***
Leandro's POV
"F*ck"
Kusa akong napayuko ng ibato niya ang bato. Naghintay pa ako ng ilang saglit bago magmulat. Ano ba 'yon, bakit naman niya ako babatuhin?
"Hoy! Sino ka? Bakit mo binato ang bintana namin?" Napatingin ako sa baba. T*r*ntado, sa second floor niya pala binato. Akala ko sa akin eh. Pero teka, bakit niya nga naman gagawin iyon.
"Bumaba ka dito. May kailangan akong sabihin sa iyo!" Utos ni Caline. Napaurong yung kilay ko. Okay, she's a baddass. But she's still not my type.
"Talagang bababa ako. Humanda ka sa aking babae ka!" Sagot nung matandang lalaki sa second floor.
Ano naman kayang meron sa dalawang iyon? Mukha naman silang hindi magkakilala ah.
Hindi naman ako dakilang usyusero pero may bibilhin ako sa baba. Kaya nagmadali akong maghood at magsalamin. Bakit ba, ang taas ng araw eh. Nagmadali na akong bumaba. Naabutan ko silang nagsisigawan sa may garden sa labas.
Bumili ako ng mamahaling kape sa isang shop at umupo sa gilid kung saan rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Bakit mo sinaktan si Jepoy? Kung ayaw mo sa presensya nila, pwede mo naman pong sabihin ng maayos. Naiintindihan nila. Pero ang saktan sila ng ganon lang ang dahilan? Hindi naman po ata tama iyon!" Napaka-interesting niya ha. Kase halatang galit siya, pero ang kalmado niya pa rin.
"Binato mo ang bintana ko dahil lang doon?" Galit na sagot nung matanda. Kahit naman siguro ako magagalit din . Like , what the f*ck. I hate street childrens. Masyado silang patay-gutom.
"Opo. Dahil hindi niyo dapat ginagawa ang bagay na iyon. Alam niyo po bang hindi makalakad ngayon si Jepoy at nilalagnat dahil pinalo niyo siya ng tungkod?" Medyo dumadami ang nanonood sa kanila. Nakita ko yung tungkod na marahil ay ang pinalo daw sa pulubi.
"Bastos ka ah. Paano mo nasasagot-sagot ang matanda sa iyo. Wala ka ring pinagkaiba sa pulubi na iyon. Mga hampas-lupa!" Sigaw ng matanda.
"Ow!" Napahigop ako sa kape ko. That was below the belt, tanda.
"Opo, hampas-lupa kami at mahirap. Pero hindi po kami nananakit at namamahiya ng ibang tao!" Sagot ni Caline. Okay, she's a debator. I can admit that.
"Wala na akong planong makipag-sayangan ng oras sa iyo. Guard, get this girl out. Ipakulong niyo sa presinto para magtanda!" Utos nung matanda kaya lumapit agad ang mga guard. Ang alam ko kase, isa sa VIP itong si Tanda. Kaya malamang. susunod agad ang mga ito.
Mukhang magkakaroon ng mas magandang show ah. Plano ko lang naman eh magpahinga. Bakit ako bibigyan ng palabas? Pero ayos na din. Nag-eenjoy naman ako eh.
"Bitawan niyo ako. Ipagamot mo si Jepoy. Kahit iyon manlang. Maawa ka sa bata, hindi na makalakad!" Sigaw ni Caline. Matapang din pala siya. But still not my type.
"Alisin niyo na iyang babae na iyan. Naririndi ako eh!"
Maya-maya pa ay may dumating na police. Wow, ang bilis ha!
Sinakay na nila si Caline sa patrol car at umalis. Ang aga naman natapos ng palabas. Nabitin ako eh. O sige, ako na ang magtutuloy.
Papasok na si tanda sa loob ng hotel-condo ng iharang ko ang braso ko. Taas kilay agad si tanda eh. Tignan natin.
"Sino ka ba. Alis!" Tinabig niya ang kamay ko pero hinarang ko ulit.
Nainis siya kaya hinarap niya ako at tinignan ng masama.
Talaga lang ha.
Binaba ko ang hood ko at tinanggal ang salamin.
Nagulat ang lahat ng makita ako. Lalo ng mga staff at guards.
"Sir Leandro!" Sabay-sabay silang nagbow. Maging ang mga dumadaan ay nagulat. Ganito ba kasikat ang tulad kong bilyunaryo lang naman?
"S..Sir Leandro!" Pati si tanda nabubulol na.
At bakit hindi siya mabubulol. Eh ako ang may ari ng 20 storey hotel-condo style building na ito. At ako lang naman ang boss ng anak niyang puro pagbubulakbol lang ang alam sa company.
"Yes, uncle Remy?" Oo, uncle ko siya. V.I.P dahil sa akin.
"Balita ko may ipapagamot ka raw ah! Bakit papasok ka na sa loob?" Nakakunot kong tanong.
"Ha? Ah. Wala lang 'yong kanina. Manloloko lang ang mga iyon!" Pagpapaliwanag niya. Pero nauubos na ang pasensya ko. Ayokong nag-aabala ng ganito.
"Ipapagamot mo ba siya o hindi?" Nakangiti kong tanong. Nataranta naman siya.
"Oo. Kikilos na ako" sinenyasan niya 'yong alagad niya. Pagkatapos ay may dumating na kotse at pinagbuksan siya.
"Balitaan mo ako ha?" Paalala ko.
"Oo. Oo ,sige una na ako!" Kinakabahan niyang tugon. I know almost all kinds of human. At ang katulad ni Caline ay alam kong hindi nagsisinungaling.
Nagmadali akong pumunta sa basement upang pumili ng kotse sa garahe ko. Nang makakita ng ferrari ay agad na akong sumakay at pinaandar iyon.
Parang ginanahan ako biglang magdrive. Ewan, baka bored. Kaso huminto ako sa presinto. Ano namang gagawin ng isang bilyunaryong tulad ko sa presinto? Wala na kayong pakialam.
Nagmadali na akong bumaba. Naghood muli at nagsalamin. Mahirap na, baka may makakilala sa akin. Baka sabihin may krimen akong ginawa. Madudungisan ang image ko.
"Miss. Kailangan niyong makulong ng isang araw. Ayaw pumayag ng complainant. Napahiya daw siya eh!" Paliwanag ng police. Naabutan ko sila doon habang nakaluhod si Caline at nagmamakaawa. Napaurong na naman ang kilay ko.
How pathetic!
"Pasensya na po. Siya naman ang mali eh. Patawad na po, kailangan ako ng pamilya ko. Wala akong pampiyansa!" Naiiyak na siya sa pagmamakaawa. Sumandal lang ako sa gilid habang nanonood.
"Dapat naisip mo iyan bago banggain ang isang malaking personalidad na tulad niya."
Natawa naman ako. Malaking personalidad? Nagpapatawa ba siya? Si uncle? Haha. What a joke.
"Pasensya na Miss. Kailangan naming gawin ito. Sa susunod kase, huwag kang padalos-dalos. Ganito sa bansa natin, nasa kamay ng mayaman ang batas!"
What the f*ck! Hindi ako makapaniwalang police pa ang nagsabi noon. Totoo naman ang sinabi niya. Pero sa kaniya talaga galing? Parang pinalabas niya na rin na wala silang kwenta. Na puro mga bayaran lang sila.
Hindi ko na kayang magtagal sa toxic na lugar na ito. Nilapitan ko na yung counter nila. Naglabas ako ng cheque at nagsulat ng halagang isan-daang libong piso.
"Here. Free that girl. Pamangkin ako nung nagsampa ng kaso. Ako na ang magpapiyansa sa kaniya!" Madalian kong sabi. Nanlaki naman ang mata niya ng makita ang pangalan sa cheque. Sumaludo pa siya. Ano ako, opisyal?
Tumalikod na ako. Tapos na ang palabas. Pasalamat ka, Caline. Nasa mood ako ngayon.
Binuksan ko na ang ferrari Car ko.
"Kuyang nakahoodie!" Napahinto ako. Ako ba 'yon?
Humarap ako. Si Caline nga, ako ang tinatawag.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.
"Maraming salamat! Hulog ka ng langit!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi na ako umimik dahil pumasok na ako sa kotse.
What the..
Ako? Hulog ng langit?
Well, yes! Hinulog talaga ako sa langit. Dahil hindi nababagay ang isang tulad ko sa paraisong para lamang sa mga nararapat. At hindi doon kasama ang makasalanang tulad ko.
BINABASA MO ANG
Seduced By a Billionaire (COMPLETED)
RomanceRATED-18 Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Haha. *** Leandro Montemayor is the Youngest Billionaire in town. Caline Ventura is poor girl with a kind heart. A total opposite style of Leandro. That's why how he ended up seducing a girls...
