Chapter 49

650 15 0
                                    

A & C 

"I was hoping that it was a no," si Bella nung naghahanda na kami upang matulog.

Mabuti na ring mula sa kanyang bibig  na may girlfriend na siya... Hindi ko alam kung bakit walang salitang lumabas sa aking bibig. Pag-akyat namin sa kwarto nawalan na ako ng ganang makipag-usap.

"Thia, are you ok?" kanina ka pa tahimik, ah? At napansin ko ikaw ang pinakamaraming nainom. May problema ka?" Binaling ni Bel ang kanyang atensyon sa akin. She's fixing her hair but now her attention was solely for me. 

Napatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin. I am not sure if what I really need right now...

"Gusto mong babalik tayo sa dalampasigan upang mag-usap?" aniya. 

"No, I am ok Bel. Thank you. I am really sleepy..." naawa na ako sa concern na pinapakita niya kaya I want to assure her that I am fine.

Kahit puno man ng pagdududa ang mukha ni Bella, tumango lang ito at hinayaan na akong humiga.

Pero sa aking paghiga natatanging kirot sa aking puso ang naghahari. Kahit nakapikit ang aking mga mata, ang natatanging imahe ng isang lalaking nakangiti pa rin ang aking nakikita. Damn you, Adam!

My head started to spin and I feel like vomiting. Kaya mabilisan akong pumunta sa CR at doon ko na binuhos ang lahat.

I heard Bell shouting.

"Thia!"

At dinaluhan niya ako sa CR.

Naramdaman ko ang unti-unting  paghinto sa paghagod niya sa aking likuran. Medyo nahimasmasan na rin ako. Tinali ko ang aking buhok ng maayos at naghilamos na rin.

"Salamat Bel..."

At sa aking pagharap sa may pintuan hindi si Bella ang aking nakita kung hindi si Yegor. Napatingala ako at unti-unting umatras. He's looking at me intently with a mixed of anger and hatred in it. He surveyed my whole being. Na para bang hinihimay niya ang aking pagkatao. Nakakatunaw at mukhang nasusuka ulit ako sa kanyang presensya.

He handed me a glass of water.

"I am ok," sabi ko nang hindi pinansin ang kanyang presenysa. At unti-unti nilagpasan siya palabas ng CR.

My heart started to beat faster nang napagtanato na wala sila Bella at Adele sa kwarto.

"Ok? Really?" may paghahamon sa kanyang boses. Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang kanyang galit. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa aking paghakbang. 

"Sinabi kong ok lang ako. Maari ka ng bumbaba. Doon ka na sa girlfriend mo..." siguro may alcohol pa rin ang aking katawan dahil makapal ang aking mukha o dahil nakatalikod ako sa kanya?

"Who told you to finish 7 cans of beer, Thia?" aniya. Na para bang hindi pinansin ang sinabi ko. Naririnig niya ba ako?

"Umalis ka na, please..." napaluhod na ako, nagmamakaawang umalis siya. But still I don't have the courage to face him in my messy state.

"You will push me again?" aniya.

"Please..."

"I will not go out from this fucking room when you will not go with me!" there's a finality in his tone. Kaya napayuko lang ako at di pa rin siya nilingon.

"Nababaliw ka na ba, Yegor?"  halos padaing na tanong ko sa kanya. Unti-unti ng bumuhos ang kaninang luhang nagbabadya. The more I don't want to face him.

"Uo, Thia, baliw na ako. Baliw na baliw. You asked me leave you when you were in Cebu and now you are asking me again. Hindi ka ba magtatanong kung ano ang gusto ko, Thia?"

He Was My BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon