kanyang girlfriend at sa akin.
"'Di ba aircon ang hotel, huh? O nag marathon kayo palabas? Babe, what happened?" Seryosong tanong niya kay Jana.
"We just saw someone from the past." Ani Jana. Sinulyapan ako ng tingin habang binaling ang atensyon kay Seb.
Ilang segundo na lang naamoy ko na ang pamilyar na pabango. Napabuntong-hininga ako. Kahit ilang beses na kaming nagkita ni Yegor 'di ko pa rin ito nabanggit kay Louie. I don't know why, baka hindi lang talaga ako naging bukas sa kanya sa isang parte ng buhay ko.
"Anong nangyari sa inyo?" Si Louie. Seryosong tanong niya. His voice is deep and manly. 'Yung tipong kakarmahin ka kung hindi ka magsasabi ng totoo.
Hindi pa bumuka ang aking bibig upang masagot sa kanyang tanong. Napahawak ako sa aking buhok at doon ko napagtanto na unti-unti ng lumuwag ang pagkatali ko sa aking buhok, mukhang mahuhulog na ang hairpin. Nilapitan ako ni Louie at inaayos niya ang pagkalagay nito.
"Ayos lang...." halos 'di ko na matapos ang aking sasabihin. Napailag ako sa kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking balikat upang di ako makagalaw. Tootong 'di ako nakagalaw sa kanyang ginawa. Hinaplos niya ang aking buhok at ang kanyang mga mata ay naglalakbay sa aking mukha. Napalunok ako sa kanyang ginawa. Even were friends for a long time, 'di parin ako nasasanay sa mga ganitong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
He Was My Bedmate
Romansa"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lower lip to stop myself from telling the truth. The truth that he used to be proud of. "He was my bed...