Chapter 42

1.4K 27 2
                                    


***

Third Person's POV

"Caline, its been months already. When will we talk?"

Gamit ang pabebe niyang boses ay tahasang binasa ni sheera ang message na iyon ni Leandro sa email ni Caline. Yeah ,email lang ang  tanging maiimessage niya because she have blocked him through all her social media account.Gusto niya pa kase itong pahirapan.

"Konting oras pa, Sheera!"

"Luh, pateen age ka teh? Tagal na naghihintay yung tao eh. Kausapin mo na!" panunukso ni Sheera. "Bahala ka, baka ako pa ang kumausap diyan." dag dag pa nito.

"Hays, ewan. Maiwan na nga muna kita diyan. Alagaan mo si Leana. Mag grocery lang ako saglit!" boring niyang sagot sa kaibigan.

"Pasalubong teh. Boylet!" pahabol ni Sheera.

"Anglandi!" bulyaw nito sa kaibigan.

Nagmadali na siyang sumakay sa kotse at nagmaneho papuntang grocery store. As usual, ang traffic kaya naisip niyang magradio.

Dj Jenny. What to do po? Ilang taon niya akong pinabayaan tapos in one snap. Bigla na lang siyang magpapakita out of knowere tapos she wants a second chance with me. Does she deserve it po? Naguguluhan po ako.

Napangiwi na lang si Caline sa narinig .

Hijo, huwag mo na siyang bigyan ng second chance. Hindi mo deserve ang mga taong tulad niya. nalagpasan mo ang lahat ng wala siya. Kaya hindi mo siya kailangan.

Nasang ayon naman si Caline sa tinuran ng babaeng DJ. Medyo relate kase siya. Actually, relate talaga.

I think naman, you should talk to her first. Unang una, bumalik siya despite all years na nawala siya. Ibig sabihin. May reason siya kung bakit niya nagawa iyon. Pangalawa, idinulog mo sa amin ang problema mong ito. Which means, you are still concerned about her. Ito na ang tamang panahon para mabigyang linaw ang lahat ng bakit mo. Kaya huwag mong pigilan ang sarili mo. Harapin mo siya. Kaya mo iyan.

Napataas naman ang kilay niya sa tinuran ng isa pang DJ. Si DJ Martin. Ang programang ito kase sa radyo ay tumatalakay sa isang issue na binibigyan ng dalawang magkaibang opinyon ng sa ganon ay makapag isip ng maayos ang dumudulog.

Minabuti niya na lang na patayin ang radyo. Nainis siya kase may point yung sinabi ng isang DJ. Nagmamadali niyang ipinarada ang kotse sa parking lot at dumiretso sa kuhaan ng cart para simulan ang pag gogrocery. Inuna niyang puntahan ang mga rekado. Sibuyas at bawang, sunod ang mga condiments. Medyo natutuwa pa siya dahil ang konti lang ng tao ngayon sa grocery store.

Bigla naman siyang nagcrave kaya nagtungo siya sa mga chocolates. Ngunit habang busy siyang nagtitingin ng mga ito ay may biglang bumangga sa cart niya na kinagulat nito. Napataas agad ang kilay niya. Hinarap niya ang bumangga sa kaniya at nagulat lang na si Leandro pala ito. Nataranta siya sa gulat. Minabuti niyang tumakas kesa makipag usap dito.

Ngunit bago niya pa lang gagawin iyon ay mabilis ng inabot ni Leandro ang isang chocolate pagkatapos ay parang walang nakitang lumagpas ito sa kaniya ng di manlang siya kinulit ni tinignan. Nagulat si Caline na ginawa ni Leandro.

Hindi niya ba ako napansin? Tanong nito sa isip. Nagkibit balikat na lang siya. Pinagpatuloy niya lang ang pag gogrocery. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakamasid na pala siya kay Leandro. She's quietly following him and watching how this billionaire brat push his cart and doing this thing.

Si Leandro ba talaga siya? Muli niyang tanong sa isip.

Halos sabay na din silang pumila sa cashier. Magkaiba nga lang para hindi halata ang pang istalk niya. Nakahalumbaba pa siya sa cart habang pinapanood si Leandro na naglalagay ng mga pinamili sa counter.

Bakit ang gwapo niya pa rin? Hays. Napabuntong hininga siya.

"Miss, magbabayad ka pa ba o magdedaydream?" nasira ang moment niya ng sitahin siya ng isang cashier. Turn niya na pala para magbayad.

"Magbabayad teh. Hmmp. Sungit!" pabulong niyang sabi bago padabog na ilabas ang mga pinamili.

Matapos magbayad ay nagmadali siya upang sulyapan muli si Leandro. Nawala na ito sa paningin niya kaya kinabahan siya. Saan niya ito hahanapin. Inikot niya ang gusali ngunit hindi niya na ito makita. She's been acting weird na para bang hapong hapo kakahanap sa isnag tao just like in the movies. Until she realized something.

"The heck, Caline! Anong ginagawa mo. Makauwi na nga!" she stopped firmly ng marealize kung bakit niya iyon ginagawa. Why is she following that man. Napashake shake head na lang siya para malinawan.

"Arggh!" napahilamos na lang siya ng mukha bago tumalikod at maglakad palayo. Ngunit nauntog na siya sa dibdib ng isang lalaki.

"Looking for me?" tila nanigas ang buo niyang katawan sa narinig. His scent, ganon pa rin? Ugh, she missed his smell. Pero hindi siya nagpadala. Si Leandro ang nakabangga niya at tinatanong siya nito. Kaya tinimpla niya ang pinakamataray na look bago ito harapin.

"Excuse me? You're delusional!" sigaw niya dito.

"Eh? Kahit kanina mo pa ako sinusundan at pinapanood sa loob ng grocery store?" mapanuksong saad ni Leandro. Bahagyang namula naman si Caline. Sapagkat nabuking siya. Alam pala ni Leandro na minamasdan niya ito kanina pa.

"Assuming ka ano? Makaalis na nga. Chupi!" tinabig niya si Leandro at nagmamadaling nagtungo sa elevator para bumaba sa basement kung nasaan ang kotse niya.

Sakto naman na walang tao. Agad niya itong isinara ngunit agad na siningit ni Leandro ang kamay dahilan upang muling bumukas ang elevator.

"Let me in!" sabi ni Leandro

"Whatever!" yun lang ang binanggit ni  Caline.

It is so awkward dahil dalawa lang sila. Gusto niyang lumabas at iyon nga sana ang gagawin niya ngunit bago pa lang siya lalabas ay muling bumukas ang elevator at pumasok ang sandamakmak na tao. Ang bilis ng pangyayari. Nakita niya na lang ang sarili sa pinakasulok ng elevator habang halos mayakap na siya ni Leandro.

Nasulyapan niya ang ngiti sa labi ni Leandro kaya sinita niya ito.

"What so funny?" mataray niyang tanong.

Napangiti lang lalo si Leandro. "I missed you ,Caline. So bad!"

Parang may dalang kilabot ang katagang iyon ni Leandro. Dahil sa pagkagat nito ng labi pagkatapos sabihin ang words na "so bad"

Mabilis lang at nasa basement na sila. Mabilis lumabas ang mga tao kaya tinulak niya na agad si Leandro.

"Bye!" nagmamadaling tumakbo si Caline palayo kay Leandro.

"Caline!" pero napahinto siya ng tawagin ito ni Leandro. Automatic na lumingon ang mga leeg niya. Inintay niya lang ang sasabihin ni Leandro.

"Until you're ready, love!" natameme siya ng ngumiti si Leandro matapos sabihin ang katagang love. Mabilis ding nawala si Leandro sa paningin niya dahilan para maiwan siya doong mag-isa. Matapos ang ilang segundo ay saka niya pa lang nagawang ihakbang muli ang mga paa.

At hindi na naalis ang mga ngiti sa labi hanggang makauwi siya ng bahay.

Seduced By a Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon